****
Bonifacio's Decalogue - Dekalogo ng Katipunan
 10 Duties of the Sons of People - 10 Katungkulang Gawain ng mga Katipunero
1/10. Love God with all your heart.
2/10. Bear always in mind that the love of God is also the love of Country, and  this too, is love's of one's fellow-men.
3/10. Engrave in your heart that the true measure if honor and happiness is to die for the freedom of your country.
4/10. All your good wishes will be crowned with success if you have serenity, constancy, reason, and faith in your acts and endeavor.
5/10. Guards the mandates and aims of the K.K.K. as you guard your honor.
6/10. It is the duty of all to deliver, at the risk of their own lives and wealth, anyone who runs great risks in the performance of his duty.
7/10. Out responsibility to ourselves and the performance of our duties will be the example set for our fellow-men to follow.
8/10. Insofar as it is within your power, share your means with the poor and the unfortunate.
9/10. Diligence in the work that gives sustenance to you is the true basis of love -- love for your self, for your wife and children, and for your brothers and countrymen.
10/10. Punish any scoundrel and traitor and praise all good work. Believe, likewise, that the aims of the K.K.K. are God-given for the will of the people is also the will of God.
****
Kartliya ng Katipunan
 Emilio Jacinto
1/13. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kung di damong makamandag. 
2/13. Ang gawaing magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan ay di kabaitan.
3/13. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang bawa't kilos, gawa't pangungusap sa talagang katwiran.
4/13. Maitim man at maputi ang balat, lahat ng tao'y magkapantay, mangyayaring ang isa'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda...ngunit di mahihigtan sa pagka-tao.
5/13. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa saili sa puri.
6/13. Sa taong matalino'y ang may hiya, salita'y panunumpa.
7/13. Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik, nguni't panahong nagdaan na'y di na muli pang magdaraan.
8/13. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.
9/13. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawa't sasabihin at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10/13. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa't mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
11/13. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan at alalahanin ang inang pinagbuhata't nag-iwi a iyong kasanggulan.
12/13. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak, at kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
13/13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagka-hari, wala sa tangos ng ilong, at puti ng mukha, wala sa pagka-paring kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.