Jesus G. Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano)Ako po si Jesus Giamos Blaza, kasalukuyang naka-tira sa lot 8-b block 5, Uusa Vil. Ulas, Brgy. Talomo, Davao City. Ako po ay may asawa at may tatlong anak. Ako po ay nakapagtapos ng BSC accounting major sa University of Mindanao dito sa Davao City.
At ang akin pong hanapbuhay ngayon ay part time media practitioner at print at saka broadcast pero nagpo- focus mo ako ngayon sa ah business marketing, particularly on ah... food supplement product .
Lydia Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano)Ako si Lydia Blaza, nakatira sa Ulas. Ah...engage po ako sa...ang hanapbuhay po namin engage ako sa mga networking at direct selling co.. Ako'y naging kaanib sa Iglesia Ng Dios Kay Cristo Jesus Haligi at Saligan, which is also known as Ang Dating Daan ngayon nuong 1996.
Jesus G. Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Ako po'y naging kaanib sa Iglesia Ni Soriano 'nung 1996. First quarter ng 1996, March ako nabautismuhan. Subalit bago po iyong pagbautismo ko 'nung kasalukuyang nasa 'suhay' pa po ako, nakita ko na si Soriano. Una ko 'syang nakita 'don sa television sa Bulacan, 1986. Nagandahan ako 'dun sa kanyang pagpapaliwanag at ah napaniwala 'nya ako 'dun sa tinatawag na karapatang hindi dapat sa babae kaya nagkaroon ako ng parang pananaliksik sa kanya at hangang dumating 'sya dito sa Davao 'nung way back 1994, nagkaroon ako ng pakikipag-ugnayan 'nung 1995 mga around middle of the year. Pagkatapos 'nung 1996 'dun ako nagsimulang ika nga nag - communicate, um - observe ng kanilang pagsamba, at ako'y nagalak dahil halos lahat ng kanilang gawain lalo na sa pagsamba ay katulad sa 'suhay' na lalake nanga ang namumuno, iyon ang aking napag-alaman. Kaya 'nung 1996 nagpa-baustimo ako kay Soriano. Pakatapos nung mga ilang panahon iyon dito sa Davao 'nung maanib ako, iilan kaming kapatid. Sa pagkaka-alam ko, 19 lang kami dito sa buong Davao 'nung 1996 at komo nga nandon 'yong aming pananampalataya nagsikap kaming mapa-unlad sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa aming kapwa tao ang ah iglesiang 'saligan' na kay Soriano. Ang paraan naman ng kanilang pagpapalaganap dito ay more on sa TV, meron silang program at sa radio, impact naging kasangkapan din ako kay Soriano 'dun sa radio broadcast sa RPN9. Napasama ako kay Mel Magdaraog kay Ber Santiago, napasama akong nagbroadcast kami sa RPN9. Ang buong Davao 'nung magpasalamat kami unang-una nung 1996, August at unang dumating si Ginoong Soriano rito, 49 kaming kapatiran lang, sa Davao City whole na. Panabo, Tagong at Davao City. Ako'y kusang tumiwalag! Maalala ko po 'nung July 2001 nagkaroon ng insidente 'dun mismo sa local dito sa Ulas, mula 'non hindi na ako sumamba. Nuon pa man nang ako'y nasa 'suhay' ay marami nang nagpapatotoo ang kanyang mga contemporaries na manggagawa noon, maging si kapatid na Levy na namayapa na ngayon. Si Lydia Serano, Maximino Nieto ah..Daza ah...Cecillo Daza at ang mga halos kasabay 'nya sa 'suhay' 'nuon ay nagpatotoong si Ginoong Soriano ay naiiba sa kanilang mga kasama. Sapagkat naalala ko po na nababangit ito nang nangangasiwa na si Ginoong Nieto na ang buhay ni Soriano ayon po kay kapatid na Perez, Nicolas Perez ay salaula! 