Okei... Actually 2 days lang naman talaga yung retreat kung bibilangin mo eh. Basta sa loob ng three days na yun, parang ang dami kong natutunan at na "re-discover" sa sarili ko. Sobrang saya ko talaga dahil sa retreat na yan. Ang first day namin ay 29 September. Introduction at first then konting lecture. Ang main event lang nung araw na yun for me is yung group sharing activity. Eto yung mga naging topics namin: feelings and expectations sa retreat, anong gusto mong gawin during the retreat, and yung reflection mo sa "Letter from God," which is written in our retreat journal, "Come Alive!" Naging masaya naman yung sharing namin kahit papano kahit na mixed yung mga members.
SECOND DAY (Sept. 30):
First activity we had is illustrating our own lifelines. It represents the so-called "up's and down's" of your life. After answering, we did the sharing activity with the same groupings. So afterlunch, we had this activity which was the most challenging: the Stargate. We did the game as a whole batch. tama ba? Basta we have to pass through this square of about 16 feet squared that is suspended at about 3 feet high from the floor without touching the square with any part of your body, kahit buhok! Kun mangyari yun, back to zero. Nakakahiya nga kasi ang tagal namin natapos. Sabi tuloy ng retreat master na pansin niyang walang cooperation yung batch namin... yung parang wala kaming pakialamanan. Siguro nga tama siya. After dinner naman, ayan na... Giving and reading of Palanca letters. Shet... Nakakatats talaga yung iba. Napaiyak ako sa mga sinabi nina itay, inay, at ate j. Tapos, nung time ko na para basahin ko yung letter sakin ni *****, grabe. Kasi una hindi ko talaga ini-expect na gagawan niya ako. Hindi naman sa nanghuhusga pero akala ko talaga hindi niya ako magagawan. Hindi naman nakakasakit ng loob yung mga sinabi niya kung bakit ako naiyak, pero dahil sa mga sinabi niyang hindi ko akalaing maisusulat pala niya dun sa Palancang yun. Gets? In other words, unexpected ko rin talaga yung content nun. Ang akala ko puro negative and positive, kasi napagusapan na namin dati yun eh, way before I have learned of the Palanca letter making. Sobrang pinaiyak niya ako dahil sa mga sinabi niya dun. grabe, hindi ko talaga akalain. Paulit-ulit kong binasa yun hanggang sa matulog ako. Siyempre nalungkot ako dahil may naalala akong mga bagay... Kaya na rin siguro ako naiyak. Sobraaaaaaaannnnggggggg na-appreciate ko yung letter na yun. Sana hindi yun ang first and last letter niya sakin. Anyways, after the reading of P.L.'s, the batch was divided of course into 2 groups, A and B. hehe. Sharing time ulit. Topics: What was your feeling [and expectations] when you received the love-notes? What touched you most, message or messenger? What do you have to say to your classmates [and to your advicer]. Eto almost two and a half hours kami dito. Ang dami namin eh, tapos lahat kami madadrama. Alam mo ba, ako pinaka madrama dun. Talagang ako yung pinaka hagulgol. Hehe. Di ko kasi malabas yung mga naipon ng sama ng loob ko for a year eh. Nabuhos ko lahat ata dun nung ako yung nag-share. Tignan mo ngayon, masaya na ulit ako kasi sobrang iba tlaga ng pakiramdam. Ganon ata talaga pag nagtatanim ng sama ng loob. Mahilig ako dun eh. Iniipon ko lahat. Hala... ma-heart attack ako nyan. Haha. Nga pala, dun ko lang ginawa yung letter ko for kylie. Alalang... Kahit madilim ginawa ko kasi nakakahiya naman kung hindi ko siya bibigyan eh. Hanggan sa matapos, ayun, uwian na. Ako, senti talaga, paulitulit ko talagang binasa at tinitigan ang sulat niya sakin. Ang haba ng panahon na sinayang ko. Ewan ko kung bakit ako ganito, kung bakit hanggan ngayon ay hindi ako nagbabago. Parati ako torpe.
