Video Clips

 

Liham sa pamamahala patungkol sa paghahamon ng debate II

Habang nagsasalita po ako ay sumingit na sumigaw ang isang kapatid na kasama ko na sinabing "kahit sa plaza ng Apalit ay hindi namin kayo uurungan". Naisigaw po ito ng kapatid dahil nagsisigawan sila na natatakot tayo na harapin sila sa TV. Kaya po ng marinig ito ng kanilang manggagawa ay agad pumayag na sinabi 'nyang "sige sa plaza ng Apalit para matuloy na". Dahil po dito ay nagsigawan sila at nagpalakpakan. Napagkasunduan po namin ng gumawa ng kasunduan na pag-uusapan ang tema ng debate sa munisipyo ng Capaz Tarlac. Ito po ang dako na gusto nila para daw po maging neutral. Magpadala daw po tayo ministro na haharap sa kanila para makipag-temahan at magpapadala rin sila ng kanilang ministro. Ayon po sa kasunduan ito ay gagawin sa Lunes. April 26, 2004 ikatlo ng hapon para maki-pagtemahan. Habang ginagawa po namin ang pag-uusap ay naka-video po kami na sila ang may dala.
Ang inyong kapatid sa panginoon, nakalagda po dito kapatid na Ramil gaya ng alam po ninyo. 'Yung ministrong naka-destino, kapatid na Abraham Cruz at noted by 'yung nangangasiwa ng distrito ng Tarlac ang kapatid na Daniel Lapada. (audio/video)


(543kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1