Forum Discussions


ZACARIAS 13:8-9, HULA na natupad sa ANG DATING DAAN ni ELI SORIANO.

ANG PANAWAGAN NG PANELISTA NG Ang Dating Daan SA KANILANG KABARAN(GAY)

ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA ADD(Ang Dating Daan ni Eli Soriano) PAGKA-TAPOS NG TAONG 2010?
Hindi raw totoo na pinahahaba ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan ang PAGPAPASALAMAT sa APALIT dahil sa PANINDA
Eli Soriano VS SATELLITE (patunayan mo na mali si Eli Soriano ng Ang Dating Daan... )
JOPAY, LALANG NI SATANAS? (Daniel Razon ng ang Dating Daan)
Wala ba talagang prayer meeting sa UMAGA ang Dating Daan? Meron o Wala?
"Ang sugo ay walang pansariling turo,..."(Ang Dating Daan Magazine)
Ang Dios me' PUWIT! Nababasa sa Biblia di' umano ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan
IBA'T IBANG VERSION, 20K NI ELI Soriano ng Ang Dating Daan
HINDI KA PAPASOK SA PULITIKA - (Willy Santiago ng Ang Dating Daan)
Ang kahiya-hiyang KASINUNGALINGAN ni dios DANNY NAVALES ng Ang Dating Daan
Ang Dating Daan ho hindi nagtuturo ng sarili 'nyang turo. - Eli Soriano
Ang pagkakaiba ng ANG DATING DAAN sa INC - Marianito Cayao Jr.(former Ang Dating Daan Distict Servant)
Kawawang "Yirmeyahu" na kaanib sa Ang Dating Daan, BUMABATAY nalang sa POSIBILIAD na IMAHINASYON lamang ng kukote niya
Hirap na hirap si "addchrstn" na kaanib sa Ang Dating Daan sa pagpapalusot sa isyu ng pagka SUGO ni Eli Soriano
Headline full story...

Kapatid na Saturnino Toca. Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano

Saturnino Toca: (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) “Saturnino Toca po ang pangalan ko. Ang idad ko'y sisenta'y uno anyos, dito po ako nakatira sa Tanay Rizal, Rodriguez Ave.. At ah…may tatlong anak. Ang una po ‘nyan eh…napanood ko lang po sa TV ang programa ‘nyang Ang Dating Daan. Siguro po mga taong 1999. Hanga't sa…para bang natawagan ako ng pansin dahil…sa akala kong kakaiba, inakala kong totoo na hanga't sa sumasama po ako sa mga Bible exposition. Sa panahon ng Bible exposition may mga pagbibiro pa si Ka Eli Soriano na: mga kapatid meron ba kayong nauupuang sobre? Doon po sa aming mga bisita, mayron ba kayong nauupuang sobre? Baka po mayroon sa inyo manghihingi ‘dyan na sasabihing abuloy, pasensya na po, ipagpa-umanhin ‘nyo dahil sa amin po bawal ang tumangap ng abuloy na sa hindi kapatiran. Ay inakala ko po na, ano ba totoo yatang tama itong kanilang ito . Kaya naman po ako naakit at akala ko'y ganon nga po hanga't sa na-duktrinahan, naanib na sa kanila, nabautimuhan na.” ( audio )

“Ang manggagawa pong nag-duktrina sa akin eh…sa pangalan ko lang po natatandaan. Ka Jerry. Destinado po ‘sya rito sa local ng Tanay. Ang nagbinyag naman po sa akin, Dr. Frank Navaro. Pati oras po alam ko pa eh, Marso tres, alas dose treintay otso, sa Apalit. Ang alam ko po sa pagiging aktibo, ang pagsamba po ng Miyerkules at Sabado, dangan nga lang po meron pa silang hinihiling na pumunta kami ng Apalit, iyon po ang sa kawalan ay hindi ko po basta-basta masunod iyong kanilang gusto. Dumating sa puntong nabigyan ako ng memo dahil sa hindi ako nakakadalo ng…sa pasalamatan ‘don sa Apalit. Pero pagdating ng Miyerkules at Sabado pag-dito lang po sa local ng Tanay lagi po akong naririyan. ‘ Nung nasa loob na po ako, lahat po para bang kini-question ko sa sarili ko na bakit ganito? May mga sapilitan, tulad po ng pagpapunta sa Apalit eh…kabaliktaran po pala kapagka ika'y kaanib na. Kapagka po nagmimisyon palang sila sayo at may mga Bible exposition, pameryenda pa po kami eh. Pero kapagka iyong myembro ka na pala ikaw na ang kakainin . Pag-ah…inaakit ka palang nila, pakain , pagka-myembro ka na ikaw na pala kakainin .” ( audio )

