sentimeryo
Sentimeryo

If A loves B, it's not logical to say
That B loves A...

Tama ang sabi mo, lahat ng bagay ay may lohika sa mundo
Maaari ngang hindi ibalik ng isang tao ang pagmamahal mo.
Maaari ngang masugatan ang masayahing puso.

Kahit ilang beses kong ipagpilitan ang aking kaso,
Kahit ilang beses kong ulit-ulitin ang mga pangako.
Wala akong magagawa kung ikaw ay lalayo,
Lulunukin ko nalang ang mapait mong: "Oo, magkaibigan lang tayo".

Malikot, makulit, naghihimutok ang damdamin.
Mahirap, masakit, pero kailangang tanggapin.
Hanggang sa isang malupit na kahibangan lang ako mabubuhay,
At sa mundong ito na hindi ka kasama, dito na rin ako mamatay.

Pero ewan natin, ating alamin
Baka sa paglipas ng oras, matutunan mo rin akong mahalin.
At baka masira natin ang mga prinsipyo sa libro,
At tuluyang mawasak ang lohika ng mga puso.

...But if the conditional is true, this I will say,
Maybe someday, B will love A.

   ...Kwaderno of SLU,vol1
back home

Hosted by www.Geocities.ws

1