Kapatid na Ericson Himanas. Former Ang Dating Daan Church Worker ni Eli Soriano
Ericson Himanas : ( Former Ang Dating Daan church worker ni Eli Soriano) "Ako po ay umanib sa INC sapagkat ito po ay aking napatunayan na ito po ang tunay na relihiyon at ito pong talaga ang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Ako po ay umalis sa tinatawag na ADD(Ang Dating Daan) na pinangangasiwaan ni Ginoong Soriano, sapagkat napatunayan ko po na hindi talaga siya(Eli Soriano) ang sinugo ng Dios kundi ang sinugo ng Dios ay si kapatid na Felix Manalo na ito talaga ang sinasabi ng banal na kasulatan. Kaya ako po ay umalis sa nasabing samahan na pinangangasiwaan ni Ginoong Soriano na tinatawag na Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios, sapagkat salu-salungatan na po ang itinuturo ni Ginoong Soriano at kung ano-anong mga pangalan pa ng religion ang mga pinare-rehistro niya. Kaya sa akin pong pagsusuri sa Banal na Kasulatan ay napatunayan ko po talaga na ito ang tunay na religion na sinasabi ng Banal na Kasulatan, ang INC. Gaya po ng sinasabi sa Roma 16:16" ( audio/video )
At marami pa pong mga bagay na...itinuturo si Ginoong Soriano na kakaiba, kaya po ako po ay napilitang umalis sa nasabing samahan. Katulad nga po nung halimbawa na itinuturo ni Ginoong Soriano na ang Dios daw po ay merong hindi alam, ang Dios daw po ay wala sa lahat ng lugar, ang Dios daw po ay meron hindi magagagawa. Ganyan po ba ang tunay na Dios na sinasabi ng Banal na Kasulatan? Kaya ako po ay napilitang umalis sa nasabing samahan, sapagkat lumalabas na para bang nakahihigit pa si Ginoong Soriano sa kaisipan kaysa sa kaisipan ng ating Panginoong Dios. Kaya po ako po ay umalis sa nasabing samahan, napakaraming pong mga bagay, kung isa-isahin ko po ay hindi po kakasya sa mga oras na ito, sapagkat napakahaba po. Marami pa pong mga aral na itinuturo si Ginoong Soriano na kontra-kontra po sa sinasabi ng Banal na Kasulatan. Kaya po sa biglang pakinig 'nyo sa kanya ay para bang maa-akit kayo na 'kala 'nyo'y tunay na mangangaral, subalit sa bandang huli mga kaibiga't mga kababayan kayo po ang makakapag-patunay sa tulong at awa ng ating Panginoon Dios na si Ginoong Soriano ay nagsisinungaling at hindi po siya talaga ang sinugo ng ating Panginoong Dios" ( audio/video )
At ang isa pa po na...itinuturo ni Ginoong Soriano na hindi ko po matangap ay tungkol sa pagtuturo niya tungkol sa isang taong bag o na siya'y pabago-bago ng paliwanag patungkol dito. Pagka ito po ay kanyang ipinaliliwanag lagi 'nya pong tinutuligsa ang INC na di' umano ay mali ang itinuturo ng INC tungkol sa isang taong bago. Na ang isang taong bago na sinasabi talaga ng Biblia ay si Cristo at ang iglesia. Samantalang ang paliwanag ni Ginoong Soriano ay pabago-bago, hindi ko malaman kung saan siya lulugar. Dahil ang paliwanag niya dito po dati ay mga Hentil at mga Judio ang isang taong bago . Kung minsan naman po ay tinatanggap niya na si Cristo at ang iglesia ang isang taong bago . Ano nga ba talaga ang...aking paninindiganan at papaniwalaan tungkol dito? At ito po ang isang tinututulan ko at napag-suri-suri ko po na mali na itinuturo ni Ginoong Soriano, kaya po ako umalis sa nasabing samahan" ( audio/video )
Kaya po ako po'y nananawagan sa mga dati ko pong kasamahan sa samahan na iyan na pinamumunuan ni Ginoong Soriano, lalong-lalo na sa mga manggagawa 'nya at sa mga...OIC 'nya. Kayo po ay mag-suri na mabuti sa inyo pong kinabibilangang religion. At lalong-lalo narin sa kanyang mga myembro, wag' po kayong maging panatiko sa religion, kundi inyo pong pagka-limiin at pag-aralan ang talagang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Mag suri po kayo na mabuti. Wag' po tayong manghawak sa sarili lamang nating pang-unawa, wag' po tayong basta-basta magtiwala sa karunungan ng tao kundi tayo po'y magtiwala sa karunungan ng Dios na sinasabi ng Banal na Kasulatan. ( audio/video )
|