THIRD DAY (OCT 01):
Wow... 2 hours lang tulog ko. Masyado kasi akong windang sa sulat niya. Tsaka parang ang saya saya ko talaga kaya ganun na lang siguro ang nangyari. Hehe. Pagkatapos ng breakfast, binigay ko na yung sulat ko sa kanya. haha, nakaktuwa kasi bago ko pa binigay eh nagtanong pa ako at pag nasagot niya y ibibigay ko sa kanya, kaya lang hindi niya nasagot eh, pero binigay ko pa rin siyempre... doi. Sayang hindi ko siya kinausap nang matagal. Oh well. Ang sumunod na activity, sulat ng letter to parents. Grabe at naiyak ako dahil madrama ako. Hehe. Lahat naman umiyak eh. Tapos, confession. Confess ako para naman mabawasan kasalanan. Good Boy na ako ngayon! (Sana tumagal ito... Harhar) Tapos, Mass, and then Lunch, tapos uwian na. grrr... dapat sumama siya sa bus ng A! Kasi nung pumunta dun dun siya sumakay eh. Kaasar talaga. Nung dumating sa school... wala lang. try-outs na pala ng juniors for badminton. Nakita ko rin yung mga freshmen may practice na. Kailan kaya yung samin?
Ayan, so three days... sa three days na yun may isang importanteng bagay akong nalaman. Napatunayan kong hanggang ngayon, mahal ko nga talaga siya. Gosh... 2 years na pala. Naalala ko nga yung recollection nung second year eh, nung unang beses na sinabi ko sa kanya. Sobrang duwag ko talaga kahit kailan. Yun siguro ang babaguhin ko sa sarili ko. Gagawin ko na ang lahat simula ngayon.
Tanong ko lang, meron bang bulaklak na color green na mabibili dito? Desperado na akooo. Kailangan ko yuuun.
Pansin ko lang to ah, andami nang nagiging love team sa batch namin, as in. Pangalanan natin sila: Isaiah-Lyka, Ian-Valenice, Mark-Ia, JoeMari-Stephannie, Jonathan-Yasmin. Alam ko meron pang dalawa na nabubuo eh, yung isa si Mark Aosawa tsaka si... basta hindi sa class namin. Yung isa pang sinasabi ko, feeling ko magkakatuluyan na yun kahit silent lang. harhar. galing ko gumawa ng tsismis! Kainggit nga yung mga taong binanggit ko eh! Lahat sila nilalanggam! Grabe. Sige yun lang baka may masabi pa ako pati sa sarili ko. =p
Subukan ko ngang maging uncensored tong blog na to. Sige, next blog ko uncensored na, lahat ng gusto kong isulat, isusulat ko dito. Wala rin namang nagbabasa eh. Hehe. Sana lang di mabasa ni *****. (oh, sabi ko nga next blog pa eh kaya pwede pa mag censor ngayon. :p)
Puro longtest na... Puro submission ng requirements next week. Nakakatamad. Alam niyo yun. Pero kailangan magsipag. Hindi ko lang alam kung pano gagawin, at kung kelan magsisimula. Hehe.
Argh. Miss na miss ko na siya. Feeling koparang ang tagal-tagal na naming hindi naguusap. Ewan ko ba. Siguro namimiss ko lang yung dati. You know, kasi nga marami nang nagbago. Enough said.
Ewan ko kung dapat ba akong magalit sa isang taong sobrang "kakilala" ko. Para siyang ewan, hindi ko alam kung ano gusto niyang "iparating" samin, o sakin lang. Talaga bang ganun ugali niya? Waahhh! Kasi naman eh! Hindi ko na siya dapat paki-alaman, dahil wala naman talaga kami paki-alamanan. Minsan magagalit ako sa kanya minsan parang sobrang "okay" yung "datin" niya sakin. Ang gulo sobra.
Ten days nalang at 6210 days old na ako. Haha.
