Eli Soriano: "Yung' ibang mga samahan, kanino nakarehistro?
Nakarehistro sa
ministro. Sa atin, tingnan 'nyo ating papeles sa Securities and Exchange
Commission, para mapatunayan 'nyo ang sinasabi ko na ang pag-aari ng iglesia,
nakarehistro sa pangalan ng two-thirds(2/3) of the active members of the church.
Ibig sabihin, dalawa sa ikatlong bahagi ng aktibong miyembro ng iglesia, sila
ang me' ari niyan. Kaya pag sila'y nagkaisa-isa, two-thirds of them,
nagkaisa-isang isanla, maisasanla nila. Pero ako, isasanla ko, hindi
ko puwedeng isanla."
Danny Navales: "Lumilitaw, ang ah...pag-aari
ngalang na nakapangalan na...nakita 'nya sa kanilang masusing paghahalungkat eh
dalawang 'ektarya lang. Kung kayo nga ay nanloloko ng tao, bakit da-dalawang 'ektarya
ang napunta sa pangalan 'nyo? Eli Soriano: Granting ano? Eh alam 'nya ba
naman 'yong...alam 'nya ba naman 'yong ating palatuntunang panloob? Na kagaya
'nung pinirmahan ko sa kapatid na Mallari, na ang lahat ng pag-aaring
nasa pangalan ko, pag-aari nang samahan kung ako'y mawawala"
(audio/video)
(480kb)
|