April 24 | Saturday
May blog site na rin ako! Matagal ko na talaga gusto gumawa ng isa, tinatamad lang talaga ako dati.

Marami palang kailangan para magkaroon ng blogsite. Actually, alam ko naman talaga yan eh. Syempre ang una mong gagawin ay yung mag encode ka sa notepad noh? Tapos hanap ka ng images (or gawa ka), tapos hanap ka ng server, at syempre, para maging online yung site mo, kailangan may ftp ka. Si mark ang nagsabi sakin na kilangan daw ng ftp.Ganyan sana gagawin ko kaya lang tinamad akong mag dowload ng ftp at maghanap ng server. Pero nakapag encode naman ako. Naisip kong sa geocities nalang ilagay kasi mas madali mag upload. Medyo nahirapan ako sa una kasi first time ko talagang mag-layout using notepad... puro trial and error. Pero nakuha ko rin ang tricks at nag enjoy rin naman ako.� Dibale, siguro sa mga susunod na mga layout mas mabilis na, kasi alam ko na nga yung tricks eh diba?...

Ngayong bakasyon, hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako nabo-bored kahit na alam kong boring ang mga ginagawa ko ngayon. Weird huh? Wala talaga akong ginawa ngayong bakasyon kundi:
� gumising ng 3:00pm
� maligo
� kumain
� mag praktis sa gitara
� kumain ulit
� mag online
� kakain ulit
� konting gitara
� tapos matutulog na ng 4:00am
O diba amboring? Ganyan ang gawain ko simula nung pagkatapos nung clearance sa school. Hindi na nga ako lumalabas ng bahay eh... Ayokong lumabas. Isa pa, nagpapaputi ako.

Naiinis ako!! hindi ko matapos tapos yung Canon at Fur Elis� sa gitara, eh ang dali dali naman nung dalawang yun... paano pa kaya ako makakapag praktis ng Asturias kung hindi ko matatapos yung dalawang yun? Alam mo ba yung Canon at Asturias? Basta classical guitar piece yun. Pero sisiguraduhin ko bago mag pasukan, na-master ko na yung tatlong yun, tapos parinig ko sayo, kung kakilala man kita, at kung gusto mo. �

Tungkol naman sa reunion naming magka-kaklase (malamang classmates kami noh?), excited na ako. Grabe, sa sobrang excited, natatae na ako! hindi joke lang. Ang tinutukoy kong batch ay ang grade6A batch '99-'00 of OBSA. Marami akong gustong makita, ay! puro babae lang pala! Gusto ko nang makita si Diane at si Kate. Ewan ko ba kung bakit gusto ko silang makita. Nawiwirduhan ako sa sarili ko. Andami dami kong nagugustuhan na babae parati. Kung hindi ko sila nagugustuhan, nagagandahan ako sa kanila.
**Nagtataka lang ako, bakit ako yung parating nagkakaroon ng gusto sa kanila?? Bakit hindi naman kaya sila ang magkaroon ng gusto sa akin? hehe. Pangarap ko rin yun!!

Na realize kong marami-marami rin pala ang nangyari sa akin ngayong summer. Dami! Mapa-pisikal man yan o kahit sa lovelife. Sa pisikal, tumangkad ako at medyo lumobo yung pisngi ko. Panay ba naman ang tulog eh? Meron ding "psycho" changes. Iba na naman ako magisip. Naging puro berde na ang iniisip ko simula mag summer. JOKE! Basta ang hirap i-explain kung paano na ako magisip at kung ano-ano ang mga iniisip ko.Sa lovelife, meron din! Pero hindi ko na pwede i-share, basta konti lang nakakaalam nito. Sorry na lang if you're not one of them. hehe!

Atat na kung atat, pero gusto ko na talaga pumasok ulit sa iskul. Marami akong dahilan kung bakit gusto ko nang pumasok sa iskul. Una � excited ako sa new subjects namin. Pangalawa � astig yung bago nating uniform diba?? Pangatlo � marami akong namimiss!! At Pangapat � may kinalaman ang Sweet Revenge� next school year. Bitter na kung bitter, wala akong pakialam, hehehe.


