Jojie Mangisel, Jr.:
(former 'Ang Dating Daan' Church Worker) Ako po si Jojie Mangisel
ah...kasalukuyan pong nakatira no.# 6. Morning Star Nordles Subdivision, Baguio
City po. Ah ako po ay naanib, nabautismuhan po sa Iglesia ni Cristo noong June
19, sa taong kasalukuyan po. Ah dati po kaming Katoliko, tapos po ah...pumunta
po kami sa...mga Born Again, sa Baptist, tapos po kay Almeda nagsuri din po ako
doon at...hanggang sa napanood po namin sa programa 'yun pong 'Ang Dating Daan'
kay Ginoong Soriano, at ang unang naanib po doon 'yung kapatid ko pong panganay
na babae, sapagkat mahilig po kaming makining ng mga salita ng Dios kahit sa mga
programa po sa TV, nahikayat po kami doon na...ah...makinig, hanggang sa kami po
naanib doon. (audio)At 'nung naanib po kami doon ah...ako po naging manggagawa doon po sa Ang Dating Daan. At...umabot po ako sa walong taon doon po sa...Ang Dating Daan at 2001 lang po ako tumigil na dumistino... (audio) Sa...ADD (Ang Dating Daan) po ang naging tungkulin ko po doon, namamahala po ako sa pananalapi ng abuluyan sa distrito po ng Ilokandiya. Tapos po ah...nagtuturo din po ako sa mga level 1 na tinatawag po namin 'yun na enforce. At...marami pong iba pa na tungkulin kaya lang iyon po ang pinaka...hinahawakan ko po talagang tungkulin. (audio) Masipag po kami doon at wala po akong naging record sa pagka-manggagawa na ako po ay naging tamad o kaya meron po akong inargabyado na mga kapatid at...'yun pong mga kapatid sa Dagupan, kilalang-kilala po ako doon kung papaano ang pagiging...kung baga 'yung paghawak ko po ng tungkulin na hindi ko po pinababayaan kaya naging kilala rin po ako doon sa central ng mga MIC dahil...sa Laoag po kasi wala pong naka...kung baga naka-gawa noong Bible Exposition kahit po 'yoong mga district leader kundi ako lang po doon ang nanguna sa mga kapatid, kasi twenty seven lang po sila...samantalang...ang...ginaganap po kasing mga Bible Exposition po ng ADD (Ang Dating Daan) hindi po basta-basta 'yon dahil malaking pera po ang ginugugol pero doon po naka-produce kami ng sixty thousand para gastusin doon sa exposition na 'yon. Kaya hindi po magagawa ng...mga kasama kong manggagawa ho 'yon. (audio) 'Nung kaanib pa po ako sa Ang Dating Daan, bale marami po kaming kinatitisuran sa mga Iglesia ni Cristo ah una po dahil hindi raw pu-pwede na si Ginoong Felix Manalo eh sugo po ng Dios...at...ang isa pa ho 'yuong hindi namin matanggap na...si Cristo ay tao, ah...siya po ay Dios sa paniniwala po namin. Napatunayan ko po na hindi totoo 'yung mga bintang ni Ginoong Soriano na ang Iglesia ni Cristo ah disisyete (17) raw o mahigit beinte pa ang abuluyan. Tapos, samantalang ngayon po napatunayan ko sa Iglesia ni Cristo hindi naman ganon. Ngayon kung halimbawa, mayroon nga pong abuluyan, nasa tamang kaayusan po 'yon at alam ng myembro ng mga kapatid kung saan po napupunta iyong ina-abuloy ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil nakikita po natin 'iyon pong mga ipinapatayong mga kapilya, 'yun pong mga proyekto po ng Iglesia ni Cristo para sa mga kapatiran... (audio) Eh...kay ginoong Soriano po kasi sinasabi 'nya lang pero hindi nakikita, kasi pagka...prayer meeting meron din pong hinihingi. Pagka po Sabado meron din pong abuluyan. Pagka Linggo meron din ho 'yon, pwera po 'yoong pong babayaran mo pa sa coordinating center, para pa sa mga allowance 'nung kung ano-ano. Tapos meron pa 'yuong ah...ano na yong sa...'yung KAPI na tinatawag...'Yoon po naman, samahan po 'yon o grupo ng mga kapatid na...bumabalikat sa ah...taga - pangasiwa...na 'yoon po mas malaki ang...ano ang...binibigay, dahil...doon pagka nagbigay ka ng limangdaan parang nahihiya ka eh...monthly po yon, iba pa sa mga ina-abuloy po nila. (audio) Ang isa pa pong bintang nila sa Iglesia ni Cristo eh mamamatay tao nga raw po at sa demonyo, kaya ho...kami 'nung dati pong nasa Ang Dating Daan pa, kinakatakutan namin ang Iglesia ni Cristo dahil ah...iminulat po sa amin na pagka Iglesia ni Cristo eh layuan mo, ganon po. Tapos, ang tinatawag po...nila kami ngayon ah...Iglesia ni Manalo eh samantalang