Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Ang isa pa pong gusto kong liwanagin, ang sabi
'nyo matibay 'yung ano 'yun buhay sa kapatid, bakit sa ID lang po ng isang
kapatid eh pag wala pong ID hindi 'nyo papapasukin? Kaya nga po doon
nag-simula, mula 'non hindi na ako dumalo, kasi hindi po tama eh, kasi buhay
ibibigay sa isang kapatid tapos ID lang hindi ka papapasukin...o! Alin po ba
ang mahalaga, 'yung buhay o 'yung ID? Palagay ko mas mahalaga 'yung buhay. Eh
kung 'yun eh pinapayagang ibigay eh dapat 'yung ID payagan mo kasi hindi naman
intentional sa mga kapatid na tinuruan 'nyo na hindi magdadala ng ID, o.
Kung nakalimutan hindi 'nyo...kagaya 'nung isang kapatid po na...ano na...nasa
loob na po eh pinalabas 'nyo pa, tapos sabi 'nyo hindi raw 'nya pinalabas
sabi ni...Sinon Comision, hindi raw 'nya pinalabas, pero 'yung mismong me'
katawan ang nagsabi eh, o! Ako'y hindi na dumadalo 'nung mangyari 'yan pero
bakit ko nalaman? Eh nagpunta sa akin 'yung isa sa mga ah kapatid
'nung...kapatid na pina-uwi 'nyo at talagang iyon ang sinasabi, pina-uwi 'nyo.
Sana...'wag 'nyong gagawin kung inaakala 'nyo kapatid talaga 'yung tao, mahalin
'nyo dahil ang turo po ng panginoong Dios eh pag-ibig eh, eh iyon ang nawawala
sa inyo eh.
|
|