Marcelino Diocareza : ( former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Ako po si kapatid na Marcelino Diocareza, dating kaanib sa ADD(Ang Dating Daan) 'ke Mr. Soriano. Nabautismuhan po kami sa INC 'nung Jan. 24, 2004 sa awa at tulong ng Dios nakaraos kami, kaya ngayon ganap na kaming INC. Kaya kami umalis na kusa 'dyan dahil sa nakapanood kami ng ATD(Ang Tamang Daan) na programa ng INC. Napaghambing namin na napakalaki nang diperensiya sa mga duktrinang natutunan namin kay Mr. Soriano kesa' INC. Unang-una, disiplina. Sa pagsamba, ang kaibahan ng disiplina sa INC, masyadong...extraordinary, extraordinaring disiplina sa INC. Eh ngayon lang ako nakakita ng ganong pagsamba, maski sa Katoliko 'nung kami'y katoliko walang ganyang disiplina sa katoliko ( audio/video )
ATD : Eh ano po halimbawa?
Marcelino Diocareza : ( former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) 'Yun lamang pag-upo 'nyo sa upuan...talagang...very orderly 'yung pag-pasok mo, pag-upo 'nyo. Walang salitaan basta uupo nalang kayo. Hahawakan 'nyo himnario. Merong taga-ayos na mga...diakono. Sa babae ganon din, sunod-sunod ang pag-upo. Sa madali't sabi talagang...disiplinadong-disiplinado ang lahat ng kaanib sa pagsamba. Sa pag-awit sa INC? Napaka...pambihira po 'yung kanilang mga choir eh. Talagang aral . 'Me aral sila sa...bago isagawa 'yung kanilang pag-awit sa...samba eh nire- rehearse munang mabuti 'yon. Kaya pag oras na...inumpisahan na iyong pag-awit, walang mali. Wala kayong makikitang...mali don' sa kanilang pag-awit. T'saka masyadong, very solemn 'yung kanilang mga pagkanta ( audio/video )
Kasabay 'nung pag-a-kumpanya ng organ, ng organista, lalong nagiging very solemn 'yung...pag-awit. Nakakabagbag ng damdamin talaga. Parang naa-ano mo, ang Dios talaga nandon eh, kaya...kasama 'nyo ron sa pagsamba eh. Ang ministro pag nagsimula ng kanyang texto, pure na pure na lahat ng tine-texto niya galing sa Biblia. Walang halong ano, walang halong...sa labas ng...sa kanya mga ano lamang kuro-kuro lamang ng ministro kundi talagang puro sa Biblia binabase lahat ng 'tinuturo 'nya. Napaka-liwanag ng sinasabi ng ministro, puro lahat galing sa Biblia, kaya lalo kaming nagpursiging maging myembro nga ng INC eh. Dahil sa unang-unang punta palang namin ng pamahayag, 'katapos dumalo kami kahit di' pa myembro, dumalo kami ng...pagsamba, nakita namin talaga ang kaibahan sa ADD. Sa ADD eh bukod sa texto me' kwentuhan eh, eh dito sa INC walang ganon. Talagang puro texto, puro aral ang...aral sa panginoon ang madidinig mo ( audio/video )
Lalong-lalo na sa panalangin, wala ho kayong madinig na nagbubulungan habang nananalangin sa loob ng...basta masyadong...sagradong-sagrado ang pamumuno ng mga ministro pagna-nanalangin, sagradong-sagrado. Ang disiplina talagang, sa mga kapatid sa mga diakonong namamahala 'ron, talagang wala kayong maipipintas sa kanilang mga...pag-ayuda sa inyo, wala, di' kayo maliligaw sa gagawin. Ang lahat ho very attended dahil sa...wala naman kayong madidinig na nag-aangasan eh habang nagte-texto eh. Wala kayong madidinig na nag-aangasan na mga kapatid 'don, basta lahat nakikinig talaga sa ministro. Na...nag-aano 'nung...pagte-texto ( audio/video )
Ke' Soriano natutunan naming duktrina tungkol sa Dios si Cristo Dios din...Ang akala namin talagang totoo 'yon dahil wala naman kaming naranasang duktrina sa ibang religion pinanggalingan namin eh lalo na katoliko. Wala naman kaming nagisnang duktrina 'dyan. Kaya ang...ke' Soriano pagdating ke' Soriano sa kanya si Cristo Dios. Kaya dalawa ang Dios ni Soriano. Dios Ama t'saka si Cristo. Eh sa INC, ipinaliwanag sa amin kung bakit si Cristo tao. Iisa lang ang Dios, ang Dios Ama. Ipinaliwanag sa amin ng mga ministro, ipinaliwanag galing lahat sa Biblia, naniniwala kami talagang totoo. Ang...si Cristo tao. 'Yun ang isang kaibahan 'nung...religion inaniban namin kay Soriano ( audio/video )
Katulad 'nung unang....bagong-bago palang kaming kaanib 'dyan kay Mr. Soriano, sabi ni Mr. Soriano, noon ang iglesia raw ni Cristo kumukuha pa ng ikapu. Marami daw abuluyan sa INC, pero 'nung...mapasok na kami 'dyan, sa katunayan eh ngayon eh kaanib na ako sa INC. Walang katotohanan 'yung mga...abuluyang sinasabi nila, napakarami daw. Eh sa INC wala pa akong naranasang. abuluyan sa INC na katakot-takot eh. Me' bagsakan, merong...sinasabing...ah...iyang...pagkatapos ng abuluyang ano 'yung normal, meron pa silang panawagang panibago, eh sa INC wala namang naranasang ganon ( audio/video )
ATD : Ano po iyong bagsakang binabanggit 'nyo?
