May 1 | Saturday | 1630
haaay... ang bilis talaga ng panahon. - maraming beses ko nang sinasabi yan sa sarili ko. Bakit ko naman nasabi? Kasi May na ngayon. Ang bilis talaga. Baka sa susunod na pag-gising ko, June na pala, tapos pasukan na ulit, tapos graduation na, tapos baka hindi na ako dito mag aaral. Yun lang naman ang nakakalungkot eh.

Kung mangyari nga ulit sa akin yung nangyari sakin dati (nung oct-dec), sisiguraduhin kong babaguhin ko yun. Medyo masaklap kasi nung bandang december eh. Sana nga maulit muli. At pag nangyari yun, hindi ko na palalampasin ang bawat pagkakataon. Gusto ko nang sumaya. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang kaligayahang matagal ko nang hina-hanap hanap. (syet, naging makata nanaman ako)

Ewan ko ba kung bakit marami akong gustong baguhin sa mga nakaraan ko. Talagang sawi lang siguro ako sa pag-ibig. Actually, isa lang naman talaga ang gusto kong baguhin eh. (labo noh?) Mabago ko lang talaga yung panahon na yun, siguro sobrang saya na namin ngayon. haha!


Matagal ko nang gusto i-share to sa inyo eh. Naisip kong dito sa panibagong layout ko na i-upload. Nga pala, naikwento ko na kay Ia to. na shock siya. Sabi niya lahat daw ng mga panaginip kabaliktaran. Naisip kong tama siya, dahil lahat ng mga panaginip ko tungkol kay ... ay puro kabaliktaran ang nangyayari. Kaylan kaya magiging hindi maging baliktad ang mga panaginip ko? Sana eto totoo na. Sus, asa pa ako eh noh?

Nananginip, ay hindi... common lang pala yung managinip ang isang tao. Napanaginipan ko si (tawagin natin sa pangalang errr), kilala mo na kung sino sa siya. Ganito kasi yun:

Nasa isang building ako, dala-dala yung bag ko (nagtataka ako kung bakit may bag nung pagkaginsing ko) (mukhang condo eh, so condo nalang ang gagamitin ko), nasa ground floor. May pupuntahan ako dapat na floor (hindi ko alam yung gaggawin sa floor na yun, at hindi ko rin alam kung anong floor). So syempre sumakay ako sa elevetor noh? Tapos yun nga, nagulat ako kasi bigla napunta sa 96th floor (nagtataka lang ako, 96 pa?). Pinilit pindutin yung button sa elevator na papunta nga sa floor na dapat kong puntahan. Eh parang biglang nasira, ayaw sumara, so lumabas nalang ako ng elevator...

Nagulat ako paglabas ng elevator!! Biruin mo, sa lahat pa ng tao kong pwedeng makita, si errr pa talaga? Tapos ang taba taba na niya! Mga tipong 130 punds na siya! Whoa. nakaupo sa may hagdanan (may kasama isa pang babae, di ko kilala). Ako naman, ayun, inisnob ko (kasi nga galit siya sakin) umkyat ako sa isa pang hagdanan paakyat ulit (ewan ko kung bakit ako umakyat nun eh wala naman alaga ako dapat gagawin dun). Pero hindi ko na itinuloy ang pag akyat ko, kasi napatingin na lang ako sakanya (actually, parang nag-stalk ako sa kanya eh) tapos narinig ko nagkwkwento siya tungkol sa nangyari samin. Sabi niya nagtatampo raw siya sa akin, sabi niya ang labo ko raw, inaway ko raw siya. Ako naman, parang nakinig pero dahil sa nainip ako, naisipan ko nang bumaba at subukan muli yung elevator. (by the way, eto pa, bakit isa lang yung elevator sa condong yun?? labo). So nadaanan ko ulet yung magkatabi sa may hagdanan (kami 3 lang yung tao sa floor na yun), syempre snob ulit ako. Nakita kong gumagana na yung elevator.