sa duktrina wala naman pong napakinggang ganon na ah Iglesia ni Manalo ito pong Iglesia ni Cristo na samahan po natin ngayon. (audio) ATD: Mayroon ho bang mga nakikita pa ho kayo 'ron sa samahan ninyo 'ron na hindi po tama, hindi po karapat-dapat? Jojie Mangisel, Jr.: (former Ang Dating Daan Church Worker) Meron po dahil sa amin po mismong mga manggagawa minsan 'yung mga nakakasama ko rin ho nagkakaroon din po sila ng duda, hindi lang po masabi sa...mga kapatid at sa mga ibang mga manggagawa pero 'yung mga kasa-kasama ko po lagi lalo na po 'nung destino ko po dito sa San Fernando po sa La Union, meron pong dalawang manggagawa doon na sabi nila ah...bakit ang...pagsamba natin eh hindi tayo makapag-talaga ng maayos, sabi po nila. Kasi ho minsan, nananalangin na po 'yung manggagawa, nagsimula na po 'yuong pagkakatipon, mayroon pang dumadating, nagbubukas ng pintuan, nakakasira po ng pananalangin. Tapos may...mga bata na...hindi mo mawari kung ano ang ginagawa sayo, nananalangin ka, kinakalabit ka, ganon po. Wala po sa kaayusan. Lalo na pagka...ang nagte-texto lang po ng pasalamat eh mga MIC lang o mga manggagawa, 'yuon pong mga kapatiran hindi po nagtatalagang makinig, kung saan-saan po sila pumupunta. Nandon sa mga sagingan, sa mga pala-isdaan, ganon ho, hindi importante masyadong 'yung pakikinig nila sa manggagawa at sa MIC. Pagka si brad Eli ho ang magsasalita, 'don palang sila magsisilapit. Na kahit anong ginagawa nila, 'yun, 'don palang sila hihinto. Kaya ang nangyayari po doon parang nasalig na sila kay brad Eli eh na pag siya ang nagsalita, okey kahit nagku-kwento buong maghapon, tahimik 'yong mga kapatid pero pagka 'yuong mga MIC na kahit texto na 'yung sinasabi eh, me' kumakain, may natutulog. Ganon po, halo-halo po doon! (audio) Marami narin po akong...ah hindi nagugustuhan po sa Ang Dating Daan bagama't ang alam ko po kasi noon kahit na mali 'yoong sinasabi nila ang paniniwala ko totoo. Ngayon po, nagka-interesado po akong makinig na po sa Iglesia ni Cristo dahil 'yuon pong nakaraang eleksyon na napanood ko po mismo si Ginoong Soriano na siya po ay nag-parehistro para kumandidato sa pagka senador. Eh 'yuon po kasi, bilin 'nya po sa amin noon, itinuturo na...hindi kami dapat na maki-halubilo sa...mga bagay po ng sanglibutan, ibig sabihin po 'yung isang kawal ng panginoong Dios eh...sa mismo po ang nangangasiwa sa amin tapos napanood ko po siya na siya mismo ho eh nagpa-rehistro na para tumakbo hong kandidato, eh sabi ko hindi tama ito sabi ko po dahil noon kinokontra 'nya. Eh tapos ang naging paliwanag na 'nya ho ngayon dahil daw siya eh...kaya siya kumakandidato dahil...para raw mayroong matuwid na mahahalubilo sa mga masasama. At para raw makahikayat po siya doon sa mga...tao na mayroon pong katungkulan sa gobyerno. 'Yuon po ang naging paliwanag na 'nya, kontra doon sa itinuturo sa amin po noon na, ni myembro ni manggagawa bawal pong kumandidato. (audio) Kaya po ako nakapakinig ng duktrina sa Iglesia ni Cristo ah sa tulong narin po ng akin pong mga biyenan. Lalo na po 'yung biyenan ko pong lalake, dahil nakikita po namin yuong sipag 'nya na...ah pumunta sa kapilya tapos parang nakita namin malaki pinagbago, tapos kami po sinasabihan na makinig, palibhasa ho masipag kami doon sa gawain po sa Ang Dating Daan at hindi po basta matitibag yoon pong pananampalataya po namin doon, kaya kahit anong sabihin po ni papa noon hindi po namin masyadong binibigyan ng importansya. Hanggang sa dumating narin po 'yung pagkakataon sa awa po ng Dios dahil...pinapanalangin po nila papa't ni mama na kami makasama nila sa paglilingkod sa Dios, nagka-sama-sama po kami sa Iglesia ni Cristo po ngayon. (audio) ATD: Ano po ang aral na naka-akit sa inyo sa panahon ng pagmimisyon sa inyo sa panahon ng doktrina? Ano po 'yong mga aral na nakatawag sa inyo ng pansin para yakapin 'yung pananampalataya? Jojie Mangisel, Jr.: (former Ang Dating Daan Church Worker) Unang-una po yuong pong...sa...duktrina na ipanatutupad at 'yung pong mga disiplina. Kasi po napakalaki po yuong pagkaka-iba sa Ang Dating Daan tungkol po