Video Clips

 

Pag-uusap ni ka Michael at ng ADD(Mel) - III

Michael: O, hindi ho ba...'dyan matitimbang kapatid na Ramil , dumating tayo sa usapan, sino ang hindi dumating?
Ramil: Sila po! Itong grupo at mga manggagawa ni Mr. Kontradiksyon. Ang akala ko ba'y ang tapang-tapang ng mga taong ito?
Michael: Hamon ng hamon ah!
Ramil: Oo! Eh laging naghahamon eh. Kung talagang totoo at seryoso 'yung paghahamon 'nyo dapat hindi 'nyo inatrasan 'yan. Naka-ilan na ba tayo? Sa akin lang, sa aking karanasan dalawang beses na magkasunod isang buwan lang ang pagitan eh 'eto na naman nangyari o!
Michael: At bukod pa 'yong karanasan ng kapatid na Bien Santiago kasama ang kapatid na Jun Bularan
Ramil: Oo! Eh dahil sa..kung totoo at may paninindigan may prinsipyo ang mga taong ito sana iginalang nila 'yung lagda nila, sumipot sila doon sa pre debate conference para pag-usapan na nga 'yung tema
Michael: Mga kababayan matatalino naman po kayo. Anong masasabi 'nyo sa isang grupo ng isang samahang pang religion na puro hamon? Naghahamon kapatid na Ramil paghaharapin na hindi na lumilitaw sa takdang panahon ng pagkikita sana
Ramil: Gaya ng sinabi 'nyo, parang mga aso ito ano? Kahol ng kahol pero hindi naman sumisipot doon sa usapan. Kaya itong grupong ito'y nagtatago lang sa paghahamon pero hindi naman totohanan at hindi bukal sa kalooban iyong kanilang ginagawang paghahamon sa atin  kapatid na Michael. (audio/video)


(533kb)  Loading...
Hosted by www.Geocities.ws

1