Iniwan mo sa akin ang kapiraso ng iyong sarili
Hayaan mo hihiramin ko yung sotana ni Padre Israel
Bagay rin kaya ito sa akin 'pag ako'y nahimlay?
Matapos nating pagtagpuin ang mga bakas ng ating pangarap
Oo, binubuhay ko ang itim na kandilang huling habilin mo sa akin
Tanda mo pa ba?
Hindi man sapat ang kandilang ubusin subalit bigkis na rin ito ng ating pagmamahalan
Mahirap mag-isa matapos ng taong pagsasama.
At isang kandila lang ang kapalit ng walang-halaga?
'yung puti nalang.
Upang ipagluksa ang paglisan mo at ipagdiwang ang bagong 'ako'
Hindi rosaryo ang kapalit ng bawat himutok at pagsisisi
Hindi bulaklak ang kapalit ng bawat pasakit
Sa isang puting sotana'y magkakasya na ang lahat ng pagtitiis at pagdurusa.