Michael: Muli na namang hindi natuloy na pakikipag-usap ng kabilang grupo,
'yung ah...grupo ng pinamumunuan ni Mr. Kontradiksyon Ramil: At ah...ibahagi
natin sa ating mga taga-subaybay ang talagang totoong pangyayari, walang dagdag
batay po sa totoong pangyayari dahil sa minsan pa 'etong mga taong ito
naghahamon sa atin lagi kapatid na Michael ng debate, diskusyon! Dahil may sakit
sa debate ang mga taong ito ano?. May sakit sa usapan pagkatapos pagka atin
namang pupuntahan eh hindi naman sumisipot Michael: Sa napakaraming
pagkakataon, sa Bulacan kapatid na Ramil may pangyayari din 'dyan. At ang isa pa
iyong ah...ipinakita narin natin dito 'yung nangyari din 'dyan sa Parañaque,
sumipot ba sila kapatid na Ramil? Ramil: Hindi po. At 'eto naman itong huli
ang usapan naman doon sa Capaz Tarlac. Dahil sa meron pong pangyayari naghamon
itong grupong ito pagkatapos noong...mag-uusap na sana 'yung pre-debate
conference na sana doon sa Capaz Tarlac at ang magiging saksi sana iyong Mayor
doon, hindi na naman sila sumipot. Kaya mabuti siguro ibahagi natin, ano ba ang
simula noong ah...temahan sa kapatid na Michael? Michael:
'Eto po 'yon mga kababayan. Ang babasahin po namin sa inyo ay isang liham mula
po sa isang ministro sa INC 'dyan po sa lalawigan po ng Tarlac. Sumulat po sila
sa Tagapamahalang - Pangkalahatan ng INC, 'eto po ang ilan sa nilalaman doon sa
naka-paloob doon sa kanyang liham sa kapatid na Eraño Manalo, eto po ang liham
ni kapatid na Abraham Cruz. (audio/video)
(704kb)
|