August 5 | Thursday | 2130
I won't be going to school tomorrow --- I need a lot of sleep and study for the UPCAT bebe! By the way, my schedule is on Saturday, 6:30 AM at the Palma Hall. I really wish Ia and I would be on the same "Pavilion". Pareho kasi kami ng schedule and venue. I just learned a while ago that inside Palma Hall, there will be 2 pavilions? (thats what they said). Oh well. *to my batchmates: matulog kayo ng matagal a day before the exam (not only for UPCAT but for all C.E.T.'s). at siyempre, wag kalimutan kumain at magbaon ng maraming tsokolate. ito'y matamis at masama sa ngipin at nakakadagdag sa tigyawat niyo... pero ito'y nakakatulong sa utak. KUMAIN DIN TAYO NG MA-NE!! (peanut/s) hehe.

Enough of the UPCAT thingy. I went through my blog archives before I blogged for this day... may mga naging kabaduyan nanaman pala ako nung summer. Haha. Nakakatawa! May isang blog rin pala ako dati na parang na-link sa mga present na pangyayari ngayon. Basta. Here are some part of the entries (in Chronological order) that made me smile... and/or laugh:

April 24 (my very fist entry):
"Naiinis ako!! hindi ko matapos tapos yung Canon at F�r Elise sa gitara, eh ang dali lang naman nung dalwang yun... paano pa kaya ako makakapag praktis ng Asturias kung hindi ko matatapos yung dalawang yun? Basta classical guitar peices silang lahat." - Nyahaha. nung June lang bigla ko nalang natapos yung Canon at Asturias. Yung Fur Elise naman nung July. Btw, tinugtog ko nga pala yung Canon during Filipino Dale. Siyempre achivement yun diba??

April 28 (right after our reunion):
"Eto lang ang ikinagulat ko sa lahat: Halos lahat kasi sila dati, mas matangkad sa akin! Oo, pati ang mga babae. Si Tam-Li nga parati akong inaasar na ang liit ko raw, na naiwanan niya raw ako! Biruin mo, pangatlo lang ako sa linya dati! pero ngayon, hah! Mayabang na kung mayabang, pero mas matangkad na ako sa mga umaapi sa kin!" - Wala lang. Napansin kong tumatangkad ulit ako, kasi magkasing taas na kami ni Tyress, at pantay na yung balikat namin ni Lahamedjian. Epekto na sobrang gatas na pinapa-inom sa akin ng tatay ko. Nagagalit sa akin pag hindi ako umiinom!

May 1 (about the dream i had):
"Papunta ako dun nang bigla ako tinawag ng kasama ni errr tas sabi niya "erick! si errr oh, pansinin mo naman!" Ako naman, hindi na ako lumingo, yung ulo ko nalang ang gumalaw saying 'no' kasi nga alam kong galit siya sakin at ako naman nagtatampo sa kanya. mga 2 feet away nalang ako from the elevator at pasakay na ako nang bigla akong tinawag ni errr! Syet!!! kinabahan na natuwa ako nun, pero hindi ko pa hinaharap. Tapos biglang humina yung boses niya at sinabing "sorry na..." Ako naman, lumingon na ako, nilapitan ko. Pagkatpos, tinignan ko muna nang matagal, hindi ako nagsasalita, hanggang sa hindi ko natiis," - O ano, bitin ba? hanapin mo nalang sa May archive kung gusto mong malaman ang kinahinatnan nang panaginip kong iyon. Sana talaga totoo yung panaginip ko. Pero part nun nagkatotoo naman, kasi bati na ulit kami. Pinatawad na niya ako. :) And according to her, friends na daw ulit kami! di na raw ako stranger to her? hihi. Basta ang saya.

May 4 (Weight training, bebe!):
"Sa gym naman, kahapon din ako nag-enrol dun, alam niyo ba kung saan? Sa muscle & motion! Alam niyo ba kung bakit masaya? hehe. Alam niyo na yun. Isipin niyo nalang kung kaninong bahay ang malapit dun sa gym na yun, at alam niyo na kung bakit ako masaya.�" - Wala lang, kasi 1 month lang ako nakapag-gym nun ,tapos nag enrol ulit ako nung July 23. Basta before I turn 17 dapat machoman na ako. Wahaha. Asa pa.

May 17:
"Tama nga si Carol. Bakit nga ba ang hilig ko sa mga babaeng ang name ay nagsisimula sa leeter "K"? Nawiwirduhan na naman ako sa sarili ko. Tama siya, grade 6 pa lang ay talagang mahilig na ako sa initial na K." - Siguro nga tama siya hanggang ngayon, pero ang alam ko, nagiisa lang ang K sa buhay ko, wag kang maniwala kung ayaw mo. :p

May 24 (washboard abs daw oh!):
"nga pala, nagtataka ka kung bakit may isa pang counter sa taas? Ah, counter yan ng crunches na kailangan kong gawin within 50 days or less. Ganyan kalaki ang target ko dail atat na akong magka-washboard abs. Hehe. Bakat na kasi yung upper abs ko eh. Medyo nagulat ako kasi ang bilis... tapos naisip kong wala akong fat/s kaya ganun kabilis ma-develop." - Leche! Hindi lang pala 50,000 crunches ang kailangan para magka-abs! SAMPUNG MILYON!! upper abs lang ang meron ako! Bwisit! Lang wenta yung target na yun!

June 16 (uyy, nagkasalubong din.):
"Nagkasalubong din kami ni errr bago mag 0830. Wala lang. Isnab to death talaga kami sa isa't-isa. Feeling ko galit parin sakin yun eh. Di ko naman masabing galit ako sa kanya... siguro tampo lang. Oh well." - Pssh. Hanggang ngayon naman isnab parin eh. parang hindi magkakilala. Nahihirapan ako. Ang tanga ko talaga kahit kailan!!

**meron pa akong sana gusto i-share eh. Nangyari lang to kanina. Pero wag na, i'll keep it to myself na lang. :) Basta, wish ko, magkatotoo yung napanaginipan ko nung summer. (walang magagalit? please?:)

babu everyone.


August 7 | Saturday | 1915
"Madali lang siya"
Haha. Oo, tama madali lang ang UPCAT. Madaling ibagsak! Nyeta yan. inantok ako nung English Proficiency Test. Andami kong hindi nasagutan. Ginanahan lang ako nung patapos na yung Science (2nd test yun). Yung Math ang grabe. Grabe sa dali. haha. Promise... mas mahirap pa yung sa review class namin. grrr. Dapat pala hindi na lang ako nagpuyat sa pag-aaral. Or at least pinagtuunan ko ng pansin ang Chemistry. Dapat natulog ako ng matagal... nanood pa kasi ako ng Smackdown. Oh well, tapos na, kahit magsisi pa ako, wala naman akong magagawa. Hindi ako papasok sa UP: pasado nga siguro ako, pero yung university Prdicted Grade naman tsaka yung cut-off. Argh. Kainis. Gusto kong pumasa dun... para wala lang. Mukhang astig. hehe. Wish ko lang pumasok ako sa ADMU or UP... para bigyan akong car. Yun ang sabi eh; tsaka naging spoiled ako dito sa tatay ko since wala si Inay. ADMU or UP kasi Quezon city, kasi malayo at hindi ako naniniwalang ihahatid ako ni Itay araw-araw. Hehe. Ewan. Enough na nga.

Oh well, back to reality. Tapos na ang paghahanda. Balik sa pag-concentrate sa school dahil malapit na ang First Quarter Exams. Pag September, ayan na naman --- ACET naman. Pinaka mahirap dun. Lalo na ang English at Math. Kailangan mapag-handaan!


August 6 | Friday | 1445
Obviously, I'm absent for today. Anubayan, nag-absent ako para mag-aral pero parang wala namang pumapasok sa utak ko. Nakakainis! Pinaghahandaan ko talaga Chemistry at Math eh. Wala na akong pag-asa sa English. Babagsak siguro (pero wag naman) ako dun. Sana unahin yung Math para hindi nakakatamad... Alam niyo yun, kasi diba pag hinuli ang Math parang piniga na yung utak mo diba? Haha. =p Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magmumukang tanga ako bukas. Saan ba kaasi yung Palma Hall? Hindi ko masyadong na-memorize yung Map eh. Basta bandang gitna siya. Pano kaya pupunta dun? Nakakotse? Maglalakad? Argh. Ewan. Bahala na.

Isa pa to: hindi tuloy ako masaydong maka-concentrate dahil may hangover pa ako kagabi. Masasabi kong masaya yung nangyari. Wehehe. :D


August 8 | Sunday | 1125
I took the Personality Disorder Test. I got it from Maui.

DisorderRating
ParanoidModerate
SchizoidLow
SchizotypalModerate
AntisocialModerate
BorderlineLow
HistrionicHigh
NarcissisticHigh
AvoidantHigh
DependentModerate
Obsessive-CompulsiveLow

-- Personality Disorder Test - Take It! --

Waah. Hindi totoo yan!! Hindi totoo yung Narcissistic at Histrionic! Moderate lang dapat yan! Lolz. Hindi ko matanggap. =p

I acn't belive hindi ako mag-gygym ngayon. Haha. Hindi ako makatakas eh - wala akong pwedeng sabihin na excuse.

EDIT [1445]: Hey, kita mo naman, may tag-board na! Haha. Lalang. Basta pag may comment kayo sa tagboard nalang! Pag may comment tungkol sa site sa guestbook ilalagay! (Parang ginaya ko na rin si Katie nito eh. Hehe. :p)


August 10 | Tuesday | 2130
Lalang... I just feel like blogging. I can't take it anymore. I mean, hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko. Kailangang sabihin ko na. Hindi na ako makapag-hintay, konti nalang ang natitirang panahon.

August 17 | Tuesday | 1900
Ngayon ko pa lang gagawin ang essay ko. Shit. Why is this essay such a big deal for me? Eh essay lang naman ito... Parang katulad lang naman ito ng mga journal entries sa english diba? Bakit ganon? Sobrang nahihirapan akong gumawa ng intro. Okay na yung body and conclusion eh. Basta! Siguro naman yung iba sa inyo pinagdaanan din yung sitwasyon ko ngayon... yung mga kukuha sa ng ADMU application diyan.

Siguradong mapupuyat na naman ako nito. Baka pinakamaaga na ang 1130 bed time ko. Haha. Magbabasa pa ako ng Filipino Ngayon. Notes pa sa Physics. Wahhh... Magbabago na talaga ako sa second quarter. Kasi naman, kung ano ano pa kasi ang inuuna ko. Yung mga first priority ko pa talaga ang hinuhuli ko. Haha. Napaka ironic.

hey, bumibilis na akong magtype ah. =p


August 21 | Saturday | 0930
finally, tapos na yung Exams... Tapos na nga, pero parang nagsisimula pa lang yung "paghihirap" ko. Haha. Walalang. Kasi checking na ng mga exam papers eh, for sure ang bababa ng mga scores ko! Nakakahiya! Nakakainis yung Math kasi ang dami kong blangko. Oh well. Bahala na. Katulad ng sinasabi niyo, goodluck na lang sakin. =p

Oh yeah, dahil sa essay na yun, 1:30 AM na ako natulog! Langya! Ang record ko dati 1230 eh! (Maaga kasi ako natutulog... kailangan yun para tumangkad. =p)

Mabibili ko na yung gusto kong bilin next week! Ang sayaaaaahhh!


August 22 | Sunday | 2100
...wala lang... I just feel blogging. Hehe. Nabili ko na rin yung gusto kong bilhin. Binigyan ako ng pera ni itay. Wehehe. Magsisimula narin ako ng target training next week. :)

Shit... pasukan na naman. Kulang na kulang ako sa tulog. May presentation pa sa Music... tutugtog pa ako... isang piece ni Schumann. Grrr. Kanina lang sinabi sakin kaya wala pa akong practice. Hindi ko memorize. Bukas na yun. Bahala na. Goodluck sakin. =p

Napagisip isip ko kung bakit ako hindi na masyadong depressed ngayon... Alam ko na ang sagot. Kasi hindi ko na masyadong pinoproblema ang mga problema ko. Lam mo yun... kasi pampagulo lang sa isipan mo yun eh. Lalo na kung hindi naman talaga "problema" yung pinoproblema mong yun diba. Ganun yung sakin eh. hindi naman talaga siya problema kaya medyo hindi ko inisip yun nitong mga nakaraang araw at yun... nakakagaan talaga siya sa mga 'pabigat" sa araw na araw na buhay. Tama nga siguro sila: wag ko nang masyadong problemahin yung (bahala kayo kung ano gusto niyo isipin) mga lintek na yun dahil pampagulo lang yun!! I don't deserve it daw. fuck it.

Siguro kaya ganung klaseng problema ang binigay sakin para matuto na ako... kasi hanggan ngayon hindi ko pa rin matutunan eh. Sana college na ako para mawala na to. =p


August 26 | Thursday | 1000
Wheeee... we have no classes today. Kahapon din dapat wala kaming pasok eh. Pinagalitan pa kami ng adviser namin. Okay, tama na yung tungkol dun... Basta walang pasok ngayon.

I wanna have a new layout na...


August 29 | Sunday | 1700
yey.. I have a new layout na... :)

Hosted by www.Geocities.ws

1