I just blogged to say Happy Birthday to Mark and Christina. Yan ang regalo ko sa inyo... special mention kayo dito ha. =p.
EDIT [1700]
I came across Diane's blog and look what Ive found:
"Alam kong iniiwasan mo ako. Alam kong ayaw mo na sa akin. Alam kong ayaw mo lang akong saktan. Alam ko namang wala na akong pag-asa pero hanggang ngayon at nandito parin ako nagbabaka-sakali. Alam kong mukha na akong gago dahil hindi parin ako natututo. Mas gugustuhin ko na lang lumayo at kalimutan ka kaysa naman nandiyan ka nga sa tabi ko, pero hindi mo naman ako mahal. Mas mabuting lumayo nalang siguro ako dahil sa tuwing maguusap tayo, pakiramdam kong napipilitan ka lang. Nagkaroon ako ng pangako sayo...natatandaan mo ba 'yon? Pasensya na ha... hindi ko matutupad yun. Hindi ko na kaya eh. Ikaw rin naman eh... pinangakuan mo rin naman ako dati diba??? Asan na yun?! Wala na! Teka... hindi ko naman kailangan mag-sorry ah... Bakit ako mag-sosorry sayo? ALam ko naman hindi ka aasa sa pangako kong 'yun eh. Diba matutuwa ka pa nga dahil titigilan na kita?! Oo nga pala, salamat ah. Maraming salamat talaga sayo. Sayo ako natutong magmahal. Naging torpe lang talaga ako. Sayang dahil nahuli na ang lahat. Salamat sa mga panahong nasaktan at sinaktan mo ako. Dahil dun naging matapan ako. Dahil dun natuto akong lumaban at kumapit. At dahil dun, natuto rin ako kung kelan ako dapat bumitiw. Hayaan mo, simula ngayon, wala ka nang Erick Jose Flores Herrera na ka-kilala, na kaibigan o kahit anu pa man! Ako rin, kakalimutan ko na lang siguro na isang minsan sa buhay ko, ay nagkaroon ako ng (her name) na minahal ko ng sobra-sobra."
Wala yan.. Hehe. Wala akong magawa. Pumasok nalang bigla sa isip ko yan. :p
yan tuloy,,, medyo tahimik ako sa classroom dahil napapaisip ako...
Naguguluhan ako...
kahit na hindi naman ako dapat maguluhan...
Shit... PTC na bukas. Line of 7 ako sa Filipino for sure. Anyhoo, i'm going to Glo tomorrow! Hehe. Muntik na akong hindi payagan. Kundi ko lang sinabing birthday ni Saiah di pa ako papayagan eh. Bat ganon? 2nd labas ko palang naman binabawalan na kaagad ako?? Ewan.
errr.. hanggang ngayon, ayaw talaga maalis sa isip ko yung nangyari nung tuesday. Shit naman oh.
Back to reality. Gawa na ulit ng homeworks and school stuff. Hoy Stephannie!! Ang mahal ng mga binili ko para sa engagement game na yan! Ikaw nalang mag drawing na kung anong kailangan ha. ^_^
Salamat nga pala sa libre, Isaiah. =p
Anyways, ACET na namin! Phacker!! Nakakakaba talaga, ewan ko kung bakit... Kahit na lama kong hindi na ako papasa dun. Nga pala, sinubukan kong sagutan yung mga Math tests ng MSA Reviewer, Phacker!!! 5 lang yung kaya kong sagutan out of 60 items! Argh. What more kung ACET na mismo diba? Phackers talaga.
May nangyari sakin kagabi na gusto kong ilabas dito. Parang may "inaway" akong isang "friend" (kasi nagalit siya eh, so parang away na rin yung ginawa ko... sinadya kong sabihin yung sa simula but I did not mean it). Sa text lang naman nangyari eh. Nakasave lahat sa fone ko, pati yung message ko mismo sa kanya. So here it goes:
ME: help naman... ano bang dapat sabihin mo sa isang tao na text nang text sayo pero ayaw mong mag reply???
ME: ay, parang ako pala tsaka ikaw yung sinabi ko noh...
***So akala ko nga hindi na siya magrereply so iniwan ko muna yung phone ko, and nung binalikan ko na, may 2 new message:
GIRL: Ano maitutulong ko dun??? Pinatatamaan mo lang naman ako talaga eh
GIRL: You know what, kahit ayokong sabihin wala eh. I hate you for being such. Di mo nga muna inaalam kung ano na ang nangyayari sakin bago ka manghusga. Wala. Puro misunderstandings na lang lagi.
