Richer C. Guinto:
(Former Ang Dating Daan Worker) Ako po si Kapatid na Richer Guinto. Ako po ay
taga Bacoor Cavite at ako po manggagawa ng Iglesia ng Dios kay Cristo-Jesus,
Haligi at Saligan ng Katotohanan, mas lalo po sa kilalang...Ang Dating Daan. Ako
po ay naglingkod sa samahang yaon ng anim na taon bilang manggagawa. At ako po
ay nadestino sa dako po ng Kabisayaan sa division po ng Eastern Visayas. At ang
akin pong MIC o kinikilalang minister in charge sa dako pong yaon ay si ginoong
Roland Ocampo. At ang akin naman pong district servant ay ginoong Noel Abulesia,
sa dako po ng Western Leyte. At ako po ay...bilang manggagawa ng Iglesia ng Dios
lalo po sa kilalang Ang Dating Daan ay naipagpasya ko po na...siguro 'nung
panahong yaon ako po ay medyo...ah...napag-isip-isip ko po na magsuri sa
pananampalataya po ng Iglesia ni Cristo (INC). At napanood ko nga po 'yung
programang Ang Tamang Daan (ATD). At sa panonood ko po at pakikinig sa mga aral
po ng Iglesia ni Cristo (INC) at Ang Tamang Daan (ATD), naitimbang ko po ang
aral na akin pong ipinapangaral bilang manggagawa sa Ang Dating Daan at
naitimbang ko rin po iyong aral na dala-dala po ng Iglesia ni Cristo (INC). At
sa akin pong pagsusuri ng mga aral ng Iglesia ni Cristo, nakita ko po
na...matimbang at tama lahat ang kanilang sinasabi ayon po sa Biblia. Kaya po sa
kasalukuyan po ako po ay nagsusuri sa programa po ng Iglesia Ni Cristo ng Ang
Tamang Daan. (audio) Noong naroon po ako sa Ang Dating Daan (ADD) ay naririnig naman po namin at ipinangangaral po ng aming taga-pangaral na si ginoong Soriano na pinagbabawalan niya 'yung mga kapatid na manood po ng programang Ang Tamang Daan (ATD), kasi ang katwiran niya eh baka ang wika malito pa kami 'don sa aming aral na napapakinggan sa kanya. Kaya po mga kapatid, takot na...makinig po at manood po sa programa ng Ang Tamang Daan. Sinasabi po niya na...ang mga ministro daw ng Iglesia ni Cristo (INC) ay...ah...mamamatay tao. At sinasabi nga po niya na ang mga ministro nga po ng Iglesia ni Cristo ay...sa demonyo, at iyon din ang aming sinasabi po sa mga kapatid. S'yempre komo iyon nga po ang naitawid sa amin, iyon narin po ang sasabihin namin sa mga kapatid. Kaya ang kapatid natatakot na pumunta, makipag-ugnayan sa mga ministro o mga manggagawa po ng Iglesia ni Cristo (INC). (audio) Ah isa po sa nakita ko pong ah katimbangan ng aral po ng Iglesia Ni Cristo (INC), 'yung disiplina po...sa pagkakatipon sa pagsamba. Kasi sa Iglesia ni Cristo me' oras ang pagkakatipon sa pagsamba at maayos ang kanilang ginaganap na pagkakatipon sa pagsamba nguni't sa amin syempre bilang manggagawa alam ko iyong sitwasyon ng lokal. So syempre me' mga pagkakataon na...katulad sa Apalit Pampanga, ah...iyon nga ho amin dakong ginaganapan ng pagpapasalamat sa Dios daw eh...may mga tindahan na iyon naman eh...pinangangatwiranan 'nya na nasa labas daw iyon ng Convention Center. So sa aking pagsusuri ng aral po ng Iglesia Ni Cristo (INC), nakita ko po na mas matimbang iyong aral ng Iglesia Ni Cristo pagdating sa mga pagkakatipon sa mga pagsamba at iyong kaayusan ng kanilang ginaganap na pagsamba sa Dios. (audio) Ang isa pa po na nakita ko pong aral ng Iglesia Ni Cristo, iko-compare ko po sa Ang Dating Daan, 'yung pinanghahawakan nilang katwiran, kasi sa amin po sa Ang Dating Daan isa po sa aral sa amin...at meron po kaming ebidensya na maipapakita eh mahigpit po na...ang sabi kasi nila ng aming