| 0 | 8 | 0 | 5 | 0 | crunches to go! |
| 4 | 1 | days left |
Yan ang title ng blog entry ko ngayon. Wala lang yan. Nag simula yang title na yan sa status ko sa YM. Naisipan kong gawin title ng blog dahil ang blog ko ngayon ay para sa nalalapit na pasukan nating mga masunuring estudyante ng OBMCI. Parang napaka ironic ata nung pang-uri ko. wahehehe!
Speaking of College, or preparation for College, kahapon lang ako kumuha ng applcition form for UPCAT. Dinownload ko pa dito. Ngayon ko submit sa OBSA. Medyo na-late na nga ako eh. Pero pwede pa naman hanggang bukas. Punta nga ako ngayon dun eh.
12 days na lang at resume of classes na. Gustong ayaw ko na pumasok. Bakit? Gusto ko kasi syempre gusto kong makasama ulit yung mga prens ko, para mag-aral, at siyempre may gusto akong makita, makasama. Kilala niyo na kung sino / sino-sino yun diba? Harhar. Ayaw ko dahil balik nanaman sa mga walang katapuasang assignments, quizzes, long tests, oral recitations, at kung anu-ano pa. Ayaw ko rin dahil may mga ayaw akong makita, ayaw kong makasama, AT, ayaw kong maging classmate!! Wala akong pakialam kung ayaw niyo rin ako maging classmate. gusto ko lang ihayag ang aking sarili. Nyahahaha.
Di na ko masayado makakapag blog nito. Tsk. Medyo nakakatamad na rin tong layout ko eh. Plano ko dapat palitan nung june 1 kaya lang naudlot dahil busy ako. Siguro pag-tiyagaan ko nalang muna ito. Bigla ko nga naisip na ano kaya kung isara ko muna to pag may pasukan na? Baka sunday nalang ako makapagblog nun. Ewan. Bahala na. Basta tuloy tuloy lang hanggan walang pasok!!!
If I could just turn back time...