1997 sa pasalamatan sa Apalit, December, dineklara na si Soriano, sya mismo ay SUGO ! Duon ako nauga! Unang-unang pagka-uga ko sa pagtitiwala ko kay Soriano at mismo sa iglesiang 'yon ni Soriano sapagkat hindi 'yon ang sinabi 'nya at NAGBAGO! Ang kanyang paninindigan. Isang bagay na hindi ko matangap. Mula 'nung ako'y kusang humiwalay, I don't know kung ako'y kanyang itiniwalag na o nagkaroon ng circular, maging aking pamilya, ang asawa't anak, ang pagkakilala ko kay Soriano ay bulaang sugo! Bulaang propeta, sinungaling! Napaka-sinungaling! Ang pagkaka-iba po ng INC at nang iglesia ni Soriano ay napakalaki! Di' ko ma-explain kung gaano, tremendous! Ang pagkaka-laguay. Sapagka't unang-una po 'nung ako'y maanib sa iglesia ni Soriano galing sa 'suhay' dahil 'don sa kanyang mga duktrina, pananalita mga turo at aral, para bang nai-vision ko na maganda siguro ito sa loob, 'andoon siguro ito ang talagang tinatawag na para bang kinasasabikan kong makitang kaayusan sa loob ng iglesia ni Soriano, pero nung nanduon na ako, lalo't higit duon sa Apalit, nakupo! Terible, SHOCKING! Sapagkat wala doon ang kaayusan, samantalang dito po sa INC, hindi pa po ako kaanib, ako po'y under indoctrination ngayon, nag-oobserba po ako sa mga aral at pagtuturo lalo't higit ang pagpapatupad ng aral sa loob ng INC, nakita ko po ang napakalaking kaibahan, unang-una po sa pagsamba, napaka-solomiyo ang pagsamba, pagsambang para sa akin ay nasa Dios. Ang kay Ginoong Soriano ang abuluyan doon, iyon daw ang sinasabi 'nya na kusang ang kapatid ang pupunta doon sa kaban ng yaman na nuon hindi ganon 'yan! Isa rin 'yan sa different thing na nuon hindi ganon eh na pupunta kami sa kaban ng yaman, hindi ganon! Pero lately binago 'nya 'yan! At 'iyong sinasabi 'nuon ni Soriano na sa INC kinukuba ang kapatiran sa abuluyan, parang napakalaking sinungaling 'yon eh! Hindi totoo! Its a big lie! Lahat po 'yong inasam-asam kong makita na dapat kong makita ma-obserbahan na 'yon bang iyon ang tinitibok at itinuturo ng aking puso ay nakita ko 'dun sa INC. Dapat kong ipaabot sa tele-viewers ano po, na iyon palang antimanong naghukom ka na hindi mo agad na hindi mo sinusuri ay malaki palang pagkakamali 'yan, sapagkat ang aking comparison nga ay itong sa INC na hindi ko pa nga nalaman ang kanilang stand duon sa Dios na 'yan na iisa ang tunay na Dios, sarado agad ang isip ko eh sapagkat ang pagkaka-alam ko kung baga sa ano eh iyon nga ang sigurong tama, maraming Dios, pero pala eh ako ngayon naniniwala, iisa ang Dios na tunay. Second important thing po 'don sa duktrina ni Ginoong Soriano na aking napansin, karamihan nga pababago po at ang napakalungkot pabago-bago na hindi pa pinatutupad at itong abuluyan, ako po'y sumasang-ayon 'don kay Jun Cayao, kapatid na Jun Cayao, iyong kanyang binangit na abuloy ni Ginoong Soriano sa loob ng iglesia 'nya, totoo 'yon eh, lahat ng iyon, totoo. Isa parin sa dapat na maipaliwanag o mapa-abot natin sa ating mga tele-viewers, sapagkat kami ngayon sa kalagayan namin ay meron pa akong dalawang anak na nasa kanya ngayon. Ang anak ko pong second, pangalawa, Junior ko po at ang aming youngest si Jokjok ay nandyan sa kanya. Mula 'nung kami'y humiwalay 'nung 2001 ay hindi na nagkaroon ng magandang relationship kaming pamilya. Naniniwala po ako na ito'y dahil sa pagtuturo ni Soriano, sapagkat dati-dati kami ay close ang aming pamilya, sapagkat iilan lang kami, lilima kami. Ta-tatlo po ang anak ko. Subalit ngayon po ay nandon 'yon ang aming pakiramdam, bakit po nagkaganito. Unang-una na aking pong masasabi ay dumating ang aking anak dito 'nung September, month of September, bumalik dito sa Davao na hindi manlang umuwi sa bahay. Napakasakit pong sabihin na sa pamamagitan po nung tape na pinakita po sa amin ni kapatid na Lito dahil nagmamalasakit po 'sya sa amin, na naa-awa po sa aming kalagayan na kami pala mismo ay hindi namin alam na iyong anak namin ay nandito sa Davao. Naramdaman ko po noo sa puntong 'yon na napakasakit palang mismo ang anak mo ang humiwalay sayo. Kaya ang duktrinang pagmamahal sa magulang ang pagrespeto, pagtataguyod sa magulang lalo na lagi kaming tumatanda, di' naman kami bumabata ay nawawala, kaya tinatanong ko po si Soriano, ano ang kanyang itinuro sa aming anak?
