I wanna have a new layout na...
Shit... pasukan na naman. Kulang na kulang ako sa tulog. May presentation pa sa Music... tutugtog pa ako... isang piece ni Schumann. Grrr. Kanina lang sinabi sakin kaya wala pa akong practice. Hindi ko memorize. Bukas na yun. Bahala na. Goodluck sakin. =p
Napagisip isip ko kung bakit ako hindi na masyadong depressed ngayon... Alam ko na ang sagot. Kasi hindi ko na masyadong pinoproblema ang mga problema ko. Lam mo yun... kasi pampagulo lang sa isipan mo yun eh. Lalo na kung hindi naman talaga "problema" yung pinoproblema mong yun diba. Ganun yung sakin eh. hindi naman talaga siya problema kaya medyo hindi ko inisip yun nitong mga nakaraang araw at yun... nakakagaan talaga siya sa mga 'pabigat" sa araw na araw na buhay. Tama nga siguro sila: wag ko nang masyadong problemahin yung (bahala kayo kung ano gusto niyo isipin) mga lintek na yun dahil pampagulo lang yun!! I don't deserve it daw. fuck it.
Siguro kaya ganung klaseng problema ang binigay sakin para matuto na ako... kasi hanggan ngayon hindi ko pa rin matutunan eh. Sana college na ako para mawala na to. =p
Oh yeah, dahil sa essay na yun, 1:30 AM na ako natulog! Langya! Ang record ko dati 1230 eh! (Maaga kasi ako natutulog... kailangan yun para tumangkad. =p)
Mabibili ko na yung gusto kong bilin next week! Ang sayaaaaahhh!
Siguradong mapupuyat na naman ako nito. Baka pinakamaaga na ang 1130 bed time ko. Haha. Magbabasa pa ako ng Filipino Ngayon. Notes pa sa Physics. Wahhh... Magbabago na talaga ako sa second quarter. Kasi naman, kung ano ano pa kasi ang inuuna ko. Yung mga first priority ko pa talaga ang hinuhuli ko. Haha. Napaka ironic.
hey, bumibilis na akong magtype ah. =p
Yey, one week nalang mabibili ko na yung gusto ko. :D Hehe. Lalang.
By the way, Happy Birthday to Stephannie. 15 ka na! Tanda mo na!
Shit. Wala pa akong ADMU essay. Wala akong maisulat. I mean, merong akong topic pero ang ikli lang nun. Kasi konti lang naman talaga masasabi ko eh. It should be done by tomorrow. Exams narin bukas. Sobrang kulang talaga ako sa mga subject requirements. No crapbook for Food Technology, no Recipe Binder, no asignment in this, no assignment in that. AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! Ayoko na! I don't know how will I survive. (ngek...)
Parang gusto kong mag upload ng private journal.. Hmm. walalang. Ayokong isulat eh. Yah know... may mga bagay na gustung-gusto kong isulat dito pero naisip kong "hindi pwede" kasi parang nakakahiya or something. Tapos mababasa pa ng kung sinu-sino. Argh. You know what I mean. Of course ang pwede lang makapunta dun yung mga talagang tunay na kaibigan ko. Kung meron man. Haha. =p Basta para naman may maitulong sila sakin dahil siguradong puro problema at mga sama ng loob ko ang ilalagay ko dun. By next week it should be online na. Magsign na diyan kung sino gusto maka-access nun ah. It will be subjected pa for my approval. =p (Sana may mag-sign. Haha)
Oh yeah, just wanna share this. Parang naging roller coaster yung emotions ko this past week. Syet. Nung August 9-11 masaya, tapos biglang lumungkot nung 12, tapos masaya nung 13, tapos malungkot kahapon (14). Paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya. Sigurado yun. Nagiisa ka lang para sakin. Totoo na talaga to. Ayoko nang mawala ka pa.
Oh, wala akong binanggit na pangalan ah! Wag nang tanungin pa kung sino! Hindi ko aaminin! =p Basta kayo witness. �
| Disorder | Rating |
| Paranoid | Moderate |
| Schizoid | Low |
| Schizotypal | Moderate |
| Antisocial | Moderate |
| Borderline | Low |
| Histrionic | High |
| Narcissistic | High |
| Avoidant | High |
| Dependent | Moderate |
| Obsessive-Compulsive | Low |
-- Personality Disorder Test - Take It! -- | |
Waah. Hindi totoo yan!! Hindi totoo yung Narcissistic at Histrionic! Moderate lang dapat yan! Lolz. Hindi ko matanggap. =p
I acn't belive hindi ako mag-gygym ngayon. Haha. Hindi ako makatakas eh - wala akong pwedeng sabihin na excuse.
EDIT [1445]: Hey, kita mo naman, may tag-board na! Haha. Lalang. Basta pag may comment kayo sa tagboard nalang! Pag may comment tungkol sa site sa guestbook ilalagay! (Parang ginaya ko na rin si Katie nito eh. Hehe. :p)
Oh well, back to reality. Tapos na ang paghahanda. Balik sa pag-concentrate sa school dahil malapit na ang First Quarter Exams. Pag September, ayan na naman --- ACET naman. Pinaka mahirap dun. Lalo na ang English at Math. Kailangan mapag-handaan!