doon sa kaayusan sa paglilingkod sa Dios. Eh sa Duktrina po sa Iglesia ni Cristo talagang makikita mong tinutupad ng mga kapatid kung ano po 'yong ini-utos, yoon po ang sinusunod. Eh doon po sa Ang Dating Daan po kasi, me'roon nang dagdag, meroon nang bawas. Tapos ang isa pa ho na...kung baga nagka interes po ako sa Iglesia ni Cristo, 'yuong pong pagka-nananalangin. Kasi ho noong dumalo po ako ah para bang...nadama ko sa puso ko, bakit ganito yuong...panalangin dito? Sabi ko eh nakapagtalaga ako nang lubos. Di' po gaya sa Ang Dating Daan na nananalangin ka di' mo alam kung ah...kung ano-ano po 'yung pumapasok sa isip mo dahil sa panalangin palang pumapasok na iyong isip mo 'yuong sasabihin pagkatapos ng texto na mga bayarin, mga utang po ni Ginoong Soriano. Kaya hindi ka po makakapagtalaga ng maayos po doon na manalangin. (audio) Lagi po nila akong hinihikayat po, tinatawagan po sa cellphone tapos tini-text po ako. At noong nakaraang buwan lang ho bago ako nabautismuhan na po sa Iglesia ni Cristo, nagka-usap po kami ng personal ng isang MIC, si Danny Tobias na pinipilit po ako na bumalik at lahat daw kung ano man 'yung mga...pagkukulang ko dahil hindi na po ako dumalo sa mga pagkakatipon dahil may pagsususpindi po doon, kung baga wala na raw 'yon, kakalimutan na lahat. At doon po sa akto narin po na 'yon ah nagka-usap po kami sa telepono ni Ginoong Soriano at yoon nga po ang...gusto nila na mahikayat ako't bumalik nalang uli, tapos marami pa hong mga panghihikayat na, doon nalang daw kami sa central sa Apalit na titira para malayuan namin yuong mga hipag ko, mga biyenan ko nang hindi kami mahikayat sa Iglesia ni Cristo. (audio) Ang isa pa kaya po gusto kong magsalita para mapanood po ng maraming mga dating kapatid po sa Ang Dating Daan, kasi kaya raw po ako umalis doon dahil nabayaran po ako pati 'yung kapatid ko pong bunso. At yuon pong...hipag ko na dentist na binigyan daw po siya ng ah...opisina o clinic doon po sa central. At 'yung misis ko raw eh nurse siya, binigyan din po ng trabaho. Tapos 'yun daw hong pala-isdaan na inaasikaso ko po noon, business po namin sa Pampanga, sabi po nila, bigay daw ho ni Ginoong Soriano 'yon. Eh 'yun po, hindi po totoo lahat 'yung kanilang mga bintang na 'yon na paninira po sa amin dahil mula't sapul hindi po kami humihingi ng tulong po sa kanila eh, tungkol po doon sa sinasabi nila na kami nga ho nabayaran kaya kami lumipat sa Iglesia ni Cristo. (audio) Noong ako eh...naanib na po sa Iglesia ni Cristo, parang nabunutan po ako ng tinik at naging ang dama ko po ngayon, lahat ng mga dalangin ko at ng misis ko ah...sandaling pinapakinggan po ng Dios at ibinibigay. Samantalang noon pong nasa Ang Dating Daan ako, nananata pa ho kami at kung ano-ano hong ginagawa naming pamamaraan ng panalangin para pakinggan, hindi po namin...ano, nadadama. Sabi po namin, hindi...yata talaga totoo ito, subukan na natin na...makinig ng duktrina sa Iglesia ni Cristo, ganon po. Ang ipinangako ko po sa Dios at loobin sana ng Dios na gusto ko po makapanatili na sa Iglesia ni Cristo hanggang siguro po sa kukunin na po 'nya yuong pinahiram 'nyang buhay sa akin. At ang akin pong dalangin lagi sa Dios na sana maging matibay kung ano man ang mga dumating na pagsubok sa buhay natin at hindi po namin sana makalimutan ang mga duktrina na naitamin, naitawid. (audio) |
Jojie Mangisel, Jr.:
(former 'Ang Dating Daan' Church Worker) Ako po si Jojie Mangisel
ah...kasalukuyan pong nakatira no.# 6. Morning Star Nordles Subdivision, Baguio
City po. Ah ako po ay naanib, nabautismuhan po sa Iglesia ni Cristo noong June
19, sa taong kasalukuyan po. Ah dati po kaming Katoliko, tapos po ah...pumunta
po kami sa...mga Born Again, sa Baptist, tapos po kay Almeda nagsuri din po ako
doon at...hanggang sa napanood po namin sa programa 'yun pong 'Ang Dating Daan'
kay Ginoong Soriano, at ang unang naanib po doon 'yung kapatid ko pong panganay
na babae, sapagkat mahilig po kaming makining ng mga salita ng Dios kahit sa mga
programa po sa TV, nahikayat po kami doon na...ah...makinig, hanggang sa kami po
naanib doon. (