Medyo nakapaghanda narin ako sa Prom, gaya nga ng sabi ko sa previous entry. Feeling ko flowers na lang ang kulang ko for tomorrow. Ano pa ba? Dadalin ko yung handycam siyempre! Wahehehe. Picture picture dapat. LAst na eh dapat may memoir talaga... of course kasama mga close pwends.
Hmmmm. Magiging memorable nga talaga bukas, malakas ang kutob ko. Ang tanong, ano kaya yung memorable na yun ang mangyayari??? Malalaman ko rin...
Oh diba??? Ang drama. Biglang lumabas sa isipan ko yan eh. Tuloy tuloy lang ang pagtype. Change topic
Kahapon eh may nakita akong OBLP girl. Malamang katabi lang namin yung platoon nila (bago mag march papunta sa place talaga) tapos squad leader pa ako. Lalang. Paano ko siya nakilala? Dahil sa field trip naming Seniors sa IBC/RPN. Errr. Through friendster kami nagkakilala. OBLP girl nalang tawag ko. Ganito kasi, nakita ko siya kahapon for the first time (kasi dati hindi ko nakita eh)... Sabi sa mga testimonials sa kanya, matangkad raw siya at model. Nung nakita ko siya kahapon, ayun, ang tangkad nga! Pang model nga rin naman ang katawan! Wohoo! hehe. Tapos nung nakita ko eh parang may nakita ako sa kanyang kakaiba. Errr, i can't explain. Basta yun yung mga rare na nakikita ko sa girls at dahilan na rin kung bakit ko sila nagiging crush. Take note, iba ang definition ko ng crush kaya bihira akong mag kacrush (kung yun ibang sinasabi niyo na crush ko sa school eh crush ko, hindi, baka type ko lang yun or nagagandahan lang ako sa kanila... hehe!) Ayun, medyo hindi ko rin natiis at sinabi ko sa kanya habang ka text ko kanina. Gosh. Ngayon nga eh siguro binabasa na niya to. Alam naman niya eh. Hehe. Peace talaga tayo ******** ah??? :D February 12 | Saturday | 2115
Anyways, I came late sa Santa Ana kanina kaya tuloy nakapag bente ako (sa mga hindi nakakaalam, benteng squat thrusts...) Hindi naman ako nag reklamo dahil talagang alam kong late ako at okay na rin yun para may exercise sa napaka-aga umaga.
Ok naman talaga sakin yung mag training nang maghapon eh, ang nirereklamo ko lang eh yung sobrang init ng araw. Sumakit na ng todo yung paa wag lang sobrang init at maging sobrang init na maging dahilan para kaming lahat ay umitim! Lahat kami nagkaguhit. Anong guhit? Basta. Tignan niyo ito, ang aking sariling guhit. hehe. CLICK.
Grabe noh? Mas grabe si Jumbo sa akin. Yun talaga parang may tape sa noo niya dahil amputi puti niya tapos biglang sobrang itim at mamula mula pa. Saan ka pa diba? basta nakakatawa talaga lahat ng mga itsura namin. Pero oks lang yun. At least na-experience. Hehehe! At least gumana yung sunblock ko --- hindi ako nag ka sun burn. Natatawa ako sa mga ibang kong classmates na babae dahil sobrang kapal nung nilagay nilang sunblock sa mukha. Narinig ko pa nga sabi nung isa na para raw hindi siya umitim, eh sa palagay ko (palagay ko lang naman, walang mag rereact) talagang umitim siya eh. Yun mga babaeng yun talagang umitim kahit na anong gawin nilang pahid sa mukha at braso ng sunblock. Hehe. Peace tayo ah!!!