ME: galit ka
GIRL: ano yan, tanong o statement???
ME: galit ka?
ME: Galit ka nga.. Di ka nagreply eh...
GIRL: Galit? Hindi. Asar lang, naiinis.
ME: Mas ok na siguro yung ganyan ka sakin, ganun ako sayo...
GIRL: Kylan yung exam mo sa ateneo?
ME: Sunday... 1:30. Absent ka bukas noh...
GIRL: Nope.
ME: Ah... Anubayan... kung ano ano na naman ang sinasabi ko sayo... Sorry at salamat
GIRL: So galit ka din sakin?
GIRL: Nice textin you!
ME: Wah! naligo ako kaya late reply! Di ako galit, promise.
ME: Bakit mo natanong yun?
GIRL: Eh. Kasi nakakainis naman ako eh, diba?
ME: Pano mo muna nasabing nakakainis ka?
GIRL: Ewan ko pero pati ako naiinis ako sa sarili ko eh dahil ang pagnit kong kaibigan, kapatid, anak, student, you name it.
ME: OO NAIINIS AKO SAYO! Pero dati yun... yung kanina, wala yun. Di nako naiinis sayo... siguro nasanay na ako or pinagtyagaan talaga kita.
GIRL: Ngek. Pero thanks for being honest. Tanggap ko na yun, ako naman to eh.
ME: At tsaka dapat alam mo kung ano ka diba... (ako ata ndi eh..)
GIRL: Back to my question. Nakakainis naman talaga ako eh, diba?
ME: Oo nga nakakainis ka nga pero dati pa yun. Ngayon nga, hindi na ako naiinis (e.g. pag di ka nakakareply) kasi nga sanay na (?) ako eh. Siguro nga nakakainis ka sa ibang tao.
GIRL: Tanggap ko na na maraming naiinis sakin... Tanggap ko na marami akong kaaway
GIRL: Sige, kung gusto mo buhos mo nalang kung bakit ka naiinis sakin. Ok lang talaga sakin yun, i'll take it as a constructive criticism.
ME: Sa friendster na lang... i p-pm ko sayo lahat, kasi feeling ko mahaba eh. pwede?
GIRL: Sure. Para nalang matapos na tong depression ko or at least ma lessen na.
ME: Nakakatulong ba yun?
GIRL: Maaari. Di ko alam eh. oo yan. Sana lang di ganon kasama.
Basta yung iba secret na... Or tinatamad lang talaga ako. Sana lang di niya makita to kundi baka yari na naman ako sa kanya! Anyaways, hindi ko naman talaga gagawin yung sa friendster thingy eh. Isusulat ko nalang tsaka ko ibibgay sa kanya... Para, wala lang. Para may sulat ako sa kanya. Hehe =p
Basta sinabi niya sakin kung gano siya kalungkot. Kasi naman bakit pa ayaw nilang magka-ayos eh. Alam ko namang kaya niyang i-confront yung mga kaibigan niya noh... Natatakot lang siya. ganun ba talaga siya? Mahiyain? Matatakutin? Ewan... Siguro nga hindi ko pa talaga siya kilala.
O diba, kung hindi ko siya "sinungitan" or "inaway" or "piatamaan", eh hindi kami magkakasundo or something. Wala lang. Miss na miss ko na talaga siya. Ewan ko. Magsimula nung nag away kami nung summer nagiba na ang pakikitungo niya sakin, ganun narin siguro yung pakikitungo ko sakanya --- nagiba narin.
Bat ganun,,, hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi siya maalis sa isipan ko..
Kaya 3 hours lang tulog ko kasi we went to the Centennial Airport at 4 in the morning. mommy's here na! Hehe :) Kahit konti lang padala sakin, masaya parin ako kasi meron kahit konti! haha! May bago akong pabango!!! Woooo!!!
Maghahanda na lang siguro ako for the retreat. My gassss.. 'm so exciteeeeddddd.....
Yeah, I'm making Palanca letters for my friends. It's kinda required for the retreat, I think. Basta, nakakatulong narin yun sa mga kaibigan mo. Do I need to explain what Palanca letters are for?
I just started making drafts of Palanca letters for people. Tangina ang dami pala. Isang tao lang mga 4-5 paragraphs na eh. Oh well. I just hope I can finish it before we leave the school on Wednesday. Here's the list of people whom I'll ber giving Palanca letters to:
Hay naku, ang damiiii!!!