Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla:
(former 'Ang Dating Daan' member) Kagaya 'nung sinabi mo sa 'kin tungkol sa
dyario...ang sabi 'nyo sa pasalamatan po hindi lang ni minsan 'nyo sinabi
na...sabi 'nyo sa mga manggagawa, kung hindi mabasa 'yung dyario 'wag
'papasan sa kapatid, 'wag pabayaran. Eh...'nung magkaroon po kami ng hindi
magandang pag-uusap ng mga manggagawa eh iyon po ang pinag-ugatan iyong
sinabi 'nyong 'yon eh "wag ipapasan sa kapatid". Eh isipin 'nyo
nakalista sa akin, bayad po ako sa dyario, pagkatapos 'me utang ang lokal.
Eh ba't po nagkakaganon? 'Nung malaman ko bandang huli, 'yun pala kahit hindi
makarating sa lokal namin 'yung dyario babayaran namin 'yon kahit walang
dumating na dyario, eh ako ang naiipit sa pagkakataon 'yon. Kaya ako
humingi sana ng ano ng paliwanag doon sa manggagawa eh hindi naman po ako
binigyan ng kasagutan bagkus ang ibinigay sa akin eh me' reklamo raw ako sa
unang hirit, hindi po ako nagrereklamo roon. Ang reklamo ko po 'yung sistema,
eh hindi mo nakita 'yung dyario magbabayad ka? O! Tapos maniningil ako
sa kapatid, dyario, wala naman akong 'binigay na dyario. Di' po ba akong
lalabas na kahiya-hiya? Lalabas akong masama sa mga kapatid dahil naniningil
ako ng isang bagay na wala naman akong ibinigay. Sana ah maintindihan 'nyo
mga kapatid 'yung mga ginagawa sa 'tin. Wala akong layunin na sirain kayo o sino
pa man sa inyo. Ang layunin ko maituwid natin. Humanap kayo ng tamang kalagyan,
eh dyan po'y maliwanag na nakikita natin eh, pene-perahan tayo.
|
|