Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Hindi po, hindi po 'yan ang unang eye...opener
eh. Kaanib po ako, masigla ako kahit na nag-aano...nanonood po ako nang...Net
25, ng 'Ang Tamang Daan', Dating nasa Sumpa, talagang nasa...'andodoon pa po
ako, nasa kanila po ako, andodoon ang lahat, kasi eh ako naman po'y kasi eh alam
ko may laya naman ako kasi may aral ako, alam ko 'yung matuwid 'tsaka 'yung
mali. Eh 'syempre para makita ko kung talagang itong aking sugong mangangaral
eh nagsasabi ng...totoo, dapat mapakinggan ko sa ibang programa. Kasi hindi
naman...ano naman hindi naman mangyayari 'yun na halimbawa, ako nangangaral ako,
sasabihin ko masama ako, walanghiya ako, babaero, hindi mo sasabihin 'yon eh,
di' ba? Kahit sinong nangangaral hindi 'nya sasabihin 'yon, kanino mo makikita
'yung kamalian 'nya? Sa iba, sa kalaban.
|
|