By the way, may mga na-meet akong former montessorians sa DLSU. Siyempre uunahin natin si Carol, ang aking kapateed. :) Tas si Patrick, Miguel Coo, tsaka si John. Friendless ako dun buong hapon, tas nung pauwi, buti nalang nakit ko si Carol and then, yun sabi niya sabay na raw kami punta sa Mcdo. Konting bonding na rin yun. Tapos nakita namin si Patrick. Yun ang talagang friendless! Haha! Mas matangkad na nga pala ako kay Carol, yey! Tas ayun, nauna na akong umuwi. :)
Sana pumasa ako sa DLSU!!! Waaaaaaaaaaahhhhhhhh................
Anyways, I have this challenge to myself. For 40 days and 40 nights, ta-try kong hindi kausapin itong isang tao na ito. Hindi lang usap, pati iwas na rin. Susubukan ko talagang iwasan na magkasalubong kami ng paths. Haha. Basta promise ko yun at pag nagawa ko na yun, tsaka ko na siya haharapin. Pag kinausap ko siya nang hindi pa natatapos yung 40 adys na yun, back to zero ako! Wala lang, naisip ko lang ilagay dito para at least alam kong nag promise ako sa "public". Public daw oh! Hehe. Basta nakakatulong yun. Eh pano na pag birthday ko???
Alam ko na kung anong dapat kong baguhin ngayon malapit na ako mag-17... Kakalimutan ko na ang lahat nang masasamang memories ko. Haha. Dapat ibaon na sa limot ang lahat. At siyempre, magbabago ako. Ewan ko lang kung gagana yun [hehe]. Basta dapat magbago muna ako bago ako humarap kay *kung sino man siya, edi yun na yun*.
I miss this girl. Amen.
Nakakainis naman yung mga classmates ko... puro narinig ko na lang sa kanila kanina "ano ba yan! ang cheap naman!", "bakit sa RPN LANG?", "ano ba yan, 'di-sungkit pa yung mga ilaw! dapat computerized yan eh!", at marami pang iba. Nakakainis kasi parang kung sino sila kung magsalita sila. Ayoko nang mag-explain... hindi rin naman ako maiintindihan eh.
Waaah... Nakita ko ulit yung magandang babae sa Las Pi�as. Grabe sobrang ganda talagaaaaa, astig siya. ang tangkad pa. 5'6" ata yung height. Basta lahat maganda. Okay, yun lang. I will not be deceived. Hehe.
October 24 | Sunday | 1300 Alam ko na name niya! Hehe.
Hindi pa ako nagaaral. Puro notes lang ginawa ko.
October 23 | Saturday | 1200 Kelan kaya ako mag-aaral??? Kelan kaya ako gagawa ng notes? Hehe. Ewan ko... Nakakatamad as usual. Meron pa naman akong hanggang bukas eh. Hahaha. Uhmmm... Nakakatamad na tong layoput na 'to.. Gusto ko nang palitan. Nakakasawa na. Hindi na ako ganon ka-obsessed eh.
Let me correct what I've said in my previous entry. Ang ibig kong sabihin sa "dapat GMA eh" ay dapat sa GMA ang field trip namin.
October 25 | Monday | 1624 Nung dismissal time na, meron isang taong sobrang ginalit ako. Siyempre hindi ko naman ipapakitang galit ako, dahil hindi naman ako ganun... Tangina talagang Sn yan. (Hindi si Stephannie). Kala mo kung sino siya. Nagpaparinig/Nagpapakita pa siya. Kala mo kung sino siyang magaling sa exams para hindi mag cheat ah. Gagu siya!!! Eh kung sabihin ko kaya lahat ng mga kalokohang pinag-gagawa niya nung first quarter??? Tignan ko lang kung makahabol pa siya para sa pagiging Salutatorian. Talagang galit na ako sa'yo. Kakalimutan ko nang kaibigan kita. Hanggang classmate lang ang turing ko sa'yo. Pikunin mo pa ako talagang sisiraan na kita.
Waaah... Walang madaling subject sa exams kanina... Babagsak ako sa Food Technology... Sa totoo lang pinaka nadalian ako sa Computer eh. Oh well. Tapos na, wala nang magagawa. Harhar. Mamaya gagawa nalang ako ng notes sa History and VE. Review na rin yun.