Marcelino Diocareza : ( former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) 'Iyong merong problema si Soriano na maraming babayarang utang, kinakailangang tulungan natin. Kaya kung maaari magbagsakan pa tayo uli...totoo 'yun! Para mapatunayan ninyo totoo sinasabi ko o 'yung sinasabi ni Marianito Cayao na dati naming District Servant. Totoo 'yung sinasabi niyang 'yon, walang halong ano 'yon pagsisinungaling sinasabi ni...kapatid na Cayao na 'yon, totoo 'yon. Aba ang alam kong naipatayo ni Mr. Soriano 'yung Convention Center pero 'yung mga kapilya wala akong alam may kapilya si Soriano. Kung may kapilya si Soriano eh bakit pa kami uupa ng mga lokal-lokal 'dyan? Lahat umuupa.
ATD : Sino ho nagbabayad?
Marcelino Diocareza : ( former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Di' 'syempre 'yung myembro, sino pa? Nanghihingi sila, nagpapanawagan na kulang pa tayo ng ganito sa pagbabayad sa lokal, kulang tayo ng ibabayad sa kuryente sa telepono, tubig. 'Syempre nagtutulong-tulong 'yung mga magkakapatid, kami-kame nung' 'andon pa kami ( audio/video )
Sa nakikita ko sa INC...sa mga abuloy, wala pa akong naikita sa mga kaanib ng INC na hindi nagbigay na hindi taos sa puso, dahil...talagang mababagbag ang damdamin mo sa nakikita mong mga mehoras na ipinagagawa ng INC? Bawat lokal me' kapilya. Sa madali't sabi, ang unang-unang pinag-uukulan ng perang nakukuhang abuloy ng INC diyan iniu-ukol. Eh...hindi ko nakita iyan 'don sa Ang Dating Daan. Sa katunayan nga po eh 'yung aming kapilya dito sa Muntinglupa sa Bayanan eh pag nayari 'to napakalaking kapilya nito! Lalong hindi na kami mahihirapan sa pagsamba, lalakarin nalang namin ito, malapit sa bahay namin. Eh 'don sa kabilang religion(ADD), wala naman kaming nakitang kapilya eh...( audio/video )
Tanging masasabi ko sana, iyong panahong naiukol namin ke' Mr. Soriano sa kanyang religion eh mahigitan pa dahil sa pagkaka-anib namin sa INC. Sana mas mahaba pang maipaglingkod namin. Kaya nananawagan ako 'don sa mga naiwan namin 'dyan sa...ADD(Ang Dating Daan), sana subukin 'nyong minsan lamang, manood kayo ng ATD(Ang Tamang Daan) o kaya kung gusto 'nyo dumalo kayo minsan ng aming pagsamba, para makita 'nyo mula sa pagsamba, pag-awit, lalo na sa pag-aabuloy, malaki ang kadiprensyang makikita 'nyo sa ADD(Ang Dating Daan) t'saka sa INC. Lalong-lalo na iyong aming mga kamag-anak, mga anak. Sana matawag kayo sa INC. Pinapanalangin namin sa tulong ng Dios magagawa Niya 'yon eh na matawag sila. Mga anak namin, mga kamag-anak, matawag kayong lahat para sama-sama tayo sa kaligtasan ( audio/video )