December 21 | Tuesday | 1700
Happy Birthday Kylie!� I Love You!

i miss you so much...


December 19 | Sunday | 0700
Kahit na hindi naman niya nababasa ito, Happy Birthday Katrina!

Hey, almost half na ako sa simbang gabi na yan! 5 days to go na lang oh. Grabe, kaya ko pa. 6 hours a day na lang ang tulog ko. Oh shet. Pansin ko lang ah, ang lakas ng will ko ngayon. I mean, pag gusto ko yung isang bagay na yun, talagang ginagawa ko lahat ng paraan para magawa / gawin ko yun. Sana lang magawa ko parin tong mga ginagawa ko next year. Sana na sa akin parin yung strong will na yun.


December 17 | Friday | 0645
2 days down, 7 more to go. Gusto ko talagang macomplete itong 9 day Christmas novena na ito. Dalawa ang aking dahilan: tinatry kong magpaka-bait at may wish ko na sana eh matupad. Diba ganun yun na pag na complete mo yung 9 days eh matutupad yung wish mo? Siyempre kailangan taimtim [or sincere?] ka. Dalwa lang naman yung wish ko at hindi naman mahirap tuparin yun ah! Hehe! >-)

December 16 | Thursday | 0700
Inaantok pa ako... nag simbang-gabi ako. Nagtataka lang talaga ako kung bakit simbang-gabi ang tawag samantalang madaling-araw ang mass.. Hehe. Oh well.

Kahapon ang Christmas Party namin. Masaya naman siya. :) Puro bigayan ng mga gifts. At last makakapagpahinga rin ako kahit 2 weeks lang ang Christmas break. Pagkatapos ng New Year, pasukan na ulit, tapos Exams na... tapos Prom tapos TPR [Testimonial Parade and Review] sa CAT, tapos Graduation na. Shux. Ang hirap tanggapin na magkakahiwalay na kami. Pwede pa kaya kahit 3 months nalang ang natitira samin? Gusto kong subukan kahit na alam kong huli na.


December 11 | Saturday | 1530
Whoa. I burned a lot of cash today. buti na lang umalis ako ng maaga para mamili ng mga gifts. Yes, gifts nga. Isa lang ang hindi ko nabili, yun yung regalo ko para sa nabunot ko sa Exchange Gift ng 4A. Eh out of stock daw eh. Bigay ko na lang yung pera sa kanya tapos siya na lang ang bumili. Hehe! Tsaka alam niya kung san bibili nun dahil meron din ako nun eh. Okay... enough na. Basta marami akong reregaluhan sa xmas party. Siguradong matutuwa ang mga bakal boys ng 4A sakin. Hehe!!!

PLUG: Kate has a new addie.


December 2 | Thursday | 0800
Wohoo! No classes for today! Guitara to the max na ako! Hehe

December 1 | Wednesday | 2000
December na... Malapit na ang pasko... malapit na ang bagong taon. Marami nang nagiging malapit sa buhay naming mga fourth year istudents. Gosh. Malapit na ang Christmas Party. May aaminin ako sa 4A. Sana maniwala sila. Sana hindi nalang nila ako kontrahin. Sana tulungan nila ako sa problema ko. Lalo na yung mga kaibigan ko, yung mga tunay na kaibigan diyan. Hindi ko yata kayang sabihin sa kanya. Hindi ko yata kayang gawin yung binabalak ko. Pero kailangan gawin, kailagan tiisin kahit na mahirap at labag sa kalooban.

Wahaha. Ang drama namputs...


Hosted by www.Geocities.ws

1