Isa pa to: hindi tuloy ako masaydong maka-concentrate dahil may hangover pa ako kagabi. Masasabi kong masaya yung nangyari. Wehehe. :D
Enough of the UPCAT thingy. I went through my blog archives before I blogged for this day... may mga naging kabaduyan nanaman pala ako nung summer. Haha. Nakakatawa! May isang blog rin pala ako dati na parang na-link sa mga present na pangyayari ngayon. Basta. Here are some part of the entries (in Chronological order) that made me smile... and/or laugh:
April 24 (my very fist entry):
"Naiinis ako!! hindi ko matapos tapos yung Canon at F�r Elise sa gitara, eh ang dali lang naman nung dalwang yun... paano pa kaya ako makakapag praktis ng Asturias kung hindi ko matatapos yung dalawang yun? Basta classical guitar peices silang lahat." - Nyahaha. nung June lang bigla ko nalang natapos yung Canon at Asturias. Yung Fur Elise naman nung July. Btw, tinugtog ko nga pala yung Canon during Filipino Dale. Siyempre achivement yun diba??
April 28 (right after our reunion):
"Eto lang ang ikinagulat ko sa lahat: Halos lahat kasi sila dati, mas matangkad sa akin! Oo, pati ang mga babae. Si Tam-Li nga parati akong inaasar na ang liit ko raw, na naiwanan niya raw ako! Biruin mo, pangatlo lang ako sa linya dati! pero ngayon, hah! Mayabang na kung mayabang, pero mas matangkad na ako sa mga umaapi sa kin!" - Wala lang. Napansin kong tumatangkad ulit ako, kasi magkasing taas na kami ni Tyress, at pantay na yung balikat namin ni Lahamedjian. Epekto na sobrang gatas na pinapa-inom sa akin ng tatay ko. Nagagalit sa akin pag hindi ako umiinom!
May 1 (about the dream i had):
"Papunta ako dun nang bigla ako tinawag ng kasama ni errr tas sabi niya "erick! si errr oh, pansinin mo naman!" Ako naman, hindi na ako lumingo, yung ulo ko nalang ang gumalaw saying 'no' kasi nga alam kong galit siya sakin at ako naman nagtatampo sa kanya. mga 2 feet away nalang ako from the elevator at pasakay na ako nang bigla akong tinawag ni errr! Syet!!! kinabahan na natuwa ako nun, pero hindi ko pa hinaharap. Tapos biglang humina yung boses niya at sinabing "sorry na..." Ako naman, lumingon na ako, nilapitan ko. Pagkatpos, tinignan ko muna nang matagal, hindi ako nagsasalita, hanggang sa hindi ko natiis," - O ano, bitin ba? hanapin mo nalang sa May archive kung gusto mong malaman ang kinahinatnan nang panaginip kong iyon. Sana talaga totoo yung panaginip ko. Pero part nun nagkatotoo naman, kasi bati na ulit kami. Pinatawad na niya ako. :) And according to her, friends na daw ulit kami! di na raw ako stranger to her? hihi. Basta ang saya.
May 4 (Weight training, bebe!):
"Sa gym naman, kahapon din ako nag-enrol dun, alam niyo ba kung saan? Sa muscle & motion! Alam niyo ba kung bakit masaya? hehe. Alam niyo na yun. Isipin niyo nalang kung kaninong bahay ang malapit dun sa gym na yun, at alam niyo na kung bakit ako masaya.�" - Wala lang, kasi 1 month lang ako nakapag-gym nun ,tapos nag enrol ulit ako nung July 23. Basta before I turn 17 dapat machoman na ako. Wahaha. Asa pa.
May 17:
"Tama nga si Carol. Bakit nga ba ang hilig ko sa mga babaeng ang name ay nagsisimula sa leeter "K"? Nawiwirduhan na naman ako sa sarili ko. Tama siya, grade 6 pa lang ay talagang mahilig na ako sa initial na K." - Siguro nga tama siya hanggang ngayon, pero ang alam ko, nagiisa lang ang K sa buhay ko, wag kang maniwala kung ayaw mo. :p
May 24 (washboard abs daw oh!):
"nga pala, nagtataka ka kung bakit may isa pang counter sa taas? Ah, counter yan ng crunches na kailangan kong gawin within 50 days or less. Ganyan kalaki ang target ko dail atat na akong magka-washboard abs. Hehe. Bakat na kasi yung upper abs ko eh. Medyo nagulat ako kasi ang bilis... tapos naisip kong wala akong fat/s kaya ganun kabilis ma-develop." - Leche! Hindi lang pala 50,000 crunches ang kailangan para magka-abs! SAMPUNG MILYON!! upper abs lang ang meron ako! Bwisit! Lang wenta yung target na yun!
June 16 (uyy, nagkasalubong din.):
"Nagkasalubong din kami ni errr bago mag 0830. Wala lang. Isnab to death talaga kami sa isa't-isa. Feeling ko galit parin sakin yun eh. Di ko naman masabing galit ako sa kanya... siguro tampo lang. Oh well." - Pssh. Hanggang ngayon naman isnab parin eh. parang hindi magkakilala. Nahihirapan ako. Ang tanga ko talaga kahit kailan!!
**meron pa akong sana gusto i-share eh. Nangyari lang to kanina. Pero wag na, i'll keep it to myself na lang. :) Basta, wish ko, magkatotoo yung napanaginipan ko nung summer. (walang magagalit? please?:)
babu everyone.