Michael: Eh kilala 'nyo po iyong Mr. Manny Antonio?
Mel(ADD): Kilala ko po Michael:
Manggagawa po ninyo ito? Mel(ADD): Manggagawa po
Michael: Okey po. Lumagda
po siya rito na pupunta ho rito at magpapadala po ng kinatawan mula po sa grupo
ni Ginoong Kontradiksyon, 'yung puno nyo. At nakalagda rin po si brother Abraham
Cruz 'yung ministro po ng INC rito na hindi po umuurong sa debate ang ministro
sa iglesia. Ang witness po... Mel(ADD): Pumayag po kayo sa Plaza di' ba?
Michael:
Pumayag po kayo sa plaza...excuse lang po ano po. Ang nasa kasunduan po ay
magkikita ho tayo ngayon dito sa Capaz Tarlac. Di' ho ba nakalagda 'yung
manggagawa po ninyo? Mel(ADD): Opo
Michael: Nakalagda po. Eh manggagawa po 'nyo ito, karangalan po nang...kung may natitira pang karangalan sa grupo 'nyo,
karangalan ng grupo 'nyo ito...nasa Concepcion na po kayo di' po ba? 'Pwede pong
puntahan namin kayo mismo 'dyan kung ayaw 'nyong magpunta rito? Asan po kayo?
Concepcion? Mel:(ADD):Opo, papunta pong Magalang
Michael: Ah puwede hong
magkita tayo kahit asan man kayo, pupuntahan ko po kayo?
Mel(ADD): Hindi po
siguro ganun Michael: Ayaw 'nyo? So pati kayo
ayaw 'nyong makipagkita po? May gawain kayo, saan 'yong gawain 'nyo dadalo
kami?...Ayaw 'nyo! Sandali po 'eto po si Mayor. Salamat po ano. (audio/video)
(697kb)
|