After CAT I went to Cha's house. Why? Nang-imbita siya eh. Advance/d Birthday Party na niya raw. Wala lang ang nangyari dun, kongting kainan tapos akyat sa taas para konting inuman... Umuwi rin kaagad ako dahil masakit talaga ulo ko... kulang sa tulog. Pero siyempre hindi ko pinalampas ang sandali --- uminom ako. Wahehehe. Matagal na kasi kong hindi ginagawa yun eh. Ayokong gawin sa labas ng bahay yun. Dito ako umiinom sa bahay pag napagtripan ko dahil gusto ko talagang malaman kung ano ang epekto sakin ng pagkalasing. Pero kanina ay hindi parin ako nalanasing. Errrr,siguro nga nalasing pero wala akong napansin na epekto sakin. Anyways, yun lang. Matagal akong hindi nakapag blog. NExt week naman JS Prom na. Shet. Last Prom na to. Sana maging memorable talaga. Ano kaya mangyayari??? Palagay ko sobrang dami talaga ng mangyayaring, I mean yung mangyayari na something "memorable" or dramatic or even romantic??? Basta. Basta meron. Sasayaw komga ka-close kong girl-friends. Hehehe. Onga pala, wala pa akong damit for Prom!!! Waaaah. Hindi pa rin ako nakakapag pa-derma. Eh kung mag absent kaya ako sa Monday? Hekhek.
I forgot to say... Nakakainggit si KOR! Si Korinne! Ang daya talaga nun. KOR na nga siya tapos Master Sergeant pa tapos platoon leader pa. Hmmph. May KOR kasi siya eh. joke. Ang daya talaga ni KOR!
Kagabi ang Formal Dinner ng mga third year. Ang saya... Ang saya tignan nung mga juniors. Nakakatuwa yung mga itsura nila. Ang galing din dahli kahit konti lang sila ay naging maayos naman ang lahat. Mas maganda ang setting ngayon compared sa Formal Dinner namin last year. Obvious naman eh. Ok lang yun. Ganun talaga laging nag iimprove. Parang evolution. Anyways, medyo naging busy rin ako nitong nakaraang linggo. Naki-epal ako sa Mall Tour habang naghahanap ng damit for Prom [at hindi ako nakabili, so patahi nalang], practice dahil epal ulit ako sa dance sa Formal Dinner. Nga pala, naka libre ako sa Formal Dinner! Yey! Binigyan ako ni Mara ng ticket. Ako daw guest niya since hindi RAW pupunta yung parents niya. Basta, salamat talaga Mara!, kung nababasa mo man ito ngayon.
Nakakatuwa talaga yung mga itsura ng mga third year kagabi. Lahat ng mga waiter and bartender na nag serve sa table namin [I sat with des, cha, seya], parang kinulit ko. Kasi nag eenglish sila [hehe, parang ako rin dati, waiter din ako nun eh] at siyempre inenglish ko rin baroque inglesh [barok!]. Ang saya talaga pagtripan. Sila Maico, Dana, Luigi, and Francis nagserve samin eh. Hehe. Pinagtripan ko lahat. Si Maico and Dana talaga ang parang sobrang focuseddahil hindi sila tumatawa. Lalang. Nakaka-alala lang naman ako. Hehe
Kagabi ay nakita ko si Korinne. Siya yata ang guest ni Iris eh [pati si babs]. Anyways, ayun nga nakita ko siya tapos errrr... ang hirap sabihin basta may naramdaman akong kakaiba. Parang namiss.. yah know. Hirap talagang sabihin dito. Ay basta kinausap ko siya kagabi... siyempre minsan ko nalang talaga makausap yung tao. Ang ganda pa rin niya... kahit naging chubby ng konti. Ehehehe. ^_^
erick. 17. senior. vain. fashion. trying-to-be-a-good-boy. makulit approchable. likes girls with bangs. tahimik na maingay. madaldal pag masaya. can be very generous if he wants to. mahilig sa mga weirdo. mahilig sa mga luma. classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar'; return true;" onmouseout="window.status=''; return true;">classical guitar. math. physics. chocolate.sleeping. soya milk. food. food. more food. [pero payatot parin]. friendster: [email protected], [http://friendster.com/user.php?uid=3983441] [email protected] [http://friendster.com/user.php?uid=7154799]