Giovanni Luneta : (Former Ang Dating Daan member ni Eli Soriano) Ako po si Giovanni Luneta, naka-tira sa Paradantan sa Cavite. Dalawamput apat na gulang, nag-tratrabaho sa isang Electronics Company dito rin po sa Cavite sa Ebsa. Naging kaanib po ako sa Iglesia ni Ginoong Soriano sa pamamagitan po ng pag-susuri, kasi po ako po'y isang taong mapag-suri. Sa pag-susuri ko napakingan ko iyong mga aral ng kay Soriano so…pinaniwalaan ko po. Nabautismuhan po ako kundi ako nag-kakamali September 15, po 1999, ah kaya po ako naging kaanib don' dahil po akala ko tama yung' duktrina nyun'. Ang naging sistema po ng pag-duduktrina sa amin non' bale mang-gagawa mga mang-gagawa nag-duktrina samin, may babae, may lalake. Natatandaan ko ang unang nag-duktrina sa akin si ka Romy, Romy isang taxi driver sa pascam, pasok ng Matsile. Gen. Trias, Cavite. Tapos nabautismuhan po ako Sept. 15, nga po 1999 sa Apalit, na si Ato Tobias po ang nag-bautismo sa akin doon po sa Apalit sa pinag-darausan ng pag-samba. Sa pamamalagi ko doon naging aktibo po talaga ako, kahit na ho may trabaho ho ako kahit pang-gabi ho ako pag-dating na po ng Linggo pupunta po ako sa Apalit para lang maka-dalo ng pag-samba. Naging Bise Presidente po ako ng local namin kahit ako binata kahit bata palang ako non', 21 anyos. Bise Presidente na ako ng local namin sa paradahan. Ang Presidente namin non' si Noli… si brad Col. Noli Enriquez, sya' po ang Presidente namin ( audio )
ngayon aktibo po ako sa ANG DATING DAAN eh nanghihiram panga ako ng mga tape non eh at saka pag-ka nag-tetexto si Soriano sa Apalit, tine-take notes ko iyon, tine-take notes ko yon'. Lahat yon'! Lahat ng pag-samba ni Soriano na ginagamit namin doon lahat iyon naka-lista, hangang ngayon nasa notebook ko pa. Ganon talaga akong ka-aktibo non', kahit galing akong pang-gabi sa trabaho diretso na kaagad ako sa Pampanga maka-tupad lang ako sa pag-samba. Huling pag-samba ko sa Apalit eh iyon si Eli Soriano nag-i-insist sa mga myembro sa amin na mag-karong ng 20milyon , kinumpara panga eh nag-propose panga sya', sabi nya', kung ang bawat myebro daw mag-bibigay ng isang libo di' madaling mare-raise iyong ano, 20milyon. Iyon ang huli kong pag-samba . Si Eli Soriano, me mga time na iyon aral nya dati nababago . Dati sabi nya' bawal ang mag-asawa yun' pala pwede naman palang mag-asawa . Dati na-enganyo nga ako non eh, talaga sabi ko sa sarili ko na hindi na ako mag-aasawa eh, kasi kami mga binatang na-akay talagang pinu-push kami ni Soriano na wag' na kaming mag-asawa, kesyo mahihirapan lang daw kami kahit na mag-trabaho kami. Ang dami nyang' binabagong aral. Bawal daw sa Biblia na mag-asawa tapos naman pala pwede naman pala. Hindi ho sya' consist, ibig sabihin hindi sya' makapag-stick doon sa isang duktrina talaga , di' tulad sa Iglesia na napakingan ko, talagang kung ano iyong sina-una hangang ngayon ganon parin. Tunkol sa pag-samba naman ang ine-expect ko may kaayusan, pero… unfortunately hindi din iyon ang nakita ko eh . Kung saan sumasamba nga kami eh natatandaan ko pa, sa hagdan lang kami naka-upo, minsan naka-higa nalang kami doon, minsan pawisan kami, panay alikabok, tapos may mga CR pa doon, napaka-dumi, may pala-isdaan pa, may aso, may mga tindahan pa . Sabi ko hindi ganon ang kaayusan . Babae, lalake mag-kakatabi kami doon, minsan magkakatabi kami sa…naka-higa ! Ganyan. Walang essence of ano eh walang tunay na pag-samba eh. Naisip ko na hindi talaga dito ang tunay ( audio )
Nang-hinayang ako sa ilang taon pinalagi ko sa Ang Dating Daan pa iyong ang daming effort na binuhos ko don' tapos naging useless din pala, naging meaningless. Ang INC eh aral dito, hindi pabago-bago eh, kung ano yung' sinimulan hangang ngayon pinangaral ng sugo hanga ngayon walang pag-babago ganong parin, ibig sabihin talagang yon' ang tunay na aral eh walang pabago-bago. Iyong mga naging ka-myembro ko sa Ang Dating Daan, lalo kana Alex Pabayo, alam ko maganda na ang buhay mo ngayon alam ko, professional ka na, di' mo ako binigyan ng pag-kakataon, hinusgahan mo kaagad yung' pagiging Iglesia ni Cristo ko, sana suriin mo munang mabuti. Naalala mo pa ba Alex Pabayo nung' minsang inaakay kita, isinama ko panga yung' isang kapatid sa Iglesia dito eh, akala ko pa naman ang ini- expect ko irerespeto mo sya' pero binastos mo sya', pinag-sabihan mo sya' ng masasama, kesyo tarantado, nahawa naka ata ikaw kay Soriano eh, sabagay kung sino nga puno sya' rin ang bunga ganon din. Nalala ko pa, mag-kaibigan pa naman tayo, kung saan ka don din ako. Matalino ka pa naman pero di' mo ginamit yung' puso't isipan mo sa pag hahanap ng tunay na aral. Suriin nyo' muna rin pati iyong sa INC para mapag – compare nyo' kung ano po ba iyong tunay nag-sasabi ng totoo ( audio )