Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla: (former 'Ang Dating Daan member) Kasi bilang pong pamumuno ko 'nung
araw ang itinuro po sa amin ni kapatid na Eli, magbigay daw po ang bawat isa
ayon sa pasya ng kanyang puso...
Eliseo "Eli" Soraino: (puno ng 'Ang
Dating Daan') "Magbigay ayon sa pasya ng puso. Kung magkano ang gusto 'nya eh.
Kaya tayo po ganon. Ang atin, magbibigay ayon sa pasya ng puso"
Raul Padilla: (former 'Ang Dating Daan' member) Sa
Corinto po nakasulat iyon, pero...'nung lumalaon po marami po akong nakikitang
hindi tama. Ang latest po sa ngayon na kapag ikaw eh dadalo 'dyan sa 'Kanan',
meron pong ibinaba si Sis. Fe Vargas 'yung manggagawa pong nakadestino
na...dapat po 'twing dadalo maglalaan po tayo ng beinte-singko pesos (25
pesos) para maka - likom ng ah dalawang daang piso sa loob ng isang buwan
para sumapat doon sa pagtutulong-tulungan na UNTV - 37 po. Eh 'yung po'y...sabi
nila ayon sa pasya ng puso pero meron pong nakatakda eh, hindi po lalabas
na ayon sa pasya ng kanyang puso 'yon kung antimano ipin-point mo na 'yung
halaga na...dapat ibigay ng isang tao...kasi ikaw ang magpapasya kung magbibigay
eh, ang ipinagpasyahan mo nalang, o sige magbibigay ako pero 'yung halaga
nakatakda na po 'yon eh, hindi na po pasya ng puso 'yon eh. Heto tignan mo po
mr. Soriano ano po, 'eto iyong mga ibinaba sa 'kin ng mga manggagawa kung papano
kokolekta ng pera, 'ayan po o...may pirma, 'eto ginawa ko ito wala akong
layuning masama sa inyo, ginawa ko ito para patunayan sa mga kapatid na iyong
perang ibinigay nila sa akin, 'eto...may pirma nila para pag-receive ng
manggagawa, pag-receive 'nung manggagawa makita 'nung manggagawa kung magkano
'yung ah nakuha kong pera para malinis ako. 'Eto, mali po 'to eh sa Biblia ayon
po sa pagka-unawa ko sa ngayon, mali po eh. Hindi dapat tayo nagtatakda 'nung
magkanong dapat ibigay eh. Wala dapat tayong mga...pasya lang ng puso...
|
|