Papunta ako dun nang bigla ako tinawag ng kasama ni errr tas sabi niya "erick! si errr oh, pansinin mo naman!", ako naman, hindi na ako lumingon, yung ulo ko nalang ang gumalaw, saying "no" kasi nga alam kong galit siya sakin at ako naman nagtatampo. hehe. Mga 2 feet away na lang ako from the elevato at pasakay na ako nang laking gulat kong tinawag ako ni errr! Syet!!! kinabahan na natuwa ako nun, pero hindi ko pa hinaharap. Tapos biglang humina yung boses niya at sinabing "sorry na..." Ako naman, lumingon na ako, nilapitan ko. Pagkatpos, tinignan ko muna nang matagal, hindi ako nagsalita, hanggang sa hindi ko natiis, niyakap ko na lang. Siya rin, niyakap ako, yung tipong yakap na sobrang namiss mo yung isang tao. grabe, tsaka hindi rin ako makapaniwala kasi ang chubby chubby na niya (o diba? sarap yakapin...) pero wala akong pakialam kahit ganun siya kataba, basta ang gusto ko lang hindi na kami muli magka-tampuhan. After nun, nagpaliwanagan kami ng mga side namin. Nagkaintindihan naman kami, tapos humingi ng sorry sa isa't-isa.

Bigla na akong nagising. Sa sobrang pagkainis ko dahil nagising ako ay nagwala ako, nagdabog ako sa kama. Nang ako'y nahimas-masan(napatigil) na, napagtanto (na realize) ko tuloy na kahit si errr pa ang pinakamatabang babae sa buong mundo, mahal ko parin siya, mamimiss ko parin siya, at patuloy na hihingi ng patawad kahit na ilang beses pa siyang magalit sa akin. Corny ba? Sorry inlove ako eh. Pasensya na. Going back, nalungkot ako nun siyempre... naisip kong sana tootoo nalang ang lahat ng napanaginipan ko. Okay lang kahit matabang mataba na siya, atlis napatawad na niya ako. namiss ko rin siya. Isang buwan na kaming cold sa isa't-isa... ayaw parin niya tanggapin yung mga friend requests ko. talagang wala na yatang pag-asa.

Dahil sa panaginip na yun, parang na konsensya ako sa mga balak ko. Siguro hahayaan ko na lang kung ano ang dapat na mangyari, wala nalang siguro ako gagawin, na akong babalakin, kasi nga baka ma-karma pa ako (according to ia). Pero hindi naman talaga bad yung gagawin ko eh. sige dibale na lang. Pwede pa naman MAGBAGO ang lahat diba? You'll never know....

May 2 | Sunday | 1730
May summer class na ako bukas, review classes sa may DLSU taft. Nakakatamad kasi ang layo dito, bababiyahe pa ako. Tapos sa hapon naman pupunta ako sa Santa Ana para mag-gym. Nga pala, bukas ako mag enrol, bukas din ako magsisimula. Grabe, hindi na ako pwede matulog ng madaling araw! waaahh. Mamimiss ko yun.� Teka lang, ayoko naman talaga mag-review eh. Napilitan lang ako. Kasi kung hindi raw ako mag-ganun, walang gym. Kailangan ko pa ba talagang mag review? sss. Okay lang kasi hindi naman ako yung gagastos, ayus nga yun may allowance pa ako eh. Ayoko lang naman talaga kasi tinatamad akong bumiyahe. Pero okay lang ulit dahil 40 hours lang naman. Malay mo may makilala pa ako dun? wahehehe, wag na noh. loyal pa rin, diba mark?:) lolz.. Anu ba itong pinag sasabi ko?! Nababaliw nanaman ako.

Nga pala, updated na yung "OTHERS" section dito. Ewan ko lang kung matripan iyo yung number two.. Yun lang muna. Tsk. kailangan ko na matulog ng maaga, kasi nga bawal magpuyat pag nag gygym. Kung hindi ako makapag blog bukas (monday), ibig sabihin napagod ako sa gym or may homework sa review. Okie? Salamat sa pagsubaybay. Nyahahahahaha.

