DISKURSO... Extragameknbayong?

Bakit tinatangkilik ang noontime game shows
� Panandaliang libangan at aliw
� Nagbibigay ng pag-asa ng pagahon sa kahirapan dahil sa malaking premyong pinamimigay sa mga nakakasali dito
� Audience: masa (ang mga taong nasa bahay tuwing tanghali)

Bakit tinangkilik ang intelektwal na game shows
� Nagkakaroon ng sarisariling tagisan ng talino
� Interactive, infotainment
� Parang "soap opera" dahil hindi mo alam ang susunod na mangyayari at nagkakaroon ng interes manood ng mga susunod pang mga episode (may "thrill" at "excitement")
� Pandagdag kaalaman at malaking premyo
� Audience: Middle-class, working class (nakauwi na ang mga taong "intelektwal" o ung mga nakapagaral)

Bakit ito tinangkilik
� Sikat dahil parang ibinababa nito ang mga artista sa level ng mga masa
� Pinapakita ang ibang imahe ng mga artistang sumasali dito (subalit limited lamang ang reality na pinapakita nila. Pinapakita lamang ng mga artista ang side nila na iba sa normal pero alam nilang matatanggap pa rin ng mga manonood)

Bakit ba talaga sila sikat?
� Konsepto ng swerte, instant pera at malaking premyo
� Tagisan ng talino
� Pag-ahon sa hirap, pag-asa at pagtupad sa mga pangarap sa buhay
� Naghahatid ng aliw para makalimot sa mahirap na pamumuhay ngayon (lahat ay nakaugat sa krisis ng ating lipunan ngayon: krisis na politikal at ekonomikal)

Ang hindi natin nakikita
� "False concept" ng charity (malaki naman talaga ang kinikita ng mga producers at mga televison companies sa mga game shows nila na namimigay ng malaking halaga ng pera)
� Parang nagiging sugal na rin ito (may bayad ang kada-text o kada tawag para sumali sa mga game shows)
� Kawalan ng 'originality' ng mga palabas - colonial mentality (Ang mga ideya ng laro ay hindi orihinal at maiuugnay sa pagkakaroon ng colonial mentality ng Pinoy)
� ang mga game shows tulad ng Wowowee, Laban o Bawi ay sexist. (paggamit ng mga sexy na mga babaeng dancer para makakuha ng mataas na rating o madaming manonood)
� Foreign franchised game shows - cultural imperialism (Ang pagdating ng mga game shows tulad ng WW2BAM, The Weakest Link, If the Price is Right, Family Feud ay pagpapatunay ng cultural imperialism ng kanluraning bansa)
� Maiuugnay ang aura ng mga game shows sa virtual reality, identity at environment
� May kinalaman ang uri ng administrasyon sa paglaganap ng mga games shows


MALAWAKANG DISKURSO

ANG USAPIN NG PAGIGING SEXIST NG MGA GAME SHOWS
Kung ating mapapansin, karaniwang mga lalake ang hosts ng mga game shows sa bansa. Maliban na lamang kina Kris Aquino at Dawn Zulueta, ang mga kilalang game show hosts ay sina Vic Sotto, Paolo Bediones, Willie Revillame at Pepe Pimentel. Kung mayroon mang nagsulputang iba, mas malamang na sila ay lalaki. May bahid ng pagiging sexist ang mga game shows na ito sapagkat ginagawang pangtakaw uhaw sa laman ng mga kalalakihan ang mga babaeng sumasayaw sa likuran ng hosts samantala ang mga lalakeng hosts ay nagpapamalas ng pagiging 'superior' at decision-maker. Tila walang kabuluhan ang mga babae. Tila mga sex object lamang sila na hahalikan kung saan saan. Ang kaso naman ni Kris at Dawn ay mabibigyang justification sapagkat iba ang kanilang sitwasyon. Si Kris, isang prominenteng babae at may "say" sa lipunan kung kaya't nabigyan siyang pagkakataong maghosts ng game show. Gayundin naman ang beteranang actress na si Dawn. Pero kung tutuusin, mas malakas pa rin ang hatak ng mga lalaking hosts, mas may kapangyarihan pa rin sikang mang-dominate ng opposite sex.

