Bangungot

 

Napangarap ko ang paghuhukay ng aking libingan.

 

Hindi ko alam kung bakit ako umiibig sa kamatayan.

Nangyayari ito sa aking paghimbing

Walang malay sa lalim ng hukay na kahuhulugan ko.

 

May kakaibang gayuma ang pinapasok kong pagtatangi.

Sa tuwing inaakit ay tila nakalilimot

Sa paghinga o sa pagpiglas mula sa parihabang hukay.

 

Dati, alam kong may kamatayan ang sinumang umibig

Pero hindi ko alam na maaaring umibig sa kamatayan.

 

Dati, alam kong may mapanuksong imahen ang pag-ibig

Pero hindi ko alam na mapanukso rin ang sa kamatayan.

 

May ganoong uri pala ng libingan,

May ganoong uri pala ng pagbibigay-sarili.

May layaw ako

Kung gising

Nakatali kung naiidlip.

Malapit ako sa lupang hinukay

May paanyaya pa sa akin ang alimuom

Pati bulating lalapa sa laman,

Hindi ko na pinupuna pa ito.

 

Basta tatalon ako sa hukay,

Anim na talampakan ang lalim

Hindi na pansin ang saysay ng paggising.

 

Kung may kamatayan nga sa lalim ng paghimbing,

Hindi ko maintindihan kung bakit

Ayaw pa akong payagang matabunan ng burak o putik.

 

Umiibig nga ako marahil sa kamatayan

Subalit hanggang sa malalim na pag-idlip lang.

 

 

 

<< back            next >>

   

[HoMe] [THe LaDY BeHiND] [CiRCLe oF FRieNDS] [MY WRiTiNGS] [LiFe oF a PRoFeSSioNaL BuM] [eNDLeSS YaKiTY]

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1