Willy Santiago: Ang mga apostol po kapatid?
Nagtatanong: Opo Willy Santiago:
Kung sa kanilang pagtuturo? Nagtatanong: Opo
Willy Santiago: Sila po'y
nagkakamali? Nagtatanong: Opo
Willy Santiago: Kapagka po ang turo kapatid
ng mga apostol ay 'yun po mismong kanilang narinig sa ating Panginoong
Jesucristo at kanilang isinulat eh tayo po ang paniniwala natin kapatid eh sila
po nang mangaral, dahil sila po mismo ang mga nakasama ng Panginoong Jesucristo,
first hand po sila sa information, sinabi po ni San Pablo na apostol Unang
Tesalonica 2:3-4: "Ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni
sa pagdaraya, kundi kung paanong kami'y minarapat ng Diyos upang kami'y
pagkatiwalaan ng evangelio, gayon namin sinasalita". 'Yun po ang sabi po ni San
Pablo. Nagtatanong: Samakatuwid hindi po sila nagkakamali.?
Willy Santiago:
Sa aral po, sinabi po nila 'yon. Nagtatanong: Maging sa pagbasa ng Biblia?
Willy Santiago:
Sa aral po kapatid, kasi po ang mga apostol 'nung sila po'y nangangaral kapatid,
ang kanilang ipinangangaral po 'yun mismong kanilang sinasalita, ano po, kagaya
po ni San Pablo. Siya mismo po ang nagsasalita 'nung aral 'nung siya po'y nasa
lupa at nangangaral. Nagtatanong: Eh di' hindi po sila prone sa pagkakamali
sa madaling salita? Willy Santiago: Ang sinasabi
ko nga po sa inyo 'yung aral po mismo na narinig nila sa ating Panginoong
Jesucristo at kanilang isinulat, sinabi po nila na sila po ay nangangaral po
hindi sa kamalian kapatid. (audio/video)
(104kb)
|