Video Clips

 

Ang nilagdaang kasunduan II

Ramil: Iyan sanang kasunduang 'yan mga kaibigan, kapatid na Michael kung iginalang lang sana nila 'yung kasunduang 'yan, tyak na sisipot sila sa tamang oras dahil sa ang usapan 'dyan Lunes ho 'yan ano po? Alas-tres ng hapon
Michael: At lumagda 'yung magkabilang panig
Ramil: Opo at mayron' pang saksi
Michael: 'Yun bang taong may karangalan kapatid na Ramil sisira ba 'yon doon sa kasunduang nilagdaan?
Ramil: Ay hindi po, hindi po marapat. Lalo na't taga-pangaral kapatid na Michael eh, dapat 'yung palabra de honor dapat na isinasa-alang-alang nila, pero hindi eh dahil sa...'nung nagpunta tayo nabalitaan lang natin nagpunta raw na alas nuwebe ng umaga, o! Eh samantalang nilagdaan nila alas tres ng hapon
Michael: Kaya nga 'nung naroon na tayo ng hapon bago mag-alas tres di' naka-usap na natin si mayor Rey Catacutan, anong ginawa ni mayor Rey Catacutan?
Ramil: Tinawagan po 'yung mga manggagawa ano?
Michael: 'Nung kabilang grupo
Ramil: Taga-kabilang grupo at ang totoo talagang nagka-usap sila
through cellphone at ah naka-usap din po ninyo kapatid na Michael
Michael: Siguro iparinig po muna natin kapatid na Ramil. Siguro itinatanong nila, anong ilang bahagi nang pag-uusap ni mayor Catacutan 'don sa Capaz Tarlac at saka 'nung manggagawa nung ah...ADD na pinamumunuan ni Mr. Kontradiksyon
Ramil: 'Eto po, panoorin po ninyo mga kaibigan. 'Eto...(audio/video)


(549kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1