October 28 | Thursday | 1800 Bukas naman, Happy Birthday to me! Hehe. Tanda ko na. Wala naman talaga akong "great wish" sa brithday ko eh. Basta great wish, kasi hindi simple yung wish na yun. Wala akong maisip na ibang term eh. Simple lang naman ang mga gusto ko eh: Kagabi, nanaginip ako nang isang magandang panaginip. Ang saya, sobra. Kasi sa unang pagkakataon, napanaginipan kong nagaway kami sa panaginip ko. First time talaga... harhar! Parang yung nagiging away namin ni Steph kung minsan [dati]. Masungit pa man din ako kaya pag nakipag-away / nakipag-debate ako, talagang binabara ko. Ang natatandaan ko, parang ganito yung nangyari sa panaginip ko: Nung nagising na ako, natuwa ako kasi, ewan ko... first time na nangyari yun eh. Sana kabaliktaran nun ang mangyari sa totoong buhay... Parang yung napanaginipan ko nung April... kabaliktaran ang nangyari nun eh. Ang saya palang makipag-away noh... siguro yun na yung dahilan kung bakit ako masya. Hehe!
Happy Birthday Angelica!
Tinago ko yung parker [pen] niya tapos hinintay ko munang maghanap siya hanggang sa mapagod siya. Tapos nung umalis siya, binalik ko sa dating pwesto kung saan ko kinuha, kaya nung pagbalik niya, nagulat siya at siyempre, sinisi niya ako. Ako naman, nagsinungaling at sinabing hindi ako yung nagtago nun. Edi siyempre todo parin siya sa pagtuturo sakin na ako yung nagtago nun, hanggang sa sinungitan ko siya, tapos naging masungit narin siya... kasi uminit na yung ulo. Tapos ayun, sigawan na kami, hanggang sa nag walkout ako. Tapos nun... wala na. Nagiba na yung panaginip ko.
October 29 | Friday | 2000 Gash... I'm 16... 16 last year. Hehe. Hindi na ako sweet sixteen. Naging masaya naman ako dahil naalala pa naman ako ng mga tao. Drama... Basta masaya naman ako kahit papano ^_^ Nauna siyang bumati kahapon, sa text nga lang, pero okay na rin yun, basta ang importante nakaalala siya diba. Lalayas nga ako bukas. Bibili na ako ng [guitar] strings. Kating-kati na yung kamay ko. Pati paa. Tagal na akong hindi nakakalayas ah. 2 years na rin.
Happy Brithday to me!!!
October 31 | Sunday | 1800 Anyways, may isang babae talagang sobrang namimiss ko na. Ang pangalan niya ay bea. Kapitbahay ko dati sa Santa Ana. Basta nakilala ko dahil classmates kami sa OB [casa days...] Kasi tuwing hapon lumalabas ako, nagkataong lumalabas din siya tapos yung mga yaya pa namin nun naguusap kaya parang nagkakilala kami. Magkatabi lang yung bahay's namin back then. Araw-araw naalala ko nagkikita kami nun tapos basta masaya. Nagkikiss pa kami lagi. Hehe! Puppy love nga naman.. Ayun, hanggang sa hindi ko na siya naging classmate dahil na-accelerate ako to grade 1. So nung grade2 ako, grade1 siya [sa OB parin]. Two years rin kaming magkasama nun ah. Tapos nung nag grade 3 na ako, biglang nabalitaan ko na lang na wala nang nakatira sa tabi ng bahay namin. Awww... How sad. :P Tagal ko na ngang gusto makita ulit yun eh. Wala ako ni isang balita sa kanya. Sana makita ko na yung profile niya sa friendster.
Oh yes, nakabili ako ng bagong set of strings. Ang ganda ng tunog ng treble strings (a.k.a. bass or last 3 strings). Ang lalambot pa kahit na bago lang. Kasi yung last na binili ko 2 months pa bago lumambot eh. Lalang. share. Nakabili rin ako ng palm brace. Harhar. Kinakalyo na kasi ng sobra yung palm ko kaka... buhat. Hehe.