“Pag-sa Convention Center po may hain may gugol . Pag-naman po sa…dito sa coordinating lang, meron din kaming abuluyan particular iyong sa coordinating, particular iyong sa SBN . Iyong sa bahay, ‘don sa ginagamit naming coordinating center, 50 pesos a week . Ako po ang nag-ano sa kanila ‘nun eh nagtanong sa kanila kung paano namin mababayaran, ako ang gumawa ng paraan, kinuwenta namin kung ilan kami para mapag-hati-hatian ‘yung upa, kaya po nagkaroon ng presyo na 50 pesos a week. Ako po natutugunan ko pero iyong iba hindi po yata nakakatugon kaya dumating po sa…nagkaroon nga po kami ng…pasalamatan nuon panahon na ‘yon eh parang nakarating kay Brad Eli iyong problema namin dito dahil kina-usap ko po iyong mga manggagawa diyan na kung pwede imbis na magpunta ng Convention Center sa araw ng Linggo, iyong dadalhin doon, wag' kako kayong magagalit iyong dadalhin natin pera doon sa convention center, ipunin natin dito para mabayaran ng coordinating. Sinagot po ako nung manggagawang Ronald ang pangalan, sinagot po akong hindi raw pwede. Iba raw iyong…para doon sa convention center at iba raw iyong para dito . Nakarating po yata kay Brad Eli at nakapag-salita si Brad Eli ‘nung panahong na iyon na ako'y nakapunta ng Apalit na…kadugtong po iyon ‘nung nabangit ‘don sa…nagtalaga ‘sya ng isang libo sa bawat myebrong 20 mil kami? Kadugtong po ‘non, iisang araw iyong nangyari nung sinabi ‘nyang…katulad po wika ngayon, nadagdagan na naman po ang ubligasyon ng inyong lingkod at lahat ng coordinating sa buong Pilipinas ako na ang magbabayad . Eh di' ‘nung bumalik po kami ng Tanay inasahan ko ‘yon, di' na ako nagbigay ng 50 dahil sinabi ni Brad Eli sya' na magbabayad. Kamukat-mukat ko eh…idineklara na naman nung manggagawa na…papano ho ika ito mga kapatid, 44 mil na utang natin sa coordinating . Ano ba kakong nangyari sa atin? Akala ko si Brad Eli magbabayad ? Heh! Hindi raw nangyari iyong ganon. Ay ako kako hindi na talaga ako nagbigay dahil sinabi ni Brad Eli sya na magbabayad, natuwa nga ako doon dahil karamihan naman sa atin hindi nakakatupad ‘don sa ganon eh mahihirap lang naman tayo. Eh doon nag-kaungkatan kami” ( audio )

