12 days na lang at resume of classes na. Gustong ayaw ko na pumasok. Bakit? Gusto ko kasi syempre gusto kong makasama ulit yung mga prens ko, para mag-aral, at siyempre may gusto akong makita, makasama. Kilala niyo na kung sino / sino-sino yun diba? Harhar. Ayaw ko dahil balik nanaman sa mga walang katapuasang assignments, quizzes, long tests, oral recitations, at kung anu-ano pa. Ayaw ko rin dahil may mga ayaw akong makita, ayaw kong makasama, AT, ayaw kong maging classmate!! Wala akong pakialam kung ayaw niyo rin ako maging classmate. gusto ko lang ihayag ang aking sarili. Nyahahaha.
Di na ko masayado makakapag blog nito. Tsk. Medyo nakakatamad na rin tong layout ko eh. Plano ko dapat palitan nung june 1 kaya lang naudlot dahil busy ako. Siguro pag-tiyagaan ko nalang muna ito. Bigla ko nga naisip na ano kaya kung isara ko muna to pag may pasukan na? Baka sunday nalang ako makapagblog nun. Ewan. Bahala na. Basta tuloy tuloy lang hanggan walang pasok!!!
Btw, pakinggan mo yung mga nasa My Music!! Sige na! Asturias, Romance, at Tango lang kaya ko diyan. Hehe. *yabang*
Bakit june pa lang umuulan na? Oh well. Dapat summer na lang umuulan. Para pag pasukan, wala nang ulan. Ayoko ng may ulan / bagyo pag may pasukan eh. Hindi naman dahil sa gusto kong masy pasok. Basta, ayoko lang talaga ng may bagyo pag pasukan. Oh, wag ka nang kumontra. :)
I got busy last week. Busy sa kakatulog. Wakekeke! 4 consecutive days akong pabalik-balik sa OB. Basta nilakad ko yung UPCAT apllication form, nag enroll, at bili materials.
Excited na ako. Sana june 14 na ngayon. hehe. (marami rin pala ang excited, hindi lang ako.) Paano na ako sa pasukan? Hindi makita yung uniform ko... Ang sabi kasi matagal pa darating yung orig na uniform namin. Nakakainis. Sana ay nung third year pa lang ay sinukatan na kami dahil saigurado namang wala nang pwedeng lumipat na student dahil graduating na noh.
Bahala na. Sign ka sa gbook ha. :D
Baka may mga mali ako dito sa layout ko, so paki text na lang ako or ym ha? Btw, i know that tables are not aligned. (by 2-3 pts / pxs) Hirap kaya! Tinamad akong mag photoshop eh. Ganun din naman eh, kaya table nalang ginamit ko.
One week na lang pasukan na! Wala lang. May malilipat nga kaya?
Read the "love story" below. I got it from Pam's bulletin board.
This ROMANTIC GUY folded 1,000 pieces of paper cranes as a gift to his girl. Although at that time he was just a small fry in his company and his future doesn't seemed too bright, they were very happy together.
Until one day, his girl told him she was going to Paris and will never come back. She also told him that she couldn't visualize any future for the both of them, so they went their own ways there and then...
Heartbroken, the guy agreed. But when he regains his confidence, he worked hard day and night, slogging his body and mind... just to make something out of him....
Finally with all these hard work and the help of friends, this guy had set up his own company! You never fail until you stop trying.
One rainy day, while this guy was driving, he saw an elderly couple sharing an umbrella the rain walking to some destination. Even with the umbrella, they were still drenched. It didn't take him long to realize those were his girl's parents. With a heart in getting back at them, he drove slowly beside the couple, wanting them to spot him in his luxury sedan...
He wanted them to know that he wasn't the same anymore: he had his own company, car, condo, etc. He made it!
Before the guy can realize, the couple was walking towards a cemetery, and he got out of his car and followed.
And he saw his girl, a photograph of her smiling sweetly as ever at him from her tombstone and he saw his paper cranes beside her...
