Video Clips
   
 

Willy: Alam po ninyo sa panahong ito Don Manolo ang Dios po nakikipag-usap sa ating mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga nakasulat na salita sa Biblia. Meron po tayong ibig na maalaman magtatanong po tayo sa Dios, ang Dios po'y sasagot sa pamamagitan po ng Kanyang mga salitang naka-sulat na sa Biblia. Ngayon, halimbawa ikaw eh mangangaral eh meron nagbubulong daw sayo Dios daw 'yon na ang sabi'y kumandidato ka para ikaw eh tumakbo sa isang tungkulin sa gobyerno eh tanungin natin sa Dios sa Biblia sa nakasulat, dapat ba 'yon o hindi? Basahin natin ang nakasulat, ikalawang Timoteo. 'Eto napo 'yung sagot ng Dios 'dyan Don Manolo sa ating tanong eh. Dos at ang talata po'y kuwatro.

"Sinumang kawal na nasa pagka-kawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito upang 'sya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagka-kawal".

Kung ikaw po'y kawal ng Dios, ministro ka ng Dios eh sabi ng Dios sa Kanyang salita sa Biblia hindi ka dapat mahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito. Hindi ka papasok sa pulitika Don Manolo. (audio/video)


 


Hosted by www.Geocities.ws

1