“At meron pa po diyan na kung masasabing isang bagay na hindi ko rin nagustuhan , iyong tungkol doon sa salo-salo together with Ingkong (Eli), 1 libo po iyon! Ang bawat isa na makakasama ni Brad Eli sa isang kainan, isang libo . Ay may nakapagbigay na meron hindi, ako hindi ako nagbigay eh wala naman akong ibibigay pati, hindi ako nagbigay. Eh me nakapagbigay na. Eh ‘nung 44 mil nanga ang utang namin sa coordinating center , ‘tinanong ko sa kanila kung nasaan iyong sa salo-salo together with Ingkong. Eh di' sabi nila, naririyan pero ‘yung iba nagamit natin, sabi ko akala ko hindi pwedeng i-divert kung saan naka-ukol iyon ‘don natin dadalhin lang eh bakit ‘nyo pinaki-alaman. O dito sa ating utang na 44 mil ‘di natin pwedeng paki-alaman ‘yung perang ‘yan, eh bakit ‘dyan sa gusto ‘nyong ‘gamitan ginamit ‘nyo. Nagkakaroon nga po kami ng pagtatalo. Ako lang po, tanging ako laang ang nakaka-talo nila lagi tungkol sa ganon. Kaya para kako lumalabas na hindi na sagrado itong pagsambang ito, pirming mayron problema pagtatapos ho ng aming pagsamba, iyon ang problema ang pinag-uusapan. Eh kako eh, doon nga po nagpasya na medyo magpahinga muna, mag-isip-isip, ano ba talaga, tama ba talga ito. Hanga't sa hindi na talaga ako. Binalik-balikan man ako nila, limang beses pa ako binalikan at pinababalik, hindi na po ako talaga sa kanila sumama” ( audio )

“Tama naman pong…parang hinahanap ko narin iyong pagsamba ko ng ganong mga araw 2 beses isang Linggo, nagbukas ako ng TV. Tamang ang nabuksan ko naman ang kapatid na Ka Bularan at saka Ka Rene , iyon ang nabuksan ko. Bale 3 pa sila noon eh. Eh di' kada ganong oras inaabangan ko na po iyon ah…programa ng ATD at kung baga'y talagang naghahanap po ako ng ah…pampalit doon sa…kinabiguang kong religion . Ay tama naman pong naging malinaw para sa akin, tangap ko sa sarili ko iyong kanilang mga ah…sinasabi, hanga't sa naghanap ako ng taong mapagta-tanungan tungkol dito sa local ng iglesiapamangkin nung aking Misis na si Samson Acosta . Tinanong ko ‘sya kung pwedeng sumamba, papano ba akong magiging kaanib sa iglesia, sabi nga sa akin: di' kaba nagbibiro Tiyo? Sabi nga sa akin na pamangkin ng Misis ko. Sabi ko bakit naman ako magbibiro sayo . Hindi kasi eh…alam kasi nila ‘nung una eh… ako ang mahigpit na kalaban ng mga iyan eh, nagagalit pa ako sa kanila dahil pagka sumamba nagagalit pa ako sa kanila . Ano! Saan na naman kayo galing? Talagang…ang sabi nga po sa akin ng Biyenan ko nung buhay pa eh…Diablo nga raw po ang napangasawa ng kanyang anak eh” ( audio )

“ Unang-una pong mapapansin sa atin, kaayusan . Wala po sa ating nagku-kwentuhan , natanim sa isip ko na… sadyang maayos tayo . Wala po akong nakitang katulad natin sa kaayusan . Nagdadalo po ako ng mga Christian Charismatic pero wala pong ganon , hindi po katulad ng sa iglesia ang kaayusan . Pang-hihinayang po ang nararamdaman ko sa oras na magunita ko ‘yung nagdaan na mga araw sa pagsama ko sa Ang Dating Daan, pinanghihinayangan ko ‘yung mga pagkakataon na dapat eh na…gugol ko sa ganitong pagsamba, paglilingkod dapat po nuon pa . Eh…dangan nga laang at…medyo huli na yata nung ako'y tawagin ‘nya pero makakahabol pa. Dito na po yata ako papanawan ng buhay, panatag na ang kalooban ko rito, wala akong kini-question . Sana po doon sa mga dati kong kasamahan sa ADD kung mayron man pong nanonood, sana po magsuri din kayong katulad ko , matuklasan po sana ‘nyo ang tama, tulad ko natuklasan ko ang tama sa kasalukuyan hindi lang po pag-aakala kundi paniniwala na ito, kayo man makasama ko sa ganito .” ( audio )


 

DMOZ | Google Directory | Siterary | Philippine ODP | Newhoo| UK Sprite | Netz-Tipp | InterMall | Ask Searches | BeauChamp | Fresh Links | CYNC ODP | BlueGrassDaVince | BaldEgg | BioInformatics | Scan DCR | Gugle | Doeey | Ideas4You | Rome Center | ©2004 Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano by: AAD

Hosted by www.Geocities.ws

1