|
Minsan ang isang pangako'y maihahambing Sa isang kastilyong buhangin Sakdal rupok at huwag di masaling Guguho sa ihip ng hangin Ang alon ng maling pagmamahal Ang siyang kalaban niyang mortal Kapag dalampasiga'y nahagkan Ang kastilyo ay mabubuwal Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung ang pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ang landas Minsan dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pag-ibig na pansamantala Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung ang pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas Minsan dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pansamantala, luha ang dala 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin Gumuhong kastilyong buhangin
|
|