Sabado noon nang ikaw ay yayain ko
Ang sabi mo sakin, compatible pala tayo
Nang yayain kita na umuwi na tayo
Nang araw na sumunod ay iniwasan kita
Nakikita mo akong mga lalaki ang kasama
Subalit isang gabi, ako'y nakita mo
Ano pa ang mukha kong ihaharap sa iyo
Naka-trip yata ako ba't ang lakas ng loob ko
So ikaw dyan pinaunlakan mo naman ako
Sa madaling salita, nung gabing yun nag date tayo
Sa pagkain at film, pareho tayo ng gusto
Kaya nga nasabi mong baka nga yata ako
Ang hinahanap-hanap mong lalaki sa buhay mo
Sabi mo maaga pa, kill joy naman ako
So ikaw ang nasunod, sa park tayo'y nagtungo
To cut the story short, naging mag-syota tuloy tayo
Pa'no 'di matanggap na ika'y girlfriend ko na
Ewan ba, sa iyo nama'y walang problema
Mukhang nasa akin nga yata ang diprensya
Sabi mo sa sarili mo, pagtataksil sa aki'y wala
"Nagku-consentrate lang siguro sa pag-aaral ng bagya"
Dahil ika'y understanding, ikaw nama'y nagparaya
Sa halip na ikaw, isang lalaki ang kasama ko
Biglang-bigla ka dahil naka-make-up ako
May lipstick, may eyebrow, ang ganda-ganda ko
Alam kong alam mo na ang pagkatao ko
Ngayong classmate pa naman kita at seatmate pa tayo
Iisipin ko nalang lagi, mas maganda ako sayo