Anyways, naka-text ko siya last night and the night before last night. Lalang [kasi akala ko matagal na time ulit bago ko siya maka-text... hehe]. May nanggaya raw kasi sa account niya, pero third account na yung pangalan. Tinignan ko nung Sunday night [yun ata yung time na na-discover niyang may naggaya], tapos meron nga! Lahat ginaya sa first account niya. Pati tuloy ako natanong kung ako ba yung gumawa nun. Pero hindi talaga ako, promise. Eto pa, friend niya [yung nanggaya] si Kirt [nilagyan ko lang ng strikethrough kasi ayaw ko ng bad word dito sa blog]. Sino gumawa nun? Gagu yung gumawa nun walang magawa sa buhay... nang-iistorbo! Tama nga siya, sa lahat ng pwedeng gayahin, bakit siya pa? Gagu talaga.
Anyways ulet, nag-usap kami ni Stephannie kagabi. Wala lang. Pinapahaba ko lang itong entry na ito. Aharhar. Tungkol lang naman sa Engagement Game. Parangewan yung mga tanungan namin, natatawa ako sa "story" ng buhay namin. Haha! Sana totoo dahil 1/1,000,000 ang chance na mangyari yun! Grabe, biruin mo, graduate kami ng Ateneo tapos ...... bawal na sabihin. =p O diba, yung sa Ateneo journal entry no.1 palang astig na kaagad [para samin kasi maangas yung maging graduate sa Ateneo eh.. pero diba astig naman talaga???] Anyways, pati anak ang gulo ng mga pangalan, pero sa nauwi rin sa KC ang initials. Basta K at C... ang kulit nga parang hindi bagay eh. Pero ang talagang unang napag-usapan ay yung letter K lang. Pinipilit niyang K daw dahil... basta. ^_^ Tinatamad akong gumawa ng journal entries... Nakakahiya naman sa asawa ko. Siya gumagawa na siya ng collage thingy na kailangan dun tapos ako ni journal entry hindi ako makagawa. Okay lang yun! Haha.
November 5 | Friday | 2010
May shocking revelation ako next next week. Ilalagay ko dito yun dahil sa palagay ko ay memorable yun (actually, hindi na dapat maging memorable yun dahil dapat sa mga ganun ay kinakalimutan na... hehe). Simula nun, mawawalan na rin ako ng problema. Magiging masaya na ako.
Basketball na... can't wait.
Kagabi, naka-text ko si LP girl. Siya naunang mag-text, saying "good night!" Na-weirduhan ako kasi bakit ganun ang tinext niya so nagreply ako ng "huh?". Sabi naman niya, "anong huh?", edi mas lalong weird. Pero sabi naman daw niya na di siya na wrong send at kung hindi raw ba siya pwedeng magsabi ng good night. Ang weird kasi hindi pa nga niya ako kilala [kahit by face man lang] tapos sasabihin niyang ganun.. Oh well basta nag text siya! Tapos ayun, hanggang sa konting kwentuhan. Ang saya kahit papano. Basta yun na yun. ;P
Three consecutive days kaming nagkaron ng basketball game versus all the other batches. Nung monday, laban with froshies. Shempre panalo kaming seniors. Ganun naman lagi diba? Second day [tuesday], kalaban ang sophies. Nanalo ulit kami. Third day, natalo kami laban sa juniors. So what kung natalo kami? Chamba lang yun. Haha. Wala lang kaming teamwork. Sobrang napikon pa ako sa isang ka-team kong yun. Hindi ko nalang pinatulan dahil nga ka-team ko siya, at dahil baka ma-peg pa ako. Nung third game kasi namin, medyo natatalo na kami nun kaya nilapitan ko itong si "co-cap" [siya kasi eh, nag self-proclaim na siya na raw ang co-captain ball ng team namin] at sinabi kong dun lang siya sa loob dahil ang laki-laki niyang tao. Tapos bigla akong sinigawan at kung anu-ano na ang sinabi. Napikon ata sakin. Kasi feel niya nang sinisi siya ng lahat dahil bakaw siya. Pero totoo namang bakaw siya eh. Pagkapasok pa lang niya sa game mag te-tres na kaagad siya. Wala na namang pumapasok sa mga tira niya. Ayun, back to the story... biglang sumama yung tingin niya sakin. May pa-closed fist gesture pa siyang nalalaman na akala mo sasapakin na ako pero hanggang dun lang naman yun eh. Nanakot lang siya im sure. As if matatakot ako sa bombay na yun. [Lebanese pala...] Basta. Gagu siya. Pag hindi siya nag center sa game papatanggal ko siya kay Ace. Para hindi siya makalaro. By the way, sa Basketball championship, kami versus juniors ang maglalaban. Ito ang condition: twice to beat dapat ang third year. Meaning, pag natalo namin sila sa 4th qtr, there will be a 5th qtr at dapat matalo ulit sila para kami ang champion. Pag nanalo na sila sa 4th or 5th, talo kami... malamang. Kaya twice to beat kasi ang standing nila sa Bball, 3wins, 0 loss.
