Video Clips

 

Marianito Cayao Jr. former ADD District Servant

   

Paul: At meron din akong nais na itanong kapatid na Jun Cayao, dahil sa nakilala mo ang kahalagahan ng INC, narito ang tamang duktrina ay papayag ka pa kaya na kung saka-sakali may mga dumating na mga pagsubok, mga problema, anomang mga kahadlangan na mahiwalay sa iglesia?
Marianito Cayao Jr.: Hindi na po. Bakit? Bago kasi ako naanib sa INC, hindi birong pagsusuri ang aking ginagawa. Mahabang panahon at ako po ay talagang nagbabasa hindi lang sa isang salin ng Biblia kundi maging sa halos lahat ng salin available. Natuto akong magbasa ng Greek, natututo akong magsuri ng papaanong basahin iyong salitang Hebreo para hindi maligaw. At natitiyak ko na ang INC ang siyang tunay na iglesiang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo. (audio/video)


(448kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1