Lydia Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Hindi naituro ni Soriano 'yun bang closeness, spiritual na closeness sa pamilya ng nagiging manggagawa 'nya, nagigiging OIC 'nya. Doon ko n apatunayan na parang...sabi 'nya mahalin 'nyo ang mga magulang nyo, mahalin nyo ang mga kapatid 'nyo. Kahit manlang payuhan ni mr. Soriano na bisitahin 'nyo naman ang pamilya 'nyo,kumustahin nyo lalo na nung sa panahon na naglalay-low kami, doon sana sa paraan nayon pinaalala 'nya sa amin na pati ba 'yon. Kahit sa mga anak namin nagtataka ako, naninibago ako sa ugali ng mga anak ko ho, kasi hindi 'man sila ganyan! Hindi sila ganyan, kung may problema umuuwi 'yun sila, ganito, ganito. Pero nung na kay Soriano para bang naisip ko na hinihiwalay 'nya ang damdamin ng mga anak namin, lalo na siguro 'yung maraming naniniwala agad sila sa mga OIC na reports, kung hindi ko lang malaman kung anong dahilan na kung bakit hindi 'nya pina-uwi ang mga anak namin sa bahay, para bang may free plan na 'sya na ihiwalay ang damdamin namin, doon sa kanya na i-close sa kanya
Jesus G. Blaza : Doon po sa aking mga anak na nasa kalagayan pa, nasa poder ni Ginoong Soriano, nananawagan po ako sa inyo mga anak, Jhun, Jhok, di' manlang kayo tumatawag, nagko-communicate sa amin, iyan ba ang turo sa inyo ngayon ni Ginoong Soriano na tayong pamilya ay papaghihiwalayin? Hindi 'nyo maipagkakaila kung tayo man ay hiwalay sa prinsipyo ng paniniwala o religion, kami inyo paring mga magulang, kayo aming mga anak. Pinagkait sa amin ni Ginoong Soriano ang aming karapatan para sa inyo, siya mismo ngayon ang nakaka-probitcho sa inyo. Kaya mga anak, nawa'y mapag-isipan ninyo ito. At doon po sa aming mga kababayan mga magulang lalo na sa kalagayan na mga magulang na mayroong mga anak na nakay Soriano parin ngayon na katulad namin, nananawagan po ako sa inyo, sana'y dapat narin kayong magsalita, 'wag po ninyong ipahintulot na wasakin sa pamamagitan po ng maling turo na ang tayong mga magulang ay mapagkaitan ng pagmamahal ng ating mga anak, sapagkat itinuturo po ito ng banal na kasulatan, unang turo na dapat igalang, mahalin ang magulang sa panginoon. Kaya po mga kababayan ito po ang aking panawagan, ang mga kaanib po sa iglesia ni Soriano, nawa'y gumising po kayo sa inyong pong kalagayan ngayon.
