Video Clips

 

Isyu - debate 3

Ramil: B'weno...isa pa, dahil sa merong sinabi si Mr. Willy kay kapatid na Paul na meron daw sinabi ang kapatid na Paul Guevarra sa kanya na ilalabas daw natin iyong taga-pamahalang pang-kalahatan para sa isang diskusyon para sa isang debate na wala naman, wala naman sinabi ang kapatid na Paul
Michael: Kaya gumagawa sila ng isang isyu na hindi naman natin sinasabi pagkatapos iyon ang palulutangin sa ere saka tayo tutuligsain
Ramil: Kaya nga hamon natin kay Mr. Willy, sige nga ilabas mo na sinabi nga na talaga ng kapatid na Paul na ilalabas namin iyong tagapamahalang pangkalahatan ng INC para sa isang debate. Kung hindi totoo 'yan eh...naipakikita lang ng mga taong ito 'yung kanilang kulay na mga mayayabang at mga palalo't mga sinungaling
Michael: Noon kapatid na Ramil ang hamon ng puno lahat daw ng mga pastor eh kahit sino pa eh diba? Papuntahin sa Luneta, eh 'nung ating haharapin aba eh sinasabi na aba hindi dapat puno sa puno
Ramil: Iyan ang palusot nila ngayon pero 'eto sinasabi ni Mr. Willy, ang sabi 'nya kahit sinong ministro. O di' tinatanggap natin iyong kanilang hamon. O kahit sinong ministro, lahat sila, o kahit isama na nila puno nila at tayo naman may mga kasama tayong mga ministro din sa INC para humarap sa kanila sa plaza, lalo na sa Luneta
Michael: Kaya pagka hindi sila sumagot mga kababayan na hindi ito humarap sa isang maginoong diskusyon sa lahat po ng plaza dito sa Pilipinas ho, iyon ang katunayan kapatid na Ramil nagyayabang lang o hindi nagyayabang iyong puno o iyong kanyang grupo
Ramil: Nagyayabang lang palalo't natutupad sa kanila iyong nasa tres uno hanggang kuwatro ng ikalawang Timoteo(II Tim. 3:1-4) (audio/video)


(680kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1