Michael: At kapatid na Jun Cayao bilang isang
dating district servant 'dyan sa samahang Ang Dating Daan at ngayon ay INC kana
at kasalukuyang nag-aaral na para maging ministro sa iglesia, baka meron kang
gustong ipanawagan sa mga dati mong kasamahan o kaya lalo na doon sa mga naakit
mo para sumama doon sa iyong dating ah samahang kinalalagyan o sa Ang Dating
Daan Marianito Cayao Jr.:
Sa mga dati kong kasama sa Ang Dating Daan, taos sa puso po akong 'nanawagan sa
inyong lahat...Nakita ko na po ang tunay na iglesia. Maratnan man tayong buhay,
maratnan man tayong nakahimlay, natitiyak natin bubuhayin man tayong mag-uli
makamtan natin ang ipinangako ng ating Panginoon Dios, buhay na walang hanggan.
Gusto kong ibahagi sa inyo ang aking nakitang katotohanan. Sana po...magkasama
tayo rito. Sama-sama tayong magtamo ng biyayang mula sa Panginoong Dios. Wala
kayong pag-asa sa samahang Ang Dating Daan kahit katiting. Napakalayo po ng
paraan ng paglilingkod...hindi kasang-ayon 'kalooban ng ating Panginoong Dios.
Napakalayo po mga kapatid, napakalayo. Iba sa paglilingkod na ginaganap ng INC.
At hayag man siguro sa inyong paningin kung paano binago ang tao ng siya ay
maanib sa INC. Kailangan natin ang isang sakdal na paglilingkod upang tayo ay
maging karapat-dapat magmana ng kaharian ng langit" (audio/video)
(464kb)
|