Lydia Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Kaya nananawagan kami sa inyo, Ikaw Jhokjok ikaw ang pinaka-bunso, alam ko ang prinsipyo mo pagkanaka-dikit ka wag' kang masyadong panatiko sa tao sa Dios ka magpanatiko wag' kay Soriano! I-open mo ang mind mo, wag' mong isara ang mind mo anak. Wala ang Dios 'dyan! Dahil kung ang Dios nandyan hindi sana magulo ang samahan ni Soriano, magulo eh! Sa pagsamba palamang sa pasalamat alam mo na ang mga nangyayari 'dyan, kaya 'nung tinanong ko si Junjun, imposibleng wala kang naobserbahan, hindi 'sya kumibo. Junjun, jokjok, kung nanonood man kayo ngayon di' ko maintindihan kung ano ang damdamin ang nana-ituro sa inyo ni Soriano, kasi nuon paman may napapansin na ako sa inyo na para bang lumalayo ang loob 'nyo. Kung mapagsabihan kayo na magsusumbong ako sa inyo kung anong problema 'dyan sa loob, one sided kayo! Hindi manlang kayo nakinig sa mga magulang ninyo. 'Nung uuwi kayo dito nalaman na lamang namin na 'andito ka pala sa Davao, 'nung naglast mong text sa akin na saan ako ngayon 'nung sumama, inimbitahan ako ni ka Lito sa pamamahayag 'dyan sa Bangkal. Ang suspetsa ko andito ka, 'bat di' ka manlang nagsabi? 'Yun ba ang pagsisinungaling itinuturo ni mr. Soriano? 'Yan ba ang bunga ng pagtuturo ni Soriano? 'Yan ang pangungulila ko sa inyo bilang ina, hindi manlang ninyo kami mapagbigyan? Kahit manlang, hindi nalang tayo mag-mensyon ng religion, dahil sabi ko sa inyo: wag mong bangitin sa akin 'yung pangalan ni Soriano dahil nasisira ang araw ko! Doon manlang tinanong 'nyo, bakit ganon? Hindi manlang kayo nagpahayag sa amin anong problema ninyo. Bakit ganon ang diwa ninyo? Lalo na ikaw Jokjok, hindi ka manlang...pinalitan mo ang nomiro mo, para ano? Para hindi na kayo namin ma - contact? Iyon ang sakit! Alalahanin mo iyon maliliit pa kayo, pinaalalahanan namin kayo 'wag magsisinungaling, wag manunungayaw pero sa ngayon nuong sinabi mo sa text ng kapatid mo, ginagago mo! Bakit natuto ka nang magsalita? Dahil ba si Soriano iyan din ang kalimitang sinabi, parang ugali na ni Soriano na mag-gago, tarantado ka. Iyon ang nahawa sa inyo ni kay Soriano. Kaya naisip-isip ko Jun, may panahon pa, umalis kayo dyan! Walang magulang na magdadala sa inyo sa kasamaan. Kaya nga umalis tayo doon sa suhay dahil sa pagka-alam namin totoo iyong kay Soriano pero sa bunganga lang pala iyon, napatunayan namin ngayon mga anak na sinungaling si Soriano. Iyan lang na relationship natin!....Bakit naatim 'nya? Lumabas kayo 'dyan mga anak! Mag-usap tayo, uwi muna kayo sandali kahit na...kung ikaw mr. Soriano kung mapayuhan iyong anak mo(ko) na uwi muna kahit isang Linggo lang, mag-usap kaming pamilya. Wag' na nating bangitin, kahit na babalik sila sa inyo, pabayaan 'nyong mga anak ko! May freedom tayo! Kaylan paba tayo magkikita? Kaylan paba tayo magpapayuhan? Kaya mananawagan din ako sa mga kapatid na may mga magulang na may mga anak na naging manggagawa 'dyan. Kung minsan 'yan din ang naririnig kong problema ninyo na ang mga anak ninyo hindi na umuuwi, bakit ganon? Para bang...lalo na kung mag-manggagawa para bang sila na ang magulang, sila nang nagpapayo sa mga magulang, mali 'yon! Sana mr. Soriano, 'wag ganon! Ang pag-akay mo sa inyong mga manggagawa na katulong mo sa sinasabi mong gawain mo. Sana malinis ang gawain, hindi iyong katulad doon sa komiks na binasa ko at least ang nakikita ko doon 60%! Kasi, insider kung INC man ang pinagbibintangan 'nyo, imposible kasi alam nila ang galaw nila 'dyan sa loob, kilala ko 'yong mga mine - mention 'nyo...doon sa komiks.
Jesus G. Blaza : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Mga anak, Junjun, Jokjok kung inyong ma-alaala mga anak ay ako parin ang inyong ama ang nag-akay at nagdala sa inyo sa iglesia ni Soriano sapagkat ang akala ko ito ang tama, imfact talagang nagpupumilit ako ang ating buong pamilya na kayo'y aking dalhin sa iglesiang iyan subalit mga anak, patawarin ninyo ako. Nananawagan ako sa inyo, aking natuklasan na ang iglesia ni Soriano ay mali. Hindi 'yan ang tama, hindi 'yan ang totoo. May panahon pa mga anak upang kayo ay kumalas sa iglesia ni Soriano, mag-isip-isip kayo. Gumising kayo, alang-alang sa kaligtasan ng inyong kaluluwa. Mga anak kung maari ay umalis kayo sa lalo't madaling panahon sa iglesia ni Soriano.( audio )