P.S.:
  Hoy errr... miss na kita. patawarin mo na ako. alam mo na bang may blogsite na ako? sana wala ka pang lalake sa buhay mo. :) ingat ka parati.�


May 4 | Tuesday | 1900
Okay. So hindi ako nakapag-blog kahapon (so what, so whaaatt??). Napagod ako sa gym eh!! T*ngna yan... bakit kasi ngayong May lang ako nag review classes, or bakit kasi ngayon lang ako nagsimula sa gym.. dapat pala nung april pa. Pero okay lang nakapag adjust naman kaagad ako sa hectic schedule ngayon eh. Makapag-kwento nga ng konti.

Kahapon ng umaga lang ako nakapag enroll sa review classes at kahapon din ako nagsimula dun. Pwede pala yun noh? Yung review classes ekek na yun ay matatagpuan sa St.Benilde. Kasama ko si Chiqui and Charisse. Actually yung mommy ni Charisse ang nagyaya sakin nung Friday na sumama ako. Naisipan kong sumama para naman may magawa ako at syempre, ma-refresh yung mga natutunan dati (kung meron nga...harhar). Ayun, ayoko na masyado magkwento kasi magiging mahaba nanaman ito. Basta ang masasabi ko lang tungkol sa review classes na yun ay masaya dahil sa marami kaagad akong natutunan, at masaya ulit dahil maraming ...... -nevermind. Atlis doble ang aliw diba? :)

Sa gym naman, kahapon din ako nag-enroll dun, alam niyo ba kung saan????? Sa muscle & motion!!! Alam niyo ba kung bakit ako masaya ulet? hehe. Alam niyo na yun. Isipin niyo na lang kung kaninong bahay ang malapit dun sa gym na yun, at alam niyo na kung bakti ako masaya.� Ano ba pwede ko i-share??? Ah, basta nakakapagod, at masakit sa tiyan... dahil everytime na magpunta ka dun, hindi pwedeng hindi ka mag crunch (sit-up's). Yun lang. Yung iba sikreto na. hehe.


May 9 | Sunday | 1600
whoa. sobrang busy ko na talaga ngayong May. Nakakapagod talaga! From 0800 to 1230, nasa St.Benilde ako. Tapos gym naman from 1530 to 1730 sa Sta.Ana. Tapos nun, review ko yung mga lessons sa review class. Argh.. ewan. naguguluhan ako mag-explain. Plus: nakita namin si Ms.Kalaw sa Muscle & Motion nung Thursday. Mag eenrol ata? haha. lalang. chismis. :p

Masaya talaga dun sa review class.(redundant) Nag eenjoy talaga ako kahit kaming magkakalase ay hindi nag-kikibuan. wekekek. Nag-enjoy siguro ako kasi math yung subject namin last week. This week naman puro science (siguro enjoy ulet). May natutunan rin naman ako kahit papano. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay yung score ko sa pre-test namin sa math (tuesday namin kinuha yun, tas yung results bingay nung thursday). 18 over 36! nakakainis. time pressure kasi. Pero ako na ata highest eh (wekekek.. yabang!) kasi sabi nung instructor namin puro single digits daw yung mga score nila. Tapos nag-post test naman kami nung Friday, namp naman oh... Mas madali pa yung post test eh! Next week science naman. Excited na ako sa physics.

Nakakagulat ang mga prens ko diyan sa tabitabi.. Andami na talagang nagkakaroon ng blogsite. Siguro bored lang talaga sila kaya blog nalang ang naisipang gawin. Ako hindi ako bored, wala akong magawa kaya nag blog ako. May pinagkaiba ang bored sa walang magawa, fyi. By the way, gaganda ng mga layout niyo ah? Kainggit kayo amp... Kanya-kanyang talent lang yan. hehe!

Nga pala, Happy Mother's Day sa mga nanay niyo!

Miss na miss ko na talaga tong babae na to. Amen.