Her parents saw him. He asks them why had this happened. They explained: she did not leave for France at all... She was ill with cancer...
She had believed that he will make it someday, but she did not want to be his obstacle! Therefore she had chosen to leave him.
Just because someone doesn't love you the way you want them to, doesn't mean they don't love you with all they have.
She had wanted her parents to put his paper cranes beside her, because, if the day comes when fate brings him to her again, he can take some of those back with him.
Once you have loved, you will always love. For what's in your mind may escape but what's in your heart will remain forever...
The guy just wept...
The worst way to miss someone is to be sitting right beside them knowing you can't have them.....hope you would understand...
Find time to realize that there is one person who means so much to you, for you might wake up one morning losing that person whom you thought meant nothing to you...
PASUKAN NA BUKAS!!!!
May bago na naman akong piyesa sa guitara. Woohoo ulit! Dalawa: Pavane-Capricho at Capricho Arabe. (tingin ka sa my music tapos click mo kung gusto mong marinig) Mas madali sa Asturias yung dalawa, kaya sana isang buwan lang matapos ko yung dalawa. Asturias kasi 4 months eh! Wahehe. Lalang. Alam kong hindi ka na maka-relate sa mga sinasabi ko dahil puro classical ito. (except for Tyress) Pero alam niyo ba na ang mga nakikinig ng classical ay matatalino? Totoo yun. It's a fact. =p
*Wala akong sinabing matalino ako ha!
My gas, three days na lang. Wahahaha. Hanggang ngayon ay umaga pa rin ako natutulog. Maraming nagsasabi sakin na matulog na ako ng maaga... mali sila. Dapat sabihin nilang matulog na ako sa / ng gabi. harhar. Basta, agahan ko na gising ko bukas.
Ano kaya mangyayari sa first day namin? Ano kaya mangyayari sa buong school year? brrr. Nakakatakot na nakaka-atat. Ang pinaka-aabangan ko lang talaga yung mga malilipat sa section namin. Meron nga kaya? Wag na. Sabi nga ni ____ (classmate ko), pani-bagong "pakikisama" na naman ang gagawin namin, tulad nung napunta sina ganito, ganyan sa section namin. Pero okay lang naman diba? At least nakilala talaga namin yung tunay na "sila". :)
June 13 din ako dumating dito from US last year. Lalang. :) Naalala ko tuloy nung nasa plane na kaming lahat (passengers, of course) nang biglang nagkalagnat yung bata (with his mom) na nakaupo sa likod ng row namin. Na-delay tuloy yung flight, pero nandon lang kami sa loob ng plane. Natakot ako nun hindi dahil sa baka may SARS yung bata at baka mahawa ako, kundi dahil baka ma-delay din yung pag-uwi ko dahil sa batang yun. Wahaha. After 90 minutes lumipad din kami. Dumating kami around 6 in the morning (June 13, 2003, Friday)
Tapos ayun, nung nakauwi na ako, text ko agad si Jerald. Grar... sige na, pati ito ise-share ko na: nagtataka sa US pa dati kung bakit laging patay yung 09177412483 (kasi lagi kong tinatawagan yun, bandang May 2003 ata). Tapos yun nga, nung pagdating na pagdating ko palang, yun kaagad yung una kong tinatawagan...kahit umaga pa lang. Tapos mayang hapon "unavailable" parin. tsk tsk. Naisip ko tuloy na nagbago na nga siya talaga ng number, at tuluyan na siyang nagalit sakin. Yun, akala ko nun the end na yung story. basta story narin yun! =p Pero hindi pa pala kasi nung pasukan, nakuha ko yung bagong number niya, ninakaw ko. Kahit magalit pa siya okay lang basta makuha ko lang. Wahaha. Sama ko noh? Saka na lang yung iba kasi malayo na sa topic yun at baka pag nabasa niya ito ay siguradong mas magagalit sakin yun.
err... this is my last sunday. Bwahaha.
