Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Isipin mo sasabihin ni kapatid na Eli, kung
narinig mo si Soriano para mo nang narinig si Cristo...ang panginoong Jesucristo
hindi sinungaling! Hindi nagkasala kaylanpaman. Alam 'nyo 'yan mga kapatid dahil
sa texto 'yan, sa texto 'yan binanggit ni kapatid na Eli, ano po ang nakita ko
sa inyo? Palakpakan kayo pati 'yung mga manggagawa sa Apalit na tinuturuan 'nyo
ng aralan, palakpakan sila. Eh si kapatid na Eli, sinungaling 'yan eh! O?
Marami akong maipapakita sa inyo na nagsisinungaling siya...o, pahiramin lang
ako ng mga kontradiksyon 'nyang mga ano't 'tsaka 'yung narinig ko mismong
sinasabi 'nya. Eh 'yun eh narinig ko mismo sa kanya 'yung...kung may puwet?
Nandodoon ako 'nung...oo, nung mangyari po 'yon eh. Naririnig ko po 'yon,
sinasabi 'nya. 'Tsaka 'yung Lukas, ah...21: 13-15 po? Lagi pong inaangkin niya
'yan eh na para sa kanya lang, hindi po totoo 'yon. Tandaan 'nyo, basahin 'nyo
'yung talata, "ninyo"..."ibibigay ko sa inyo". Hindi po sa kanya lang, sa inyo,
kasama po tayo lahat dito. Kahit sino po 'yung nagbabasa 'non at naniniwala sa
Dios 'bibigay po 'yung talatang 'yon, hindi para sa kanya lang. Eh tayo bulag na
bulag tayo 'don, ang alam natin siya lang ang henyo, siya lang ang ganon...
|
|