May 12 | Wednesday | 2117
Fiesta nga pala ngayon sa Sta.Ana, Manila. May 12. Siyempre alam ko dahil Sta.Ana ang original hometown ko (dun ako lumaki from 0-12 yrs old). Naalala ko tuloy yung bahay namin sa 2011 Renaissance street. Ang ganda, ang laki... ngayon ko lang na-realize na ganon pala kaganda at kalaki yung bahay namin dati. Mayabang na kung mayabang, pero malaki talaga eh. Pinaka namimiss ko dun sa lugar na yun ay yung living room, yung Master's Bedroom kung saan ako parating nakatambay, at siyempre yung music room... kung saan ako nagaral ng piano nung Grade3. Lumipat kami sa isang condo sa Makati nung nag grade7 ako. Tapos nung nag first year ako, lumipat ulit kami malapit na sa business establishment ng tatay ko, kasi mas konti nalang kami. E kasi nung condo pa, kasama pa naming nakatira yung pamilya ng Ate ko.. pero nag migrate din kaagad sila sa U.S. At dahil "malaki" daw yung condo na yun para saming apat, lumipat na nga kami dito. Labo?Magulo? Maiintindihan mo rin yan.
(nagiging materialistic na naman ako) Ano kaya kung taga-Sta.Ana parin ako? Siyempre masaya diba? Kasi malapit sa school, tapos malaki, at marami pang iba. Edi sana, kung dun pa kami nakatira, pwede akong magstay ng sobrang tagal sa school nun, tapos pwede akong maglakad nalang papuntang school, tapos pag may mga practices, dun nalang sa amin, tapos itutuloy ko na yung pagaral kong mag piano. At siyempre, pwede pang iuwi si ********... kung sinuman yun. haha! joke lang. bad yun (lumalabas ang dark side). Pag nagka scanner ako, upload ko yung mga pics ko nung nasa SA pa kami. Nga pala, ang pangit lang sa bahay na yun ay maraming mumu! As in. Nakakatakot nga dun pag blackout (o sige, brownout) pag bandang 1600 na eh! Ewan ko ba, duwag ako dati sa mumu. pero ngayon, hindi na... yata.

Grraaarr.. Akala ko science na ang subject namin for this week sa review class. Biglang naging Language (combined english and filipino kasi). Nung una medyo naasar ako, kasi minsan hindi ko trip ang english at filipino... pero maya-maya ay nagustuhan ko rin. Oh well.

Kahapon (tuesday), nagenroll si Ms.Kalaw at yung guidance counsellor (nakalimutan ko yung name eh) sa gym. Wahaha. Nakasabay namin ni Ivan sila kahapon tsaka kanina. Wala lang... tsismis ulet. Sige, babye!

K.E.R.!!! Magparamdam ka naman! kahit sa friendster lang. haha. Busy ka noh? Inis na inis ka parin sakin noh? Tigilan mo na yan. Bad yan eh, alam mo ba yun? O baka patay na ako para sayo? Sige ka, ikaw rin... mamimiss mo yung away-bati at magulong buhay mo dahil sa ginugulo kita parati. Wala naman akong ginawang masama eh. Meron ba? Sige nga, sabihin mo sakin.

As if nababasa niya to ngayon noh? hehe. Ganyan na ako kabaliw... dahil sa kanya. Dibale! Mawawala rin to.


May 14 | Friday | 2014
As usual, nanggaling ako sa St.Benilde kaninang umaga and sa Sta.Ana kaninang hapon... Naging masaya naman ako kahit papano dahil sa mga bagong nangyari paligid-ligid ko sa St.Benilde. Medyo natanggal na yung "hiyaan" namin sa isa't-isa... ang ibig sabihin nun ay, nagkakila-kilala na kaming mga classmates. Tapos naghiingian ng email address para ma-add sa prenster, hingian ng cellphone number, and stuffs like that. Argh. May isa akong crush dun. black beauty ang taglay niya. Grabe, parang si beyonce. waah!! Di ko na sasabihin ang pangalan niya, basta nagsisimula din sa letter "K" ang name niya. Napapatingin ako parati sa kanya, lalo na pag may quiz / drills kami. Gusto ko siyang makilala ng personal, pero natotorpe nanaman ako! Sayang, 5 sessions na lang, at baka hindi ko na siya makita. Mabait naman siya at hindi masyadong magulo (or kalog). Ewan ko ba, pero type ko talaga eh! Balak ko ngang sabihin ko kaagad na crush ko siya... kaya lang baka sabihin naman nun ang bilis ko naman. Pero okay lang naman yun diba? Gusto ko siya. Yun lang.

