Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Ang alam ko po mga kapatid ang Dios pag-ibig
mahal 'nya, sa isang side lang siya. Sa tama lang siya, hindi siya lumalagay sa
dalawang kalagayan, isa lang po. Sana suriin 'nyong maige si mr. Soriano na sabi
'nya lumagay ka sa puti, sa pula siya panalo siya. Lumagay ka sa pula, sa puti
siya panalo parin siya, hindi po ganon ang alam ko. Ang Dios po hindi po
tumitindig sa dalawa, sa iisa lang. Tandaan 'nyo ang sabi 'nya, layuan 'nyo ang
anyo ng masama, makisanib kayo sa mabuti. Hindi 'nya sinabi, magsanib kayo sa
kapatid sa manggagawa sa district servant o MIC o mangangaral, ang sabi 'nya sa
mabuti. Ibig 'nyong sabihin komo magkakapatid tayo kahit na mali ang kapatid
dahil ang nakasagutan 'nya'y Iglesia ni Cristo kakampihan mo ang kapatid? Hindi
po tama 'yon, hindi po ganon ang utos ng Dios. Kung sino ang tama dapat doon
tayo lumagay.
|
|