Kulot
Kulot

Kulot
Kadilimang bumabalot
Sa minsa'y isang tuwid na damdamin

Baluktot
Buhul-buhol at nakalukot
Sa harapan ng katotohanang kung tawagin ay salamin

Sino ba ang pipiliin,
Sino ang mamahalin?
Si Juan?
Huwag, ayaw ng pamayanan
Si Maria?
Huwag, ayaw ng aking kaluluwa.

Kulot at baluktot
Na kasarian at pag-iisip
At mga nag-gagandahang nakatikwas na daliri

Wala namang tuwid na damdamin dito
Patuloy na paghuhusga lamang
Patuloy na pagkukunwari

 ...Kwaderno of SLU,vol1
back home

Hosted by www.Geocities.ws

1