Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Eh kung ako nga sa'kin bilang isang opisyales
nagawa na nila 'yon...eh sa inyo hindi nila magagawa 'yon? Isipin 'nyo 'nung
maaksidente kami, namatay 'yung aking asawa, alam 'nyo po na...ng makarating
kami sa...kay brod Eli, sabi 'nya sa 'kin, bayaan daw ilibing iyong patay 'yung
kapwa patay? 'Yung asawa ko 'nung nabubuhay pa...sa BS, sa KAPI, sa lahat
ng mga tulungan lagi pong nangunguna 'yon...ah 'wag lang pong magsinungaling
'yung iba, malalaman nila kung papano namin ginugol 'yung aming...aming
sarili dahil sa...pananampalatayang iminulat ni Mr. Soriano. Lumakad ako
simula 'nung maanib ako hanggang makarating kami sa 2003 ah March 9, 'nung
mangyari ang aksidente hanggang sa dumating 'yung...tinanggal niya ako sa
panunungkulan eh. Tinanggal ako ng mga...namamahala sa North District. Wala po
akong sama ng loob eh kahit na ganon ang inano 'nya eh. Kasi sabi 'nya sa 'kin:
"Tiisin mo, padaya ka". Tiniis ko po 'yon, nagpadaya po ako.
|
|