Video Clips

 

Marianito Cayao Jr. former ADD District Servant

   

Marianito Cayao Jr.: (former ADD District Servant) "Napakalaki po ng pagkakaiba ng aral na tinatangkilik, sinusunod, tinutupad ng INC kung ikumpara natin o ihahambing natin sa mga aral na sinusunod ng samahang Ang Dating Daan. Ang INC ay sumampalataya na ang lahat ng aral, lahat ng salita ng Dios ay nakasulat sa Biblia. Doon nakabatay ang bawat tuntunin, bawat utos patuparin na siyang dapat sundin ng buong iglesia. Whereas kung ating ihahambing doon sa Ang Dating Daan, ang mga kaanib ng Ang Dating Daan ay inilalapit kay Ginoong Soriano. Ang mga kaanib ay naging panatiko kay Ginoong Soriano. Kung ano ang sasabihin ni Ginoong Soriano ang siyang pinaniniwalaan ng mga kaanib, kahit taliwas doon sa mga pamamahayag na nakasulat sa Banal na Kasulatan. 
Pangalawa po, ang INC ay nag tuturo at sumampalataya sa tunay na Dios. Whereas kung Ang Dating Daan, walang problema kung ilan, isa, dalawa, tatlo, isang baranggay ang Dios, walang problema sa kanila. Taliwas iyan doon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan na dapat ang tao ay sumampalataya sa iisang tunay na Dios lamang. Turo ng mga propeta, turo ng ating Panginong Jesucristo, turo ng mga apostol at maging ng turo ng mga sugo ng Dios sa mga huling araw" (audio/video)


(368kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1