Hindi namin nakasam ni Ivan si Pepay. Parang ewan talaga si Pepay!! Ragnarok nang ragnarok! Sige Pepay, magpakasawa ka dyan! Lubusin mo na habang wala pang classes! Mwahaha! Anyways, yun lang. Labo eh noh? Anyways tapos yun lang? hehe.

Wala akong naging classmate na Angelique ang pangalan. HAHA! Sino kaya talaga yung may ari nung number na yun? Siguro dapat i-meet ko na in-person para magka-alaman na. Ibang kababalaghan ang bumabagabag sa akin ngayong bakasyon ah.


May 17 | Monday | 2046
Tama nga si Carol. Bakit nga ba ang hilig ko sa mga babaeng ang name ay nagsisimula sa letter "K"??? Nawiwirduhan na naman ako sa sarili ko. Tama siya, grade 6 pa nga lang ay talagang mahilig na ako initial na K. Dalawang babae na may initial na k ang naging crush ko : si Krizia at si Kurenai. O ayan Korinne, special mention ka na rin dito! Wahaha. Ooops, may nakalimutan pa ba akong isa pang babae na may initial na k din? Haha. Sino nga ba yun? Naging crush ko rin ata yun eh. Di ko na matandaan ah. Oh well...

Tungkol sa dating panawagan ko tungkol sa pinost kong cellphone number, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala. Ganito kasi yun eh: Paano naman malalaman CLASSMATE KO PA NUNG CASA na si Angelique (yung nagsign sa gbook) ang website ko?? Isa pa, paano naman niya ako matatandaan eh CASA pa nga kami nun diba? Eto pa: wala akong natatandaan na may classmate akong Angelique nung 1992 or 1993. At panghuli, kutob ko ay iisang tao lang yung Angelique at yung Nicole. Bakit? Kasi pareho sila ng mga abbreviations na mga ginagamit. Si Nicole sa text, yung Angelique, dito sa gbook. At bakit hindi nagtetext si Angelique para patunayan niyang yung Nicole nga yung nag te-text sa akin? Dibale, tinigilan naman na ako eh. Kaya wala na akong pakialam. Mag sosorry na lang ako kung makilala ko nga talaga yung Nicole na yun, pero siyempre kaylangan ko makita ID niya. hehe.

Science na ang subject namin sa review class. Nakakainis! Ang baba na naman. Pero ako na ata yung panglawang highest. ^_^ Kasi marami nanaman bagsak. Ayoko nang mag kuwento pa... Magagalit sa akin si Chiqui nito!

May mga na-curious din pala sa pinost kong bulletin sa friendster noh? (using 4a's account) Hindi ko na sasabihin kung sinu-sino basta nagtext or nag-ym sila sa akin. Waaahh!! Wag sanang ilipat si 5966! Tiyak, malaking isyu nanaman sa class namin yun! Lalo na pag napa-sama pa si 5237 kay 5966. Ayoko naahh!! Nakakatakot! May bagong isyu. Pero may bright side rin naman: atlis ma-e-experience kong maging classmate ko isa sa kanila or pwedeng pareho sila. Di hamak na mas gusto kong classmate si 5237 kaysa kay 5966. Don't ask why. Basta gusto ko lang. Kung nakuha mo ang ibig sabihin ng mga codenames na iyan, ibig sabihin ay magaling ka mag analyze... o talagang alam mo lang ang sikreto ko. :) Babye.


May 21 | Friday | 2126
2 days lang, andami dami ko nang maikukwento, at may mga unforgettable moments / experience na hindi ko makakalimutan (pilosopo eh). Masaya (na ulit) ako kahit papano. Malalaman niyo kung bakit. Simulan ko sa...