Volleyball naman, talo kami. Three consecutive games talo kami, meaning, 4th na kami... eliminated na kami.
Sa chess, no problemo. Waiting nalang kami sa championship, thanks to Isaiah and Mark. Kalaban yata nila ang sophies for the finals.
Badminton, waiting din kami sa finals. Buti nalang nanalo sila Jonathan and Mark laban sa third year. Dahil dun, twice to beat dapat sila Jonathan para mag-champion ang juniors. Ang daya nga ng mga juniors na yan eh. Bakit nila nilagay si Luigi and the other guy kung hindi naman pala sila ang nasa official list. Tapos bigla nalang sila magpapalit ng players for the badminton. That sucks.
Tabel Tennis. Sino pa nga ba ang waiting for the championship??? Siyempre ako. Wahaha. Ewan ko kung sino makakalaban namin ni Kristina sa Finals. (Kasi pareho kaming nanalo, 3 wins, no loss) Meron pa ngang nagsabi na third year na "hanggang pingpong lang naman ang Seniors eh" habang game ko sa table tennis versus the rep of juniors. Ewan ko lang kung sino talaga nag sabi nun kasi si Isaiah at iba pa ang nakarinig eh. Sabi nila si Genesis Irao daw. Talaga lang ah? Pang pingpong lang? Pingponging ko bayag niya eh. Gagu siya.
Hindi lang yan, siyempre panay rin ang practice sa Cheering... at ako ang drummer ng Seniors. Lalang. Sana hindi ako magkalat. Nagpractice nga kami sa bahay ni Jepp kanina eh. Meron ulit sa Monday sa OB. Siyempre punta ako. Sana pumunta si *eherm...*kylie*eherm...*
At last, Intramurals is finally over. Last Intrams na namin yung kanina, kaya sana kami ang over-all champion... isa pa, dapat seniors naman talaga diba? Aalis na kami kaya dapat pagbigyan na. Hehe.
This week, everyday ang practice namin for cheering. Kasama ako kasi nga ako yung drummer. Waaah. Sobrang na-pressure ako lalo na Monday - Wednesday. naging maayos lang talaga yung pagpalo ko nung kahapon, tapos nung Cheering na mismo sa Intrams, almost perfect... kaya lang nagkamali ako nung exit na. Medyo nauna yung count ko sa kanila... I mean, nag-switch kaagad ako sa ibang beat nung exit na, pero wala, naging bagay naman yung tribal beat na yun kaya walang nakapansin! Naka-experience din ako tumugtog ng drums for cheering. Achievement na rin yun! Sa totoo lang, gusto ko ulit pumalo [mag-drums] kahit na nakakapressure. =P kasi masaya! Hindi ko akalaing magiging first place pa talaga kami sa Cheering Competition. Expected na kasi na Bulldogs na yung mananalo dun pero tangna yan, nag first place pa talaga kami! Siyempre kahit na hindi ako lifter or pepsquad sumaya ako dahil kasama ako sa group na yun! Wakekeke. I'm so proud of myself... gosh. *beautiful eyes kuno*
Sa totoo lang, hindi ko na masyadong inintindi yung Basketball and Table Tennis championship namin. Kasi sa Table Tennis, expected ko nang ako ang champion. Hahaha. Sa Basketball, hindi na rin kasi alam ko naman talagang kayang-kaya namin yung mga juniors eh, nagkataon lang na walang teamwork nung eliminations pa lang. Tsaka isa pa, yung motto namin ay "leave the offense to Yato and kami na ang bahala sa defense", at sa tingin ko ay gumana nga... Dahil kami rin ang nanalo sa Championship. =P
Okay lang kahit na second place lang kami sa Badminton [both men and women's division]... basta okay lang. okay lang din kahit na talo kami sa Volleyball. Oo nga pala, sa Chess din champion kami, kasi si Isaiah eh! Ang galing. Harhar. Ang bilis nga ng laban eh, feeling ko 20 moves lang niya. okay lang ulit kahit na second place kami sa Table Tennis women's division. Baaastaaaaa... Okay lang kahit na talo kami sa ibang games na hindi kami ang first place! Manalo Matalo kami parin ang pioneers!!!
