ako'y nabubuhay sa panaginip
kung saan ang bulalakaw
ay walang kupas
walang pagod na humahaplos
sa karimlan ng himpapawid
binabalutan ng liwanag
mula sa pitumpu't pitong bituin
ang entablado ng buhay
sa mundo kong lutang
ang katawang lupa'y
nilisan na ng diwa
sumabit sa biyahe ng gunita
kagaya ng parati
tumutungong langit
sa tuwing pagpikit