THURSDAY
 pumasok kami ng maaga, kasi exams eh. Hindi ako masyadong kinabahan or na excite, dahil alam kong talo na ako... Andaming students na nag-exam!! Mga 150++ siguro kami. Nalaman kong talo na ako kasi yung mga standings / ranks / whatever namin sa class (pati na rin yung sa ibang section) ay nakapost sa bulletin board. Napansin kong kong overall top 2 lang ako class namin. Tapos ang lulufet naman nung score ng mga tao sa ibang section, talo yung top sa class namin... so na-predict kong wala na akong pag-asa sa goal ko. Mga galing kasi sa mga science high school ek-ek eh! Pero okay lang, masaya talaga ako kahit papano. Mamaya mo pa malalaman. �
Nung nagsimula na ang test, nag peek ako sa math. Grabe!! pamatay ampota. Sobrang hirap. Maniwala ka sakin. Sobrang hirap talaga. Nauna ang english tapos science (ang pinakamadali at ang test na may pinakamataas ko sa apat), tapos math, tapos reading. Nung natapos na yung exam, edi tapos na! Uwian na.

FRIDAY
 dumating kami sa school ng exaktong 0800. Masyadong magulo ang mga taong magugulo at maiingay sa hallway! Mga hindi namin kakilala dahil sila ay galing sa ibang section. Ang wiwirdo ng mga itsura nila. Ampapanget, di tulad sa section namin, andami magaganda. (ang sama eh noh) Anyways, nakita ako ng isa namin classmate at tinawag niya ako, sabi niyang nandun daw ang buong Charlie section sa room na yun. Edi syempre dun din kami! Walang instructor na dumating for 1 hr., kaya nagsuggest yung isa kong classmate na magpakilala raw kaming lahat, parang Dale Carnegie... Ay hindi, bago yun nagkuhanan muna kami ng mga number ng isa't-isa. Edi dun na nagsimula yung saya ko kasi medyo hindi nako nahihiya sa kanila or something else that i cannot explain anymore. hehe. basta intindihin mo na lang, makaka-relate naman siguro ikaw. Yung nanalo ng PhP5,000 ay galing sa ibang section. T*ngina, ang galing, 220+ daw over 270. right minus wrong pa yun ha. Dibale kung hindi ako naging top, andami ko naman naging "friends", or at least acquaintances. Puro babae pa. Astig!� Yun lang talaga ang dahilan kung bakit ako masaya, babaw? Oh well, basta masaya.tapos.

Hindi pa doon natatapos, dahil gumimik kaming mga classmates (grabe, 1 lang ako guy tapos kasama ko 5 girls) tapos may mga iba rin naman pero hiwalay kasi kami eh, napag-usapan dun magkita sa Robinson's Place. Buti na lang at nakapunta si Isaiah, dahil kung hindi, wala lang. Ma-o-op ako sa kanila. Err, pasensya kung medyo magulo yung kwento ko. Basta ang pinanood namin ay TROY. Sana classmates ko rin sila. Masaya talaga.

Medyo nakakalungkot isipin dahil kung kelan last day tsaka lang namin ginawa yung ganun. Pero may one last chance pa naman kami, sa july..May "refesher" test daw kami. Kasama na sa tuition yun... kaya sulit na sulit. Atlis makikita ko pa kahit papano yung crush kong si "K" at si "P". Hehe. Dapat pumasok sila nun! Sigurado, hindi ko na palalampasin yung pagkakataon na yun. parang nami-miss ko tuloy silang dalawa. Ambabait kasi nila sakin eh, lalo na si P. Sana naging student siya sa OB. tsk. Si K kasi ang layo ng location niya eh. Sobrang layo. Oh well, ganyan talaga ang buhay. Atlis nameet ko naman sila. YeY!


May 23 | Sunday | 1429
Bilang na ang mga araw nating mga estudyante... at pasukan nanaman. Bukas na ako mag-e-enroll. As usual, excited nanaman ako. As usual ulet, hindi ko alam kung bakit ako na-e-excited tuwing may pasukan. As usual na naman, nawiwirduhan ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang dahilan sa aking panananabik. Masyado akong huwirdoh. Para akong ewan.

Na-realize kong ang bilis pala nung review classes namin. Akala ko dati ang tagal kasi 3 weeks, tapos ngayon hindi na kami magkikita kitang mga classmates. Nagkibuan lang kami ng todo nung last day na. Para kaming naging isang normal na class nung last day. Kasi nung mga previous sessions namin talagang hindi kami nagkikibuan at konti lang yung tawanan pero nung last day naging sobrang ingay namin at sobrang saya. Ako inaamin ko, isa ako sa mga tahimik sa class na yun, isa ako sa mga hindi nagsasalita at tumatawa na lang pag may mga nakakatawang bagay na nangyayari. Pero nung last day naging magulo ako. Kahit papano nagawa ko ring magpakaenjoy, kaya hindi ko rin naman pinagsisisihan. Nakilala ko rin ang mga gusto kong makilala sa kanila... mahiyain kasi ako eh. At alam niyo yun. Sinusubukan ko na ngang baguhin yun eh.