taga-pangaral eh pinipigilan ang manggagawa na mag-asawa, pinipigilan. So kaya pinipigilan para wag' daw ah mahirapan sa paglilingkod sa Dios at iyon eh binabasahan niya ng talata sa Biblia iyon. So...eh dumating po iyong panahon na...ang kantyawan nga po namin eh nagkaluwagan na, nagkaluwagan na sa aral na ang isang myembro o ang isang manggagawa ay wag' mag-aasawa. Ah...ang...isa pong katunayan po na talagang mahigpit po ang pag-aasawa, pag ang isang manggagawa napatunayan na nanliligaw o meron siyang babae na kilala, o kahit halimbawa nakipag-holding hands ka eh, eh sususpindihin kana. Ah isang duktrina po sa amin na...bawal po ang isang manggagawa na makipag-tipan o mag-asawa. Pag-sinabing myembro o regular kang kapatid na nakikinig ng aral ng Dios na sinasabi nilang aral daw ng Dios 'yon eh pinagbabawalan din iyong myembro na mag-asawa. Pero pagtatanungin kami ng myembro, bawal ba sa ating mag-asawa o sinumang nakikinig ng Ang Dating Daan? Eh di' syempre sasabihin namin, pinipigilan lang ho 'yon. Kasi pag-sinabi naming pinagbabawalan, lalabag kami 'don sa...o...aanuhin namin iyong sinasabi ng Biblia na...merong relihiyon o merong samahan na...nagbabawal mag-asawa. Ang isa po sa batayan po na aming sinasabi sa mga kapatid at maging sa aming mga sarili na...katulad po don' sa talatang kapitulo syete bersikulo...o kapitulo siyete ng Unang Corinto na sinasabi doon na...kapag ikaw nag-asawa magsusumakit ka sa bagay na may asawa sa sanglibutang ito. Kaya kami bilang mga manggagawa para wag' kaming magsumakit sa bagay ng sanglibutang ito at kami makapag-patuloy sa paglilingkod sa Ang Dating Daan, kami po ay nagpasya sa aming sarili na sumunod po sa aming kinikilalang mangangaral noon o ang acing kinikilalang mangangaral noon na is Ginning Soprano na wag' nearing pong mag-asawa, kaya po ngayon ah...ngayon nung dumating po 'yung panahon na ikinasal na nga itong kanyang pamangkin na si Ginoong Daniel Razon, nagtataka kami kung bakit 'nung...ikinasal eh malapit na palang manganak, ibig sabihin nagkakaroon nang...diskriminasyon, samantalang ang manggagawa pag-ikaw ay nanligaw palang eh...sususpindihin kana, katulad nung nangyari sa mga kasama ko. Katulad 'nung kasama kong isa na naging district servant ko diyan sa...kilalang - kilala mo ako kapatid, kilala mo ako, district servant kita. Kung pwede nga lang banggitin ko 'yung pangalan mo eh, eh babanggitin ko. O kapatid na Rudy Tumacas, ikaw 'yan di' ba? Ikaw 'yung district servant ko sa Catarman...di' ba nanligaw ka noon? Meron kang nobya? Anong ginawa sayo? Sinuspindi ka, kaya...doon mapapatunayan po natin na...minsan may mga aral 'etong is Ginning Eli Soprano na kokontra don' sa itinuturo ngayon kesa dati. Kaya po ako nakapagpasya na magsuri, dumistansya muna ako nang kaunti. Gumitna ako ngayon at sinuri ko iyong aral ng Ang Tamang Daan ang Iglesia ni Cristo (INC) at nang Ang Dating Daan. Tinignan ko 'yung mga dati naming aral mga paksa at doon sa itinuturo ng Iglesia Ni Cristo, nakita ko na ang Iglesia ni Cristo (INC) ay...sumusunod doon sa aral ng Biblia. (audio) Sa lahat po ng mga myembro sa Ang Dating Daan, labas na po kayo. 'Yung mga nagdududa ah...alam kong marami po kayo diyan, alam ko po iyon. Me' mga bumulong na nga po sa akin noon bago ako umalis diyan eh. Ah...labas na po kayo, wala pong mangyayari sa inyong masama, o kaya kontakin 'nyo ako, bibigay ko ang cell phone number ko sa inyo. (audio) |