Nagtatanong:
Payag po ba ang Dios na mayron pang ibang kinikilala liban sa
kanya? Eli Soriano: Ah - oo! Oo! Payag siya
Nagtatanong: Anong masasabi
'nyo 'don sa ano...walang Dios liban sa akin, sabi niya?
Eli Soriano: Saan? Nagtatanong:
Doon po sa...Isaias 44:8 Eli Soriano: Basahin natin
Nagtatanong: Wala nang
iba pa, sabi niya Eli Soriano: Kuwarenta'y kwatro - Otso.
Willy Santiago:
(tagabasa) "Kayo'y huwag mangatakot" Eli Soriano: Ito ba ang sinasabi mo?
Nagtatanong: Opo Eli Soriano: O sige...
Willy Santiago:
"Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo
nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa
akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba."
Eli Soriano:
Tama 'yon!...'Nung sabihin kasi iyan hindi pa kasi ipinakikilala si Cristo eh.
Eh tama 'yan! Walang conflict sa Biblia eh Nagtatanong: 'Kala ko ba
'pinakikilala na si Cristo sa lumang tipan, sabi 'nyo? Eli Soriano:
Hindi, hinuhulaan palang, hinuhulaan palang. Sabi mo lang 'yan eh. Hinuhulaan
'yon eh, propecy 'yon eh. Nang ipakilala siya 'nung dalhin siya sa lupa. (audio/video)
(480kb)
|