Ngayong wala na review, isa dalawa na lang ang pinagkaka-abalahan ko: ang gym at ang walang kamatayang pag-practice sa gitara. Natapos ko na ang Asturias. 3 months kong pinagaralan yun. Siyet. Akala ko talaga hindi ko matatapos yun. Ngayon ay nasa kalahati na ako ng Canon(by Pachelbel) na ako. Marami rin pala akong na-memorize na piece ngayong bakasyon. Ang saya kaya. Maraming ipagyayabang. Wahaha. Sigurado akong hindi mo alam ang Asturias at Canon. Basta astigin talaga.

Bukod sa mga iyan, balak ko nga rin pala magsawa ka kakapanood ng sine. Andami kong gusto panoorin. Sana kahit R-18 ay papasukin ako. Haha.

Dahil wala na akong masabi, pirma naman kayo sa gbook. At alis na rin ako. Sayonara.


May 24 | Monday | 1925
Just finished adding some features. Naglagay ako ng counter & smilies list sa gbook (also provided by getstring). I got the idea from Kate's site. Salamat Miss Bahista!�

Brix enrolled na rin sa Muscle & Motion. Wala lang. Mas masaya na kasi 3 na ulet kami. Tumigil kasi si Pepay eh, nilulubos ang Ragna. hehe.

Nga pala, nagtataka ka kung bakit may isa pang counter sa taas? Ah, counter yan ng crunches (a.k.a sit-up's...) na kailangan kong gawin within 50 days or less. Ganyan kalaki ang target ko dahil atat na akong magka-washboard abs. Hehe. Bakat na kasi yung upper abs ko eh. Medyo nagulat ako kasi ang bilis... tapos naisip ko nga pala na wala ako fat/s sa katawan kaya ganun kabilis ma-develop. Naunahan ko pa si Ivan. Harhar. Basta matuuwa ka rin pag nagkaroon ka ng abs. Para bang hindi kapani-paniwala na nagkaroon ako ng abs? Bahala ka, see for yourself na lang. :p wahaha.


May 26 | Wednesday | 2047

Pupunta ako bukas sa main office ng PhilAcademic! Kukunin yung mga results ng mga kung anu-anong test ek-ek. I'm excited to see them again! Sana nandito pa sa Metro Manila si K para makasama siya bukas. Oh well. Tignan niyo ulit yung pictures. Nyahahaha


May 31 | Monday | 2100
This is my last blog entry for the month of May. Hmmm. Parang kelan lang nung first blog entry ko, kasabay din ng new layout. Oh well. Pansin kong sobrang dami ng nangyari sakin ngayong May. Alam kniyo na kung anu-ano yun. Kung hindi pa, tingin ka nalang dito.

Enrolled na ako sa OB! hehe. Nakita ko si Stephannie and Lyka... bibili ata ng gamit sila pareho. Ako bukas pa, kasi maghahanap ako ng mga books sa Bookstore (duh??) pero hindi sa OB... laki kasi ng tubo eh. Sayang din yun ah, pwede na ako bumili pa na isang libro na katumbas ng buong profit nila (ng OB). gets?

Nung nasa gym, nakita ko yung daddy ni KR, tsaka si Kiara sa labas. Pauwi na ata. Yun lang. Ahehehe.

Nag text na sakin si Karina! (a.k.a. Kaye) yay! masaya toh! wakekeke.

PLUG: Special thanks to my kapatid, Carol. Sa kanya ko po nakuha yung idea nung title ng last blog entry ko. Mas masaya nga kung fling-fling nalang kesa totoong relasyon eh. Ayoko na, natatakot na ako. Masyado na akong nasaktan............


Hosted by www.Geocities.ws

1