Anino
Anino sa Dilim

 May isang sulok na nagsusumikip sa diwa
ng aking pagnanasa
natirintas na isang ihip na wari'y
minsan mong iglap at sandaling pagbigkas
ng mga salitang aalon-alon sa aking gunita

Madulas ang lagkit ng iyong balat
masikip ang hagupit ng iyong hawak
parang hawla at ayaw akong pakawalan
boses mo'y gitara-oyayi na
lumalagaslas sa abang dagat

Mapagparaya
ang iyong halik
apoy na hulog sa kalangitan
animo'y bagsan ng ulang unti-unting
umiinit pagkatapos ng lamig

Lupa may luluhod sa iyong kagandahang
bigay ng kung sino man,
parang ginawan ng sariling hulmahan
pagkatapos ay binasag
nang hindi pa malikha ang iyong muling pagsilang

Di ko sukat matawag
ang iyong pangalan sa sumisibol na umaga,
hinihintay ko
ang ika-labimpitong dagsa ng mga uwak
upang tawagin ka nila

Hininga mo ma'y pumupulupot
sa haba ng tagsibol,
sagradong ritwal upang bulaklak ay umunlad
yaring ulap, tubig sa dugo
kulay ng iyong dila

Ganyan ka... MAPANLINLANG



 ...Kwaderno of SLU,vol1
back home

Hosted by www.Geocities.ws

1