Sa Tuesday ata ang Spirit Day. Oh well. Back to reality na ulit kami.
Kagabi, ginamit ko yung isa kong memory card for my phone. Dun sa memory card na yun nakasave lahat ng messages niya sakin, since July 29, the day na nag text ulit kami since March 24. March 24 yung time na nagalit siya sakin nang sobra [ata]. lahat ng messages niya sakin umabot ng 743. Grabe. Buti na lang naka-sort yun into folders. Lalang. Pero binura ko na rin yung mga yun, pero nagtira ako. Mga 200 messages ata. Sobrang ang bilis ng mga pangyayari. May sinend pa nga ako sa kanyang message na nanggaling sa kanya eh! Hindi niya natatandaan na sinabi niya sakin yun. Haha. Nakakatuwa kasi yung message na yun eh.
Hindi pa ako nag-gu-goodbye sa kanya. But someday, I will, hindi pa lang ako handa ngayon, dahil alam naming pareho na hindi ko pa kaya. Nalaman rin niyang inaantay ko na lang pala mag-college, sinabi kong oo. Yun nalang talaga ang paraan para makalimutan ko ... Kung mag "cross" parin kami ng "paths" someday sa college, I'll be thankful.
Ang cute pa ng mga sinabi niya kagabi.
Me: Oi, basta friendster tayo ah?
Her: Osure! Mghnap k n dyan kht d mgnda kysa sakn!�
Tapos, bigla ulit nagtext:
Her: Gudnyt!� Mamimiss kita!�
Bakit kaya niya sinabi yun??? Medyo magulo yung sinulat ko dahil unorganized talaga ngayon thoughts ko. As much as gusto kong ilagay ang lahat ng gusto kong sabihin at pati yung mga sa "kagabi", hindi pwede eh. Ewan ko, basta hindi pwede. :)
Nung tuesday, nag-spirit day sa OB. Shempre, Overall champions ang Seniors, coz we are the bomb. Ayun... Nagkaron ulit kami ng cheering presentation. Pero wala, sobrang nagkalat kami. Nagkalat ang mga cheerdancers [as in parang tinatamad silang sumayaw dahil ang bagal na nilang kumilos], mahina ang boses ng pepsquad, at pati ako nagkalat. Ang dami kong mali sa drums. Pero okay lang yun dahil hindi na pwedeng bawiin ang award samin. Nyahaha.
May problema ako. May bumabagabag sa aking isipan at kalooban. bakit kung kelan ko pa kasi sinusubukang kalimutan si ... ay saka naman "dumating muli" o sabihin nating "bumalik" si .... Ewan. Parang nagugustuhan ko siya kahit na alam kong hindi naman dapat. Alam ni Stephannie itong problema ko. According to her, lagot daw ako. Siguro nga tama siya. Sabi pa niyang hindi pwedeng mangyari yun dahil nga mahal na mahal ko talaga si ... Nangyari na itong sitwasyon na ito sakin last year eh. As in talagang last year, kung kelan malapit na ang Food Expo namin. Yun dalawang tao rin na yun ang involved. Ang tindi naman ng pagsubok sa akin. One and a half years na akong pinapahirapan. Hindi ko alam kung susubukan ko ulit kay .... kasi parang may nararamdaman talaga ako para sa kanya eh. Pero baka sabihin lang ng lahat na ginagamit ko lang siya para makalimutan ko si ... kaya mahirap. Sana naman maintindihan ako ng mga tao.
Waaah... gusto ko na talagang mag-college para makatakas na dito...
Malapit na rin ang Christmas Party namin. Malapit na rin nga pala ang Food Expo. Kailan kaya ako bibili ng mga reaglo... Kasi naman wala pa akong pera. Kailangan ko pang mag-ipon. Sa nabunot ko palang sa exchange gift 500 pesos na kaagad yun. Tapos baka 200 sa bawat friend. Hehe. Kuripot ako eh. Oo nga pala, pati si girl shempre reregaluhan ko.. Pero ano???