FALSE CONCEPT SA KAHULUGAN NG "CHARITY"
Kadalasan na nating maririnig sa mga promotional advertisements ng mga game shows na sila ang tanging kasagutan sa matinding kahirapan na nadarama nating mga Pinoy ngayon. Ayon sa kanila, ito ay ang taos pusong pagbibigay nila ng katuparan sa mga kahilingan ng ating mga kababayan. Ang mga game shows diumano ang may mabuting hangarin para sa mga sasali sa kanila. Subalit, kung tutuusin, ang mga game shows din namans ito ang nagbebenifit sa mga tao sa pamamagitan ng sponsors na nakukuha nila mula sa mataas na ratings na ibinibigay sa kanila ng mga taong umaasa na makapagbagong buhay. Dagdag pa ang mga kita sa text entries at phone calls na mula sa kawawa nitong viewers. Nagkaroon ng panlilinlang sa parte ng mga manonood. Binibigyan sila ng maling ilusyon sa tunay na kahulugan ng 'charity'.

MAIUUGNAY SA VIRTUAL REALITY NI ROLANDO TOLENTINO ANG MGA GAME SHOWS.
Tulad ng nasa sanaysay ni Rolando Tolentino, ang mga game shows ay nagsisilbing pagtakas ng mga Pilipino sa kahirapan ng buhay sa ngayon. Halimbawa, tuwing tanghali, kahit kumakalam ang tiyan sa gutom, napapawi ito ng ilang oras na panonod sa TV ng mga noontime game shows tulad ng Wowowee at Laban o Bawi. Sa mga sandaling ito ay tumitigil ang oras upang makalimutan ang tunay na sitwasyon ng kanilang mga buhay.. Gayundin, masisikat din sa mga game shows kung paano nagmimistulang edukado ang mga Pilipino sa oras na masagot nila ang mga tanong sa mga quiz game shows na tulad ng Game KNB, Laban o Bawi ( Elimination round), Pera O Bayong,�Kung tutuusin, may kadalian ang mga tanong ditto tulad ng " Sino ang mga myembro ng Hotbabes?", "Ano ang square root ng 9?" ,� Kahit hindi ka nagtapos sa pag-aaral, mistulang higit ka pa sa mga degree holder pagdatig sa katalinuhan. Kakabit na rin kasi ng pangalan ni Kris, halimbawa, ang "credibility". Nagmimistulang matalino ang sa totoo'y isang taong hindi ma lang nakatapos ng second year high school.

ANG GAME SHOWS KAKABIT NG ADMINISTARASYON
Kung mapapansin, taong 2001 nang magsimulang mabuhay ang game show craze buhat ng mawala ang Kwarta o Kahon. Hindi ko alamkung ang pagpasok ba ng adminidtrasyong Estrada ang nagbigay sa mga Pilipino ng reaffirmation na pwede ng magsugal. Matatandaang ang sugal tulad ng jai-alai atbp ay naging legal sa kanyang panunungkulan. Hindi ba't ang mga game shows ay uri na rin ng sugal? May taya, may talo at may panalo. Ang perang nalilikom mula sa mga text, phone call at coupon entries ang taya sa sugal na ito. Ang mga Pilipino ang laging taya samantala ang panalo ay ang gameshows, tulad rin ni Erap noon.

MULA NOON HANGGANG NGAYON
Kung susuriing mabuti, mula sa paglaganap ng mga laro noon hanggang sa paglaganap ng mga game shows ngayon, iisang pattern lang makikita natin. Patuloy tayong minomold ng ideyolohiyang iniimpose sa atin upang maging sunud-surunan pa sa mga sistemang kinamulatan na natin. Sa panahon noon, kung ang mga laro ay may kinalaman sa pagsakop ng lupain at pagpapalawak ng kapangyarihan, wala pa rin naman talagang pinag-kaiba sa ngayon. Ang nga game shows na buhat sa ibang bansa, na siya naman nating tinatangkilik, ay nagsisilbing tulay upang matimo sa ating isip na pabor tayo sa kanilang panghihimasok sa ating kultura. Binibigyan natin ang mga bansang kanluranin ng assurance na ang inaaccept natin sila ng bukas palad at may ngiti sa labi


CONCLUSION
� Naging 'way of living' na natin ang mga game shows at maituturing talaga itong 'kulturang popular'
� Kahit na pag-asa at swerte ang sentral na ideya na pinapalaganap nito, iba pa rin kapag pinagsikapan ang natatamasang tagumpay


1

Hosted by www.Geocities.ws