Tuesday: Ang first day namin. Shet, ang dami naming HS students. Kung 'di ako nagkamali, nadagdagan ng 44 students form first year, tapos may mga "comebacks" din naman from Las Pi�as, at siguro may mga umalis din sa lower batch. Basta 210++ something na kami. Di ko akalaing nagkasya kami lahat sa may tapat ng flag pole nung assembly. Grabe. 3 years ago, 2 sections lang ang nag-oocupy nun eh (kami yun). Ang bilis ng panahon. Isa pa: buti na lang at sa taas ang classroom namin, katabi ng 4-B. Wakekeke. Wawa talaga yung iba dahil sa baba sila. Tapos mas lalo pa kawawa yung lower batches dahil luma yung mga lockers nila tapos samin mga seniors brand new. Hehe.
Sabi ko na nga ba, nalipat si Christina sa section namin. Expected ko na yun... isa naman siya sa mga top students sa OB eh. Mukha naman madali siya nakapag-adjust. Nakita ko yung si 5237. Iba na yung hairstyle! Hindi ko na sasabihin kung ano klase, dahil baka malaman mo pa.. pero siguradong malalaman ng iba kung sino siya. Haha, weird. Hindi ko naman siya tinignan masyado eh. Bahala siya. Iniisnab niya ako noon? Edi isnab ko rin siya ngayon. Feeling ko naman... haha. 'Di ko na love yun.
As usual, puro Dale Carnegie ang ginawa namin dahil nga first day at pulos bago ang mga HS teachers.
Wednesday: Nagkasalubong din kami ni ... bago mag 8:30. Wala lang. Isnab to death talaga kami sa isa't-isa. Feeling ko galit parin sakin yun eh. Di ko naman masabing galit ako sa kanya... siguro tampo lang. Oh well. Puro Dale sessions ulit ang nangyari sa class.
Thursday: Nagdala ng classical guitar si Isaiah at Mark, kaya tugtugan kami. Wahaha, ang saya pala ng feeling na ikaw na yung papanoorin ng mga taong mas magaling sayo dati mag guitara. Tinugtog ko lang yung yung prelude ng F�r Elise naka-agaw na kaagad ng pansin sa kanila eh. Napatanong tuloy si Ace kung nag summer lessons daw ako, tapos hindi naniwala nung self-study lang. Basta, ang saya talaga mag yabang pag kaya mo. O ayan ha, atlis may rason para magyabang.
Bakit ganon?? Nagseselos ako. Tangina. Makita ko lang sila naguusap, nagseselos na ako. Hindi pwede to!! Ang masama pa ay lagi akong napapatingin sa kanya! Bakit ganon? Ang alam ko hindi na ako pwede ma-inlove sa kanya eh. Grabe. Pero tinamaan talaga ako sa kanya, first day pa lang. Konting tao lang nakakaalam nito.
Friday: Ang dami na naming assignments kahit first day pa lang, pero its okie, sanay na aku.
Hala, tuloy tuloy na talaga ang pagseselos ko. Naiinlove na ata ulit ako sa kanya. Akala ko hindi na mangyayari, pero akala ko lang pala. Matagal-tagal rin siyang "nawala" sa isipan ko ah. Pakikiramdaman ko muna. Kailangan sigurado.
Anyway, excited na ako sa Acquaintance Party. Shet. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon ko sa kanya. Natatakot ako, as usual. Bahala na.
Okay. Aminin ko na. Gusto ko lang lumipat dahil naisip kong yun na siguro yung chance kong maging classmate si Kylie. Yun ang una ko talagang naisip nung nag-announce si Mrs. I. about the poulation thingy. Tsaka siyempre, parang preparation for College na yun kasi diba pag College iba-iba ang class mo, edi iba-iba rin ang classmates mo. Doi, doi, doi??? Pero hindi eh, nagbago na isip ko... Ayoko na lumipat dun. Kung kelan last year tsaka pa ako lilipat? Wag na noh! Kuntento at masaya naman ako sa mga kaibigan ko sa A. Kung lilipat kasi, mangangapa pa ako... and everything. Ewan!!