(Binasa ni
ka Michael ang sulat) Kapatid na Eraņo Manalo Tagapamahalang Pangkalahatan Iglesia Ni Cristo
Mahal na kapatid,
Magalang po kami na sumulat sa inyo upang iparating ang
isang pangyayari na naganap po sa local ng Pao dito po sa distrito ng Tarlac.
Ang nangyari po ay pinasok ng samahang ADD Brgy. Pao, San Jose Tarlac
'nuon pong Lunes ng gabi. April 19, 2004 ika-pito ng gabi. Nagsagawa po sila ng
pamamahayag sa tapat ng bahay ng brgy. captain na si Celestino Baltazar at
gumamit po sila ng sound system. Lagi po nilang sinasabi sa kanilang pagtuturo
na hinahamon po nila tayo na harapin sila sa debate. Ng sumunod na gabi, Martes.
April 20, 2004 ika-pito ng gabi ay puro paninira ang kanilang sinasabi laban sa
iglesia at patuloy parin po na hinahamon tayo ng debate. Narinig po ito ng mga
kapatid dahil sinasabi nila na dalawang beses na tayong hinahamon ay wala paring
humaharap sa kanila. Dahil po dito kagabi araw po ng Huwebes, April 22, 2004
ika-pito ng gabi ay muli po silang namahayag sa brgy. Pao at napakarami po
nilang dumating at napakarami po nilang dumating na sa akin pong estimate ay
mahigit isang-daang tao ang kasama nila. Ang pangbungad agad na sinabi ng
manggagawa nila na si Manny Antonio ay dalawang beses na silang naghahamon sa
atin ay wala paraw na humaharap. Dahil po dito ay sinundo ko agad ang pangulong
diakono ng local ng Pao sa destino ko pong local sa Villa Aglipay dahil sakop ko
po ang local ng Pao. Pagdating po namin sa Pao ay agad po namin silang hinarap
na sinabi ko po na tinatanggap ko po ang kanilang hamon, subalit agad sinabi ng
kanilang manggagawa na si Manny Antonio na ang debate ay gagawin sa TV o sa
radyo, kaya sinabi ko po na bakit kayo nagtatago sa TV o sa radyo (audio/video)
(845kb)
|