April 25 | Sunday
Hindi ko matiis na hindi magblog. Diba sabi ko nga na hindi muna ako magboblog for a few days? Well, i became adiccted to it kasi eh...although i'm not really good at it.

Our reunion is just 3 days away, i'm so excited. Sana makasama si joy at si krizia. Basta, sana lahat makasama para mas masaya! Ano kaya pwede gawin pagkatapos kumain? Gusto ko sana manood ng Troy kasama sila, kaya lang mukang malabo eh... Kasi, ang ginagawa sa reunion, chikahan, kwentuhan, at iba pa... eh paano kami makakapag-ganun sa loob ng sinehan? Dibale, bahala na... may ibang araw pa naman para makapanood nun! Basta ang importante magkita-kits ulit kami!

By the way, I have a new guestbook already, i got it from SignMyGuestbook. I also created a form below (located at the exit area). It's a shortcut to my new guestbook. Gusto ko rin sana tagboard, kaya lang wag na lang.. hehe, next time na siguro.

Narinig niyo naman na siguro yung song na "the way you look at me" noh? Alalang, nagagandahan ako sa song na yun eh... sobrang tinatamaan! hehe. Sa mga hindi pa nakakaalam kung bakit ang gusto niyong malaman kung bakit, lagay niyo na lang sa gbook or pm kayo sakin. Hay nako, memories... Namimiss ko na tuloy nung third year pa tayo. Yun na siguro yung worst year ko sa OB, pero i can say that it was the most memorable. Don't ask why.

O siya, hanggang dito na lang muna! babu! miss ko na talaga ang school life!


April 26 | Monday
I've decided to make a new layout. bilis noh? I've noticed that many people are putting up their own blogsites, so i've decided to include a link section in my new layout. I'll be out for a few days na muna.

April 28 | Wednesday
Hindi ko matiis na hindi magblog. Nagbago kasi ang isip ko. Naisip kong tuloy-tuloy lang ang blog hanggat hindi ko tapos yung new layout ko. Medyo natagalan yata ako mag design ngayon ah... Oh well.

Kanina ang reunion namin. ANG SAYA SAYA. 19 kaming nakarating [ mark, david, jerald, ako, armando, joey, jaybee, ryan, RJ, RL, kelvin, jonathan, kevin, katrina, diana, catherine, kharla, mara, carol ]. Nabwisit ako nung una, kasi ako yung unang dumating tapos ma le-late pa silang lahat. Tsk tsk... mga hindi parin kayo nagbago mga dati kong klasmeyts. Nakakabwisit kasi yung ganun eh. Tignan lang natin kung hindi kayo mabwisit kung kayo ang nasa kalagayan ko. Hah! Nagpalamig na lang ako sa loob ng GB dahil sobrang init sa labas (malamang...)

Paglabas ko galing sa loob ng greenbelt III (malamang ulet...), nakita ko sina mark, kelvin, at kharla. Tapos mga ilang minutes, nagsidatingang na sina joey, jaybee, ryan, RJ, at RL. Napag-desisyunan namin ni Armando na tumuloy na sa Chili's at doon na maghintay para sa mga iba pang darating, dahil malapit na kasi mag expire yung reservation namin eh, at dahil doon na dumeretso si Diana.

Kami ni Armando yung nauna (as usual...) dumating sa Chili's. nagulat ako, dahil nga nandoon na si Diana... at sa loob ng tatlong taon, grabe! Walang pinag bago! Kung ano itsura niya noon, ganon parin itsura niya ngayon. nawala lang yung braces at gumanda yung hair. Yihee!
di namin napansin na naiwanan namin yung iba. Bagal kasi eh... Ay hindi, mabilis nga pala ako maglakad pag nasa mall.

Dumating din yung mga mababagal. Tapos, sumunod naman sina David, Jerald, Jonathan, Katrina, Mara, at Carol (ano ba yan, bat parati kong nahuhuli si Carol? Peace tayo kapatid! �) Actually, si Kevin lang ang hindi nakasama sa Chili's dahil wala kaming ideya na pupunta siya. Napaka mysterious talaga niya.

Habang hini-hintay ang aming mga order, naisipan kong hingin ang mga cellphone numbers ng mga dati kong classmate na walang contact sa cellphone ko (kung hindi mo naintindihan ang ibig kong sabihin, tsk tsk. mababa ang IQ mo.) Siyempre, konting picture-picture sila sa cellphone ko. Dahil alam kong last ko na makikita ang iba sa kanila... kaya dapat may konting "memoir" di ba? (**Kung gusto mong malaman kung bakit, malalaman mo mamaya, kaya ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagsubaybay**) Nga pala, pag nakabili ako ng infrared or bluetooth device for PC, upload ko lahat, tapos upload ulit sa site. (kaya lang, kulang pera ko eh!)

Pagkatapos naming itapon ang aming mga kinain sa loob ng aming mga tiyan at magpaka-lunod sa walang-ilalim (bottomless) iced-tea, kami ay lumarga na papunta g4, kung saan kami ay nag pa-picture picture ulet. Wag magalala, upload ko rin yun kasabay ng mga picture-picture sa cellphone ko.

Halos isang oras prinint ang lahat ng mga picture-picture. Pano ba naman, 18 copies na tig-tatlong picture yun? Tapos may sira yung printer! Laging inaayos everytime na makapag-print ng isang picture! (hay nako, kung hindi mo ulet ito nakuha, below 120 ang IQ mo. tsk tsk.) Siyempre, hindi ko sinayang ang mahalagang kong oras. Nag picture-picture ulet ako, pero si Armando naman ang cameraman gamit ang pinaghirapan kong bilhin na cellphone ko (o kitam? pinagtrabahuhan ko yun, di katulad ng iba dyan na hiningi o galing lang sa kung kaninuman) (*paalala: napipikon ka na? umalis ka na dito)

Eto naman, magbibigay ako ng konting inpormasyon (at opinyon ko) tungkol sa mga nakita kong pagbabago sa mga kaklase ko, mapa-pisikal man yan o pyschological na pagbabago. Kay Carol naman ako magsisimula para makabawi. �
  Carol - di na suot eyeglasses, ganun parin ang accent o tono ng pagsasalita
  Diana - chinita parin (hehe). walang pinagbago. ganda pa rin. Yihee ulet!
  Catherine - wow! ang taba na.� anu pa ba? tahimik na, pero cute parin.� (o ayan, cute ka na, hindi ka maganda, ikaw may sabi. :p) dati kasi tino-tortue ako un eh! diba kate? yung AGFA fraternity niyo? wehehehe
  >Mara - yung voice lang. maganda parin. naks!�
  Kharla - iba na yung voice? tsaka parang hindi na siya magulo? kasi ang natatandaan ko dati maedyo magulo siya eh. :D
  Joey and Jaybee - pota. antaba pareho! pinagkaiba lang yung hairstyle eh! Nalilito ako kanina sa kanila! Si jaybee nga pala, sa taas parin nakatingin pag kausap mo. *peace tayo dude!*
  Kelvin - pumayat. yun lang.
  Ryan R. - makulit parin! medyo lumadlad na! hehe joke.
  Ryan B. a.k.a. PAM-PI - (pinsan niya yung susunod) hoy hoy hoy, hoy hoy hoy hoy Bigotilyong RJ! hehe. malaki parin ang katawan. bigotilyo na. Yun lang!
  RL a.k.a. TAM-LI (Ralph Louie) - Grabe? pumayat at umitim si tam-li? Pero oy!! nag-ge-gel na siya! Dati kasi bermuda grass ang buhok nito... super tigas ang hirap suklayin! hehe. andun parin yung birthmark mo sa braso mo ah? (as if matatanggal...)
  Kevin - laki piercing sa dalawang tenga. haba buhok. kalmado lang siya.
  Armando - iniismol pa rin ako. Walang bilib to sa kin. Akala niya lahat puro loko ko lang. hehe. Dibale ayus lang. Tignan lang natin pagbalik ko after 10 years...
  David - tahimik! walang imik! Di na siya magulo tulad dati...
  Jerald - tama ba namang husgahan ako agad? sasabihing walo ang naging ex ko kay Diana? hehe. Kasama niya si Armando sa pang-aapi sakin. Malakas parin tumawa! Maingay parin!

Eto lang ang ikinagulat ko sa lahat: Halos lahat kasi sila dati, mas matangkad sa akin! Si Tam-li pa nga parati ako inaasar na ang liit ko eh! Porket naunahan niya ako sa pagtangkad. PANGATLo ako sa line sa assembly nung grade 6 kami. Pero ngayon, hah! Mayabang na kung mayabang, pero ako ang pinaka matagkad! Inasar ko nga si TAM-LI eh, hindi na lang umimik.. kasi napaghalataan niyang kayang kaya ko na siyang labanan. hehe peace tayo lahat ^_^

Pagkatapos nun, tumambay na lang kami sa food court, hanggang sa unti-unti na silang nagsi-alisan. Siguro ako yung isa sa mga last na umuwi, pero may iba bumalik pa. Hinintay ko lang makauwi si David... tas umuwi na rin ako. Yun lang.

Kitam? lahat talaga ng mga tao nagbabago. Hindi mo na alam ang bago niyang paguugali, lalo na kung mahigit tatlong taon mo siyang hindi man lang nakausap o nakita, o nakasama. Parang naisip ko tuloy na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay pinahiram lamang ng diyos. Walang permanenteng bagay o buhay ang mananatili.

Tungkol naman dun sa sinabi kong baka "last time" ko na makikita ang iba sa mga kaibigan ko, paano ko ba sasabihin? Para kasing hindi na ako dito titira eh. Yun lang ang masasabi ko sa ngayon... Kung interesado kang malaman ay mag YM ka na lamang sa akin. Kung wala kang Ym ay pasensya ka.


April 30 | Friday |
Just finished editing the colors for my new layout. Okay ba? It wasn't that hard at all, except for the "image" which I've created using tables and their background colors and stuff... you know what I mean. Diba nga no photoshops were used? O ayan, yung so-called image na ginawa ko ay HTMl din. Tignan mo pa yung source eh! lolz.

Ang susunod ko naman na i-e-edit ay ang mga areas [profile, links, others]. Wala pa kasi ako masyado ilalagay dun eh...gusto ko marami kasi pag mas marami, mas masaya.�

Hanggang dito na lang muna ako... nahihilo na ako eh. Tutulog na ako. May appointment pa ako sa cardiologist ko mamayang 1100 hrs. Alam niyo kasi, every summer ang pag check-up sa puso kong butas na sinara nung ako'y bata pa lamang. Kasi nga, may leak sa isang valve. Delikado yun, kasi nga may leak... at pag may leak, ibig sabihin may butas, diba? Ini-explain ko lang kung sakaling di mo maintindihan.hehe.Blog nalang ulet ako pag dating ko.

EDIT: @1400
Ayan, kakarating ko lang from MCM (hospital), i took ECG (electrocardiogram) check-up pero dapat talaga ang gagawin sakin ay yung echocardiogram. Mahirap explain kung bakit (siguro si Mark alam kung ano yun.) Siyanga pala, wala akong sakit!! YeY!! Lahat naman daw pwede kong gawin (so that means pwede akong mag ********) hehe. Kayo na bahala mag isiip, basta ako wala akong sinabing masama! lolz...

Anyway, sobrang lapit ko na talaga matapos sa new layout ko. Siguro by tomorrow, upoaded na to. Galing noh, nag bo-blog ako kahit hindi online? Tssss.... okay lang naman yun diba?

Dahil wala akong sakit at pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko, naisip kong mag enroll sa gym, sa tabi ng Pizza Hut sa Santa Ana. Makakasama ko si Ivan at si Pepay. O diba? kaya masaya! Natatawa ka dahil ako mag ji-gym? Okay lang, i don't care... :p

Sige, ba-bye na!


Hosted by www.Geocities.ws

1