Pagbubunyag ni Bro. Raul Padilla, Dating kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano
Raul Padilla: (former 'Ang Dating Daan' member)
Dukhang pantas daw si kapatid
na Eli, pero dumating po ang pagkakataon 'nung mapanood ko sa...Net 25 po 'yung mga ipinakitang mga tax declaration po eh lahat po ang may
me' ari si kapatid
ano eh, Soriano eh. Lahat sa kanya. Single, owner, Eliseo F. Soriano, single.
Lahat, ADD, 'yung sa...babuyan, lahat po sa kanya 'yon, papano pong magiging
dukha 'yung isang taong bilyunaryo? Eh...dapat po sana maintindihan 'nyo mga
kapatid, ha? Wala akong layuning sirain si Soriano, ang akin maintindihan 'nyo.
Paano 'nyong tatanggapin ang isang taong dukhang pantas na bilyunaryo? Wala akong pakialam 'don sa ari-arian 'nya, sa pera 'nya kung 'pano siya yumaman,
wala akong pake-alam 'don! Ang tinututulan ko lang, iyong sinasabi niya na
dukhang pantas siya. Hindi po dukha si Soriano. Unang-una sa bibig niya makikita
'nyo po eh...
Eliseo "Eli" Soriano: (puno ng 'Ang Dating Daan') "Meron po
akong nakasanlang alahas, halagang...nakasanla ng apat na milyon, ang halaga ho
'non nasa 12 milyon..."
Raul Padilla: (former
'Ang Dating Daan' member) 'Yung kanyang alahas na nagkakahalaga ng ah...12
milyon, na isinanla niya ng (4) apat na milyon? Saan kayo nakakita ng dukha
na merong apat na milyon? Sanla lang 'yon, o! Dukha po ba 'yung
ganon? Eh pagka ganon po ang dukha eh wala na pong mayaman, puro dukha na
lahat ng tao. Eh sana maintindihan natin mga kapatid. Aral lang po ang gusto
kong ituwid, makita 'nyo mga kapatid kung totoo 'yung sinasabi